Chapter 1 (LHWW)

10.2K 111 1
                                    

NO PROLOGUE, SORRY. ENJOY READING!

First chapter:

"Legend, Pakibilisan naman oh. Malelate na tayo eh." sabi ko habang nasa may tapat ako ng pintuan ng kwarto niya. 7:40AM na at parehas na 8:00AM ang classes namin ngayong Monday. Eh mga 30-50 minutes ang biyahe naming bago kami makarating sa Dream Team Academy, ang school namin.

"Wait lang! Matatapos na!" rinig kong sigaw niya mula sa loob. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige. Hintayin na kita sa sasakyan ah." Sabi ko.

"Ok!" sigaw niya ulit mula sa loob. Bumaba na ulit ako saka kinuha ang susi ng sasakyan ko at dun ko hinintay si Legend. Lumipas ang 3 minuto ay saka siya dumating.

"Pagong ka talaga forever, noh?" biro ko sa kanya. Lagi kasi kaming nalelate dahil sa kanya eh. Napakabagal niya kumilos tapos late pa siya gigising. Tsk tsk.

"Nako, Meri, sanay ka na naman sa akin. Haha." Tawa niya sa akin. Inistart ko na ung sasakyan ko at kinuha ang remote ng gate namin at pinindot ang open button.

"Hoy, Legend!  Galangin mo ako, Ate mo ako! Makatawag ka ng Meri dyan and could you stop calling me 'Meri'?" Siya lang ang tanging bukod sa mga taong kilala ko na tumatawag sakin na Meri. Ang pangit kaya. Nakalabas na kami ng gate at nagsimula na akong magdrive papuntang Dream Team Academy.

"Haha. Ayoko nga. Special ako kaya dapat may nickname ako sa Ate kong panget." Sabi niya habang inaayos niya ung buhok niyang basa at tumutulo pa.

"Legend Graysen Tang, How many times do I need to tell you to dry your hair first before you step in my car?"

"Merichelle Tang, How many times do I need to tell you to stop speaking in English especially if you're talking to your handsome brother?" Hayy. Bakit ba ako nagkaroon ng baliw na kapatid? Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 10 minutes na lang ay time na. Hindi ako pwedeng malate ngayon dahil may ipepresent akong project sa harap ng klase at sa sobrang malas ko, Ako pa ang pinaka-una sa araw na to. =_=

"Legend, Isuot mo ung seatbelt mo." Utos ko sa kanya.

"I hate seatbelts." Napaka-arte ng kapatid ko ano?

"Suot mo na kasi. Bibilisan ko ung takbo kasi malelate na kaya tayo." Sabi ko sa kanya. Wala siyang nagawa kaya sinimulan na niyang suotin pero hindi niya mahila. Medyo binilisan ko na ang takbo ng sasakyan ko.

"Bulok naman tong sasakyan mo, Ate eh. Ayaw mahila nung seatbelt." Inis ni Legend sa akin. Pina-ikot ko na lang ang mga mata ko at inextend ko ang kamay ko at hinila ang seatbelt niya pero ayaw.

"Kaasar naman tong seatbelt oh." Bulong ko.

"Ibig sabihin niyan, Palit ka na ng sasakyan." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mas nilakasan ko pa ang paghila ko pero napabitaw ako bigla sa manibela nang may matulis na bagay ang humiwa sa kamay ko habang hinihila ang seatbelt. Dahil doon, Inalis ko ang tingin ko sa harap at tinignan ng maigi ang sugat ko at nagdudugo ito. Sinipsip ko na lang ito---

"ATEEEEE!! May tatawid!! "

Dahil sa sigaw ni Legend ay napapreno ako bigla dahil may tumawid sa kalsada pero huli na ang lahat, Nabundol ko siya at tumalsik siya sa malayo. Nakapikit ako habang nakasandal sa manibela at tuloy tuloy ang paghinga ko ng malalim. Teka, Si Legend?!

Tinignan ko si Legend at wala itong malay. May sugat ito sa noo. Inalog alog ko siya pero ayaw niya gumising.

"Legend! Gising! Legend!" sigaw ko pero parang walang nangyayari. Lumapit ako sa kanya at pinakiramdaman ang tibok ng puso niya at okay naman ito. Naalala ko agad ung tumawid. Napatingin ako sa harapan at nakita ko ung nabundol ko. Madaming tao ang nakapalibot dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. Paano si Legend? Paano ung nabundol ko? Anong gagawin ko?

Loving Him Was Wrong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon