BU: RVR 2

7.9K 123 7
                                    


BU: RVR 2

"Nandito kami para tumulong. Lahat tayo ay may karapatan! Lahat tayo ay may boses! Lahat tayo ay pwedeng marinig at pakinggan kaya huwag na huwag kayong matatakot. Ang pangaabuso at pananamantala sa mga kababaihan pisikal man yan o berbal ay hindi dapat hinahayaan na lang. Huwag kayong matakot dahil hindi kayo nag-iisa." Pinapalakas ni Fina ang mga kababaihang dumalo sa ginawa nilang pagtitipon para huwag matakot na ipaglaban ang kanilang karapatan. Ito ang madalas ginagawa ni Fina pagkatapos ng kanyang trabaho kung may oras pa sya. Dahil sa nangyari sa kanya na muntik ng hindi mabigyang katarungan ang nangyari sa kanya kaya't naisip nyang tumulong sa mga kababaihang biktima rin tulad nya. "Maraming handang tumulong sa'tin financially. Huwag tayong manahimik lang." Pagtatapos nito. Ang lahat ay nakinig at nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa kanyang mga ipinaliwanag. "Kung may katanungan po kayo pwede kayong lumapit sa'kin o kahit kanino sa member ng Women's Voice Organization. Maraming salamat at magandang gabi." Kinuha nya ang mga gamit at iniligpit ito habang nagaalisan na ang mga kababaihan.

"Sobra talaga ang determinasyon mo dito Fina ah. Yung effort mo talagang kitang-kita. Alam mo dapat kahit paano bayaran ka nila dito no?" Pagpuna ni Marta, isa sa mga nagtatrabaho sa WVO. "Ako kasi full time ako dito pero hindi naman ganyan ang effort ko. Maliit lang kasi ang sahod so maraming tinatamad pero ikaw – " minasa-masahe nya pa ang mga balikat ni Fina, " – libre lang pero astig. Mga katulad mo ang dapat gawing president ng WVO!!!!" at natawa naman si Fina sa sinabi nito.

"Alam mo hindi matutumbasan ng pera ang pagtulong sa kapwa." Napatulala ito sandali. "Naging biktima din ako kaya alam ko ang pakiramdam. Pero mas mahirap yung akala mo may tutulong sa'yo pero wala pala." Napansin nyang naging seryoso ang mukha ni Marta. "Kalimutan mo na. Mabuti pa iligpit mo na 'to lahat at aalis na ako." Tumayo si Fina at kinuha ang mga gamit. "Tatapusin ko na lang yung para sa trabaho ko at magsasubmit ulit ako ng suggestion para sa'tin. O paano nandito na ang sundo ko. Bukas na lang." Ngumiti sya at umalis na. Nagpasundo sya kay Kari at naghihintay na ito sa labas.

"Uy bessy tinalo mo pa ang attorney sa itsura mo. Kakasimula mo palang sa trabaho pero mukhang isang taon ka ng walang tulog." Bungad ni Kari sa pagbukas ni Fina ng pintuan ng kotse at habang inilalagay sa likuran ng kotse ang mga gamit nya.

Isinara ni Fina ang pintuan ng kotse at tsaka binuksan ang nasa unahan at umupo sa front seat. "Ganun ba?" Inalis ni Fina ang pagkakatali ng kanyang buhok at ginulu-gulo ito. Hinubad nya ang kanyang coat at inihagis sa likuran tsaka sya ng pulbos at naglagay ng red lipstick. "Oh ano mukha pa ba akong losyang?"

"Sira ka talaga. Hindi ko naman sinabing losyang ka. Baliw!!!!!" Pinaandar na ni Kari ang kotse. "Pero saan ba tayo pupunta at nagpapalit ka pa ng suot?" Pasulyap-sulyap sya sa kaibigan na nagpapalit ng sapatos na from flat to stilettos. Naglagay din sya ng false eye lashes. "Effort bessy?"

"Sa Rockshock tayo!" Simpleng sagot ni Fina habang abala pa rin sya sa pagaayos sa sarili.

"Rockshock? Hindi ba bar yun?" Naguguluhang tanong ni Kari na patuloy pa rin sa pagda-drive. "This isn't you. Hindi ka nagpupunta sa bar kapag work nights." Napapailing si Kari dahil hindi nya alam kung seryoso si Fina.

"Done. Kung ayaw mo ako na lang ang ibaba mo sa Rockshock. I'll take it from there." Sagot ni Fina tsaka nagsuot ng kwintas at hikaw. "Besides I'm not the boring Fina anymore. Alam ko na ang pakiramdam ng pleasure at hinahanap hanap ko na sya. I just came out of my shell so ito na ang magiging buhay ko." Lumapit sya kay Kari na parang inaakit ito. "Don't you wanna see your bestfriend enjoy her f*cked up life?"

"Uhhh kadiri ha pero oo na sige na. Sasamahan na kita at baka sa paghahanap mo ng pleasure eh lahat ng lalaking makita mo magpakangkang ka!!!!" Itinulak nya palayo sa kanya ang mukha ni Fina. "Pero ingat lang ha. Mahirap magkasakit."

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon