Chapter 7 (LHWW)

2K 49 1
                                    

Seventh chapter:

10:00PM. September 22.

I used my car now on the way to Princeton’s house. I am crying the whole trip while driving. I can’t just stop my tears. Princeton is very angry…at me. I killed her sister. There’s no way he can forgive me. Sana mali ang iniisip ko. I love Princeton too much now that I can’t bear to lose him. I need someone to cry on. I need someone to tell my problems. I need Princeton Leighton Yang. But I am afraid I can’t do that anymore.

Nasa harap na ako ng gate nila. I wiped my tears first and put a powder on my face para hindi mahalata ang pag-iyak ko. Bumaba na ako ng sasakyan at magdodoorbell ako nang may bumusinang sasakyan sa likod ko. Napaharap ako dito at nakita ko ang isang itim na Porsche. This is not Princeton’s. Bumaba ang isang babae at lalaki at lumapit sa akin.

“You are Merichelle Tang, right?” napatingin ako sa babae. She came towards me and wiped my tears.

“Opo.” Tanging nasagot ko lang.

“Let’s get inside.” Sabi niya at bumukas ung gate nila. Dinala na lang nung isang butler nila ang sasakyan ko sa loob. This was the 2nd time I visited here at sobrang tahimik ang malaking bahay nila.

Pina-upo nila ako sa living room nila. Umupo naman sila sa couch sa harapan ko.

“Manang, Pakuha naman po ng juice. Salamat.” Mahinhin na sabi nung babae. Humarap siya sa akin.

“I am Justice Yang, Princeton’s mother.” Pagpapakilala nung mom ni Princeton. Inosenteng inosente ang itsura ng nanay niya.

“I am Orlando Yang, Princeton’s father.” Pagpapakilala naman nung dad ni Princeton. Mukha siyang seryoso sa bawat tingin niya. Natatakot ako.

“A-ako po si…Merichelle Tang, Princeton’s…fr-friend.” Hindi ko alam pero iyon ang nasabi ko.

“Huwag kang matakot sa amin, Merichelle. Totoo nga ang sinabi ng private investigator namin. Maganda at mabait ang kasintahan ng anak namin.” Napatingin ako sa Mom niya.

“Po?”

“Iha, We know who you are since 1 year ago. Alam namin na aksidente ang nangyari noon kaya huwag mong sisihin ang sarili mo—“

“Pero po, nasagasaan ko pa din ang anak ninyo—“

“It was purely accident, Iha. Honestly, We got mad at first but we realized that hatred leads us to nothing. Merichelle, Do not accused yourself, okay? Our daughter, Star, was also very very sick. We all knew that she’ll die anytime but she’s strong. Star is a very very strong girl. And you know what is her last wish, She told us not to be angry at God because he’ll soon take our baby girl’s life. She told us not be to angry at people who hurted us because everything has a reason.” His mom cried. Napaiyak na din ako sa kwento niya.

“I am really sorry.” Sabi ko.

“No, Iha. We are sorry pero kahit masakit sabihin, Ang totoo niyan ay star committed suicide at that time. I found her diary and read it. Sobrang nahihirapan na si Star nung araw na maaksidente kayo parehas. Sinabi niya na ayaw na niya na mahirapan kaya nagpasagasa siya. I am really sorry kung nadamay ka pa dito.”

We are both crying. Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to. Hindi ko alam pero dapat nagagalit ako ngayon eh pero hindi. Naiintindihan ko si Star.

“Iha, Anak. Please hold onto my son. He was very mad. Until now, He can’t accept her sister’s death… And he don’t know that Star committed suicide. Ang alam niya ay aksidente ang lahat. And one more thing.” Sabi ng tatay ni Princeton. Pinapatahan niya ang asawa niya. I wiped my tears and looked to him.

Loving Him Was Wrong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon