to

645 10 0
                                    

-- NORMAN'S POV -

Nung nakita ko ang itsura ni Laika kagabi, bakas sa mukha niya yung sakit at galit dahil sa mga nakita niya. Eto nanaman ako, nasaktan ko nanaman sya. Ayokong isipin nyang mas mahalaga si Ariana kesa sa kanya pero kahit saang anggulo tingnan, I admit, mali yung ginawa ko. Di ko alam kung madadaan ko pa sya sa mga surprises at pagbawi ko. Masyadong malaking gusot 'tong nagawa ko. Masyadong masakit 'to para sa kanya. Kahit ako 'di ko alam kung paano akong babawi sa kanya. Parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanya... T*ngina naman oh! Di ko na alam kung bakit ako nagkakaganito!

* * *

Kinaumagahan, umuwi na din si Ariana. Sinabi ko sa kanyang girlfriend ko si Laika...panay nga ang sorry nya dahil daw nag-away pa kami dahil sa kanya. Di rin naman pwedeng mag-stay sya sa bahay ng matagal.

Papunta ako kila Laika nang makasalubong ko si Karim, yung friend nya.

"Pre, ikaw pala yan. Papunta ka kila Laika?" tanong nya.

"Ah...oo."

"Tama lang. Di ko alam kung anong nangyari sa inyo pero ramdam kong sobrang nasaktan si Laika. Mahal na mahal ka nun! Sige, puntahan mo na." tinapik nya ako at umalis na sya.

Siya siguro ang nag-comfort kay Laika kagabi. Nakakaselos pero di ko naman masisisi si Laika... ako pa din naman ang unang gumawa ng mali.

* * *

Nag-doorbell ako. Pag bukas niya ng pinto, malungkot ang mga mata niya at pilit ang ngiti niya.

"Pasok ka Norman." sabi niya. Pumasok ako. Di ako makapagsalita. Di ko pa din alam kung paano ko uumpisahan...

"Kumain ka na ba hon?" tanong niya. Nagpapatay-malisya siya. Lalo tuloy akong nagi-guilty.

* * *

Bestfriends Turned Lovers || TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon