and I

675 12 0
                                    

Naging maayos ang relationship namin. Lagi kaming nagkakasundo. Nagkakatampuhan din naman minsan pero di na namin pinagpapabukas na magbati. Alam nadin ng parents namin ang tungkol sa relationship namin at naging masaya naman sila. Everything seems perfect. Sana lagi nang ganito.

* * *

Tomorrow will be our first monthsary. First time ko 'to & I think it's better if I have something to give him. The perfect gift for him will be drum sticks. Isusurprise ko sya kaya gabi palang tinext ko na sya ng: "Superman, sa Kenny's na tayo mag-lunch tomorrow. See ya!"

Sana naman maalala nya kung anong meron bukas.

May 18, 2011

12pm na. Nakabili at na-wrap ko nadin yung drumsticks na gift ko for Norman. I rushed to Kenny's dahil baka nandun na sya. Nakakahiya naman kung late ako.

Tingnan mo nga naman oh! Wala pa sya. Until 1pm, wala pa sya pero di padin ako umoorder. I keep on texting him kung nasan na sya pero di manlang sya nagrereply.

1:30pm nagtext si Norman:

"Khai, sorry. I can't come at the moment. Umorder ka muna. See you later nalang at Max's. Dinner nalang tayo together. I love you hon."

Pinaghintay na nga nya ako, hindi pa ako sinipot! Hello? Monthsary natin ngayon! Pero sige...babawi naman daw sya eh. Ayoko namang pairalin ang init ng ulo ko sa espesyal na araw na 'to.

* * *

After eating my late lunch, umuwi muna ako. Wala naman akong ganang gumala sa mall.

7pm, bumalik ako sa mall at dumiretso sa Max's. Damn! Wala pa ding Mr.Norman Delos Reyes! Iba na'to. Di na maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari kaya tinawagan ko na sya.

"Norman, nasan ka na ba?"

"Khai, sorry talaga. Nagyaya kasing magjamming tong mga kabanda ko eh. Di naman ako makatanggi."

"Edi sana sinabi mo agad! So, di ka na makakarating?"

"Ahm. Yup. Ayaw pa nila akong pauwiin eh.Sorry hon. Sorry talaga."

"Sige. Mag-isa nalang ako kakain then uuwi din agad ako. Happy monthsary nalang hon. Ingat ka sa pag-uwi mo." sabi ko.

Inexpect ko nadin namang mangyayari 'to. Di ko mapigilang umiyak. Bakit ngayon pa? Siguro nga hindi nya ako priority.

* * *

11 pm: Matutulog na sana ako nang biglang tumawag ang mama ni Norman sa akin.

"Good evening Laika. Nasa mall pa ba kayo ni Norman? Gabi na." nagulat ako sa sinabi ng mama nya. Kalokohan talaga nitong si Norman! Alam kong magagalit ang parents nya pag nalaman nila ang nangyari kanina kaya pinagtakpan ko nalang sya.

"Yes tita. Magkasama pa po kami ni Norman pero pauwi nadin po. Pasensya napo kung ginabi na kami." paliwanag ko.

"Okay nak. Ingat kayo sa pag-uwi."

Hindi na talaga maganda 'to. Hindi na tama ang ginagawa niya kaya tinawagan ko na sya.

"Norman, tumawag sakin mama mo. Sinabi ko na nga lang na magkasama tayo eh! Nasan ka na ba? Gabi na!" sobra na akong nag-aalala sa kanya.

"Andito pa kami sa Studio."

"Umuwi ka na please!"

"Alam mo namang matagal nadin akong di tumutugtog. Minsan lang naman to eh. Nakikisama lang ako!" sya pa 'tong galit ngayon!

"Ah ganun? So, mag-break nalang tayo?"

"Sige..."

"Anong sige?"

"Sige, uuwi na ako." sabi nya.

First monthsaries supposed to be special and happy...pero yung samin, muntik nang maging ending. Norman, why?

* * *

Bestfriends Turned Lovers || TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon