bestfriend,

879 10 3
                                    

-- Laika's POV --

Nakakainis! Ilang years na kaming bestfriends, yet, never pa nya akong binigyan ng flowers. Kahit plastic lang! Tapos pag dating kay Ariana, isang bouquet pa talaga? I just can't believe na isasantabi muna niya yung drumsticks na matagal na nyang gustong bilhin para lang kay Ariana. Stupid! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ako? No, no, no! I can't. Di pwede. Wala akong karapatan. Bestfriend lang ako.

Speaking of... Nagtext siya.

SUPERnorMAN: Khai, may nasabi o nagawa ba akong di maganda?

Khai: Wala. Sorry, pagod lang ako.

SUPERnorMAN: Kahit wala akong maisip na dahilan, alam kong nagtatampo ka. Babawi ako bukas. Susunduin kita.

Nawala lahat ng init ng ulo ko... Ano ba yan! Gusto ko pa naman sanang magtampo-tampuhan, para lambingin nya. Desperate ba? Haha. Pero di ko magawa, siya talaga ang weakness ko eh.

Khai: Ah okay. San tayo?

SUPERnorMAN: We will conquer our fears...TOGETHER <3 Goodnight!

Khai: Alright. I think I have to wear jeans :) Cant wait!

Ano kayang plano nun? I bet it will be MEMORABLE! Well, every moment with him becomes memorable.

* * *

Today's the day! Nauna pa akong magising kesa sa alarm ko. Obviously excited!

Tapos na akong magbihis nung nagtext sya.

SUPERnorMAN: I'm on my way. U ready?

Khai: Yup :)))) Hurryyyy!

Di ako mapakali. I keep looking on the mirror. Too conscious! :) Nung nagdoorbell sya, muntik pa akong madapa kakamadali kong bumaba. Excited amp!

"Sakay na!" sabi nya. Nakamotor sya.

"Kala ko magtataxi tayo as usual?" honestly, I'm really afraid na magmotor lalo na pag sya ang driver.

"I told you! We will conquer our fears. Haha!" nakatayo lang ako. Di padin ako sumasakay. Twice na kaya kaming nadisgrasya dahil sa pagmomotor nya.

"Khai...sumakay ka na. humawak ka sakin at magtiwala ka, kahit ngayon lang. I will take care of you." Tapos sinuot nya sa akin yung helmet nya kaya napanatag na ang loob ko. Sumakay na ako.

"I trust you." I whispered.

Kinuha nya ang dalawang kamay ko & put it around his waist. "Wag kang mahiyang yakapin ako." Sabay ngiti. Ang gwapo nya talaga!

"Kapal mo! Buti sana kung may makakapa manlang akong abs pag yumakap ako sayo. Stupid!"

"Look who's talking! Di kadin naman sexy ah. Why so flat?" tapos nag-smirk sya.

"PACKING TAPE KA!" kinurot ko sya.

"Aray! Wag ka nang choosy, bastard! Ayusin mo kapit mo..." sabi nya at umalis na nga kami. GOD BLESS OUR TRIP! I think I'm gonna die sa sobrang nerbyos!

* * *

WTF?! Harurot ang pagpapatakbo niya... napapahigpit tuloy ang yakap ko sa kanya. Kung iniisip mong nageenjoy ako sa sitwasyon namin ngayon, you're wrong! Mas nangingibabaw yung nerbyos ko kesa sa kilig ko. 30 minutes ang byahe kaya 30 minutes din akong hindi humihinga. Pagkababa namin ng motor, hinampas ko sya.

"I hate you! Kabadong-kabado kaya ako!"

"Haha! Atleast we are alive. Kunyari ka pa! Sinamantala mo nga ako...ang higpit kaya ng yakap mo." sabi nya. Yabang nya 'no?

"EXCUSE ME! You're not my ideal type!" I said.

"Eh bakit napapangiti ka dyan?" he smirked! My God! Kinukulit nya ako. Norman, please stop! Kinikilig na ako eh >_<

"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. I changed the topic nalang. Baka bumigay ako ng wala sa oras eh.

"Sabi ko diba babawi ako sayo? Kaya sure akong magugustuhan mo 'to." he said. Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na kami.

* * *

Bestfriends Turned Lovers || TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon