18: BARKADA

99 55 6
                                    

Madalas ang pagbabangayan namin ni Marcko na para bang aso't-pusa. Same issues pa rin until now. Ewan ko ba. Napaka-isip bata.

Sigurado ako na wala na akong feelings kay Jim. Kasi kung mayroon pa, baka until now ay naguguluhan pa rin ako tulad noong nangyari last semester.

"Sabi ko naman sa iyo na we're just friends." Naiinis kong sambit habang todo explain sa kaniya na walang namamagitan sa amin ni Jim.

"Ex mo siya, Kae. Malamang kahit ayaw kong alalahanin iyon ay naiisip ko pa rin na may nakaraan kayo." Galit na galit nitong saad.

Nakakunot ang noo, salubong ang dalawang kilay at nakasimangot.

"Kaya nga nakaraan na, 'di ba? Pabaliktad ka bang ipinanganak at hindi mo naiintindihan ang salitang nakaraan sa kasalukuyan o sa hinaharap?" Pagmamatigas ko.

"Ang nakaraan ay pwedeng maging kasalukuyan." Mahinahon na nitong sambit habang napapaiwas na ng tingin sa akin.

Ibig sabihin, nagpipigil na ito na magalit lalo.

Kaya huminga ako ng malalim upang mawala ang pagiging iritado at para na rin hindi ako makapagsalita ng pagsisisihan ko sa huli.

"Sino bang mahal ko? Ikaw, 'di ba? Bakit magiging kasalukuyan ang nakaraan kung matagal na pa lang nahanap ang aking hinaharap." Banat ko rito habang nilalambing na rin ito.

Wala naman kasing patutunguhan itong pagbabangayan namin kung magmamatigas pa ako sa wala namang kwentang bagay. Kaya inayos ko na lang agad ang sarili upang suyuin ito.

"Sorry na. Huwag na tayong magtalo. Nakaka-stress sa tuwing hindi tayo okay." Lambing ko habang pinipisil ang pisngi nito.

Napabuntong hininga na lang ito at napayakap sa akin, "Sorry din. I love you." And I hug him back.

"Huwag na magalit ang bebe ko, ha? I love you too." Kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa sabay hila sa mukha nito habang paulit-ulit kong hinahalikan ang kaniyang labi.

Napakalambot ng labi. Sarap tuloy halik-halikan. Ops! Pause---napatawa na lang tuloy ako sa ibang naisip ko.

Simula kasi noong araw na umamin ito tungkol sa nakaraan namin at ang taong matagal ko na rin gustong makita ay maslalong tumindi ang pagmamahal ko sa kaniya. Na kahit anong away namin ay kaya kong tiisin.

That's how love is.

"Sana ganito pa rin tayo sa paglipas ng maraming taon. I just can't lose you." I giggled while thinking our future together.

Back to landian na naman kami. Sana talaga hindi kami magsawa sa presensya ng bawat isa. 'Yong tipong kahit araw-araw na nagkikita ay hindi pa rin nagkakasawaan dahil sa mahal niyo talaga ang isa't-isa.

"Whatever happens, walang susuko sa atin." At ginulo nito ang nananahimik kong buhok tyaka nginitian ako ng malawak na halos wala na akong makitang mga mata sa lawak ng ngiti nito.

Natuto na ako sa nakaraan. I want to fix myself sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko noon at ayaw ko naman na may mangyari pang hindi maganda sa akin.

"Ano na namang kadramahan iyan?" Natatawang bungad sa amin ni Lyn kasama pa ang ibang barkada.

Si Jocelyn Marfil ang isa sa pinaka prangka at matured mag-isip sa aming lahat.

"Ito kasing si Marcko, ang bilis magtampo." I chuckled while preparing our foods to eat ; different sodas and juices to drink.

We're here in the rooftop to celebrate our graduation party and it feels like this night is our last bonding moments together with the barkadas.

THIRD CHANCESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora