BU: RVR 1

9.7K 130 15
                                    

BU: RVR 1

Hindi nagaksaya ng oras si Fina na maghanap ng bagong trabaho dahil mas lalo nya lang maaalala si Ezra kapag nasa bahay lang sya.

"My gosh Fina sobrang dami mo namang job offers! Lahat ng sinendan mo ng resumes kinontak ka!!!!" tuwang tuwa si Kari sa kaibigan habang binabasa ang emails ng kaibigan. "Pwede din kaya akong mag-apply sa mga nandito or kung saan ka magta-trabaho kasi naman nakakamatay na yung trabaho ko." Nangalumbaba sya at umarte na parang mamatay na. Mapapansin nyang walang reaction si Fina at tiningnan nya ito. "Hala friend ano yan? Anong sinusulat mo?" paguusisa nya.

"Mga gusto kong gawin habang nagpa-process ng requirements. Gusto ko kasing malibang." Muli itong nagsulat. "Samahan mo akong maggym ha." Sabi nito sa kaibigan habang patuloy pa rin sa pagsusulat.

"HA?!!! Naman Fina alam mo namang sobrang mahal ko 'tong baby fats ko. Sobrang tagal ko nitong inalagaan tapos ipapaalis mo lang sa'kin?!!!!" Hinawakan nya ang mga taba sa tyan nya at nilaro-laro ito. "Isa pa kinakagat 'to ni boyfie kapag ginagawa namin yun." Tiningnan sya ni Fina sa ginagawa. "Sorry."

Tumigil si Fina sa pagsulat at humarap sa kaibigan. "Alam mo ba na nabasa ko na ang pagwoworkout ay nakakadagdag ng stamina para makarami kayo. Kahit nga makasampu kayo magdamag hindi kayo mapapagod." Sabi nito kay Kari at parang natuwa ang kaibigan sa narinig. "Nakakailan ba kayo?"

"Dalawa lang, tamad mode pa ako nun. Higa at tuwad lang kasi naiipit ang bilbil ko." Muli nyang tiningnan ang bilbil at nagisip tungkol sa sinabi ni Fina. "Kung dalawa ba kaming maggy-gym tingin mo magiging mahilig na sya?" paguusisa nito.

"Ha? Ikaw ang mahilig sa inyong dalawa? My gosh Kari nakakahiya ka." Napatakip sa mukha si Fina. "Alam mo maganda kung pareho kayong magwoworkout pero sa ibang gym mo sya ienroll kasi ayoko sa mga lalaki ngayon. Okay ba?" Napaatras si Kari at kumunot ang noo ni Fina. "Bakit?"

"Fina naman, alam ko ang pinagdaanan mo pero yung ayaw mo na sa lalaki? Grabe na yan." Bigla nitong niyakap si Fina.

"Siraulo ka talaga!! Ang sinasabi ko eh ayokong may makainteract na lalaki!!!!" sagot nito and she pulled away. May kinuha syang form at iniabot kay Kari. "Ayan, sumali ako dyan sa Women's Voice Organization as volunteer counselor. Marami kasing babaeng biktima ng karahasan and since professional naman ako tutulungan ko sila para naman makabawas sa sakit na nararamdaman nila psychologically. Kaya ayan, sumali ka rin." Inabutan nya pa ng ballpen ang kaibigan.

"Oy sobra ka na ha. Dinadamayan kita sa lahat kasi kaibigan kita, kasi worried ako sa'yo at mahal kita pero naman bessy yung trabaho ko palang ubos na boses kakakausap ng applicants gusto mo kumausap pa ako ng iba pa for free? Patayin mo na lang ako ngayon!! Sige na!!!" Kinuha nya ang kamay ni Fina at inilagay ang ballpen tsaka itinapat sa leeg nya.

"Ewwwww dyan ka pa talaga magpapasaksak sa may chikinini!!!" Inalis ni Fina ang kamay sa pagkakahawak ni Kari. "Mabuti pa umuwi ka na at maaga pa akong aalis bukas."

"Bakit? Nakapili ka na ng trabaho?" tanong ni Kari at tumango si Fina. "Saan? Saan?"

"Sa CBP Inc. kasi maganda yung position. Imagine sobrang laking company nun tapos ang laki ng offer sa'kin and ang daming benefits. Challenging yung position at magandang training ground ko na rin sya. Mas maraming work mas magiging busy ang utak ko sa pagiisip kaysa guguluhin ng ibang bagay!" iniligpit ni Fina ang mga gamit.

"O sya sige na mauuna na ako. Naghihintay na rin kasi si boyfie. Gusto daw nyang kumain." Ang laki ng ngiti ni Kari. "Sabi ko pagkahugas ko."

"Ugh!! Umuwi ka na sobrang L mo!!!!" Ipinagtabuyan nya ang kaibigan. "Galingan mo ha!!!!" Inihatid nya si Kari hanggang sa harapan ng bahay. "Bye!!!" pagpapaalam nito. Bago sya pumasok sa loob ay tumingin muna sya sa paligid. Pakiramdam nya kasi ay may nakatingin sa kanya. Nang wala syang makita ay pumasok na sya sa loob at natulog na.

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon