BU: RVR 5

13.1K 168 109
                                    


BU: RVR 5

"I'll see you all again next session!" Kakatapos lang ulit kausapin ni Fina ang mga kababaihang pinanghihinaan ng loob na ipaglaban ang kanilang karapatan bilang mga babae. Iniligpit nya ang mga gamit habang ang ilan ay nagpapasalamat sa kanya.

"Fina!! Naku kakatapos ko lang magevaluate and guess what?" Bungad ni Marta sa kaibigan pagpasok nito sa loob ng opisina. "Lima sa mga nagpapacounsel nanalo sa case nila at pino-promote ng marami ang organization natin." Lumapit sya sa table ni Fina. "At alam mo ba pinagiisipan ngayon ng boss natin na tumakbo sa susunod na election para sa party list."

"Really? That's great!!!! Alam mo sobrang masarap sa pakiramdam na makatulong sa mga kababaihang naabuso na ipaglaban yung karapatan nila." Huminga nang malalim si Fina habang nakangiti at sobrang kaligayahan ang nararamdaman nya.

"Thanks to you! Kasi dito sa WVO ikaw lang yung totoong nakakarelate sa kanila. Ikaw lang yung tunay na nakakaintindi sa mga nararamdaman nila. Dapat binibigyan ka ni boss ng bonus or dagdag allowance dahil sa effort and dedication mo." Ngumiti si Marta tsaka bumalik sa kanyang table.

"Sira ka talaga. Hindi naman pera ang habol ko dito. Maganda naman yung trabaho ko tsaka wala naman akong pinagkakagastusang pamilya." Nagligpit na ng table si Fina at naghahanda nang umalis.

"Bakit hindi ka pa kasi mag-asawa. Baka amagin na yang matres mo!!! Para wala ka ng goodbye fresh eggs." Pagbibiro ni Marta at nagtawanan naman silang dalawa.

"Ano kayang pinagkakaguluhan nung iba dun sa labas." Napansin ni Fina na may nagkukumpulang mga babae sa labas ng opisina. "Naku mabuti pa mauna na ako. Medyo may take home paperworks ako na deadline bukas."

"Naku Josefina! Sobrang swerte ng lalaking mapapangasawa mo. Trabaho nga sobrang alaga mo paano pa kaya sya no?" Fina just rolled her eyes dahil alam nyang inaasar lang sya ni Marta.

Papalabas na si Fina nang makasalubong nya si Harvey. "Hey, out ka na ba?" Pagbati nito sa dalaga.

"Harvey, what are you doing here?" Kinuha ni Fina ang susi ng sasakyan. "Pauwi na ako, bakit?"

Tumingin si Harvey sa paligid at hindi kaagad nagsalita. Huminga sya ng malalim at parang hindi alam kung anong sasabihin. "Hatid na kita."

"Can't you see may kotse naman ako." Itinuro ni Fina ang kotse sa harapan nila. "What's wrong with your face?" Napansin ng dalaga na may pasa sa mukha si Harvey. "Nakipagbasag ulo ka ba?"

"About that – yung ex mo ang may gawa nito sa'kin." Sumeryoso ang mukha ni Harvey.

"Si Ezra? No, hindi sya brutal na tao. I mean he is pero palaging may dahilan. Baka you triggered him." Kilala ni Fina ang binata at alam nya na hindi ito mananakit ng walang dahilan.

"Have you seen the video? May nakakuha sa ginawa ng Ezra na yun!" Kinuha ni Harvey ang phone nya at ipinakita ang video sa dalaga. Ang nasa video lang ni Harvey ay yung magkatitigan sila ni Ezra at bigla syang sinuntok nito. "See – war freak talaga sya. Gumagawa pa sya ng kwento at ipinagsisigawan nya pa sa buong bar! Ipinagtanggol lang naman kita! Pero ako pa yung sinuntok nya."

"From what I've seen meron ng tension. Pero hindi naman ipinakita kung ano ang totoong nangyari." Tumingin ng diretso si Fina kay Harvey. "At ano namang kwento ang ginagawa ni Ezra about me?"

"Hindi mo na kailangang malaman baka masaktan ka lang." Itinago na ni Harvey ang phone.

"I should know. Para ako na mismo ang makagawa ng paraan." She folded her arms over her chest.

"Na – na binabayaran ka nya to have s*x with you." Nakaramdam ng galit si Fina sa sinabi ni Harvey. "Pero alam kong hindi yun totoo. Alam kong tapos na kayo at wala nang mangyayari sa inyo kaya nagalit ako sa kanya."

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon