4: AFFECTED

267 121 40
                                    

"Bal, you should see this first! Si Jim, nag-post sa facebook. Naka-tag ka. He's sorry for everything at mahal na mahal ka pa rin daw niya."

Habang abala ako sa ginagawa ko ay bigla kong inagaw 'yong cellphone niya at binasa 'yong naka-post sa timeline ko.

"Kathlyn Kae Sanchez, sorry for everything. Please give me one more chance to prove myself to you. I'll wait until you forgive me. I love you so much."

"Shit. Nakakahiya naman ito." Inis kong reklamo sa kawalan.

"Bakit ka naman mahihiya? Effort na 'yan, sis. Kaysa naman magmukmok ka riyan, 'di ba nga 'yan naman 'yong gusto mo? Haynako! Hindi bagay sa iyo ang maging single." Naka kunot-noo nitong sabi.

"Nahiya naman ako sa 'yo, Rae. Parang ikaw may boyfriend ano?" Gatong ko sa kaniya. Makapanermon akala mo naman may jowa ang loka.

"You know, I am not into a relationshit. I am happy for being me right now." Iiling-iling nitong sabi.

"Bitter pa rin ba iyan or naka-move-on na?" Pagbibiro ko sa kaniya.

Imbes sagutin ako ay inagaw na lang 'yong cellphone niya sa akin tyaka umalis sa harapan ko.

May attitude problem talaga ang isang 'yon kaya madalas kaming hindi magkasundo ng kakambal ko, e.

"Rae! Joke lang naman, uy!" Tawag ko sa kaniya pero leche siya, no pansin ang gaga.

Pero wala pang ilang minuto ay lumingon siya sa akin.

"Mamaya na pala 'yong pictorial niyo. You need to fix yourself. Kailangang ikaw 'yong pinakamaganda roon." Pag-iiba naman nito ng usapan.

"So, ikaw na ang bahala sa 'kin. Ikaw naman ang may pakana ng lahat ng ito, e." Medyo naiinis kong reklamo sa kaniya.

Kasi naman, dapat siya ang nandito sa posisyon ko ngayon. Siya parati ang pambato aming sa mga ganitong patimpalak kaso nagkabaliktad ang lahat. Tsk.

"Oo na." Tipid nitong sagot.

Sinamahan niya ako sa photoshoot ko ngayon. Nadatnan naman aming si Marcko na inaayusan na ng stylist.

"Ang gwapo naman niya ngayon." Bulong ko sa sarili.

Nagpalinga-linga pa ako hanggang sa bigla akong napatigil. I saw him---smiling at me? Shocks! Bakit nandito siya? Huwag niyang sabihing, kasali rin siya? Ghad! Bakit pati ba naman dito hindi kami pinapalagpas ng pagkakataon?!

The fuck.

"Chill ka lang, Kae." Pagpapakalma ni bal sa 'kin.

Napansin siguro niya 'yong tingin ko sa lalaking 'yon.

"Nakikita mo ba 'yong nakikita ko, Rae?"

"Oo. Kaya chill ka lang diyan. Halika na! Aayusan ka pa, e." Aniya.

Lumapit kami sa mag-aayos sa 'kin. Wala pang ilang minuto ay inayusan na rin ako ng hired make-up artist at hairstylist ng mismong nasabing gaganaping patimpalak.

Light lang ang make-up ko then nilagyan ako ng fake eyelashes para pampaakit daw sa mismong photoshoot namin then curly hair sa dulo ng buhok ko.

Unang susuotin namin ay 'yong simple white shirt na may butas-butas at may tatak na Mr. & Ms. CBA candidate, skinny jeans at black high-heeled na mga 3.5 inches ang taas.

"Guys, be ready. Sunud-sunod kayong pipicturan later then gawin na ninyo 'yong pinaka the best pose ninyo sa shoot para mabilis tayong matapos. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Ani photographer.

Lahat kami ay napatango na lang sa sinabi niya.

Medyo kinakabahan na ako.

Unang ginawa ay solo pose. Iba't ibang pose lang. Fierce, formal, serious-type, candid and sexy pose.

THIRD CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon