•Chapter5•

107 2 0
                                    

"Ikaw At Ako"

bakit nga ba ikaw at ako? Eh pwede namang tayo.
*Chuckle* natatandaan ko na Wala naman kasing tayo. Ito ako umaasa sayo kahit na alam kong wala ng pag-asa. Oo crush kita, pero hindi iyon sapat na dahilan para masaktan ako ng ganito.

Napaisip ako crush lang diba? Dapat kilig kilig lang pero bakit? Minsan tinatanong ko sa sarili ko na bakit pa nabuo ang "tayo", kung wala namang "ikaw at ako".
Oo na tama na masakit na.

Masakit na hindi mo ko kayang tignan tulad ng pagtingin ko sayo. Masakit na niminsan hindi mo ko iniyakan tulad ko. Masakit na niminsan hindi mo manlang ako inisip tulad ko. Pero mas masakit pala na hindi mo ko kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo.

Siguro nga, pinagtagpo lang tayo at hindi itinadhana. Masakit man pero kaylangan kong tanggapin Kasi walang tayo.  Ito ako tulala kakaisip sayo.

Minsan ba naisip mo ko? Kung oo salamat. Hindi ko alam kung bakit isang sulyap, isang ngiti , isang tingin mo lang masaya na ko. Tila nanalo sa isang paligsahan.

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundo kong walang kakulay-kulay. You gave a light in my world full of darkness.

Pero bakit tila nalulungkot kapag ika'y hindi nakikita. Minsan naisipan kong itigil na ito pero kahit anong gawin ko ganon parin. Hindi naman kasi ganon kadali Yun.

Hindi naman kasi tulad sa mga pelikula na mala fairytale ang istorya. Walang nagmamahal Ng hindi nasasaktan. Kaylangan mong masaktan at mag sacrifice.

Nalaman ko rin ang sagot sa aking tanong. Hindi lang pala kita crush, Mahal na pala kita.
Hayaan mo ko.

Hayaan mo kong mahalin ka.
Hayaan mo kong patigilin to.
Oo nasasaktan ako pero hayaan mo hindi kita sisisihin sa mga nararamdaman ko.

Dahil ako at ako lang ang taong dapat sisihin. Ito ako si tangang umaasa, at sa huli umaasa parin kahit na alam kong wala ng pag-asa.

Wakas.
Oo wakas kasi wala namang tayo
At kahit kelan hindi magiging tayo.

Love Spoken Word Poetry.Where stories live. Discover now