Chapter 2 (LHWW)

3K 60 5
                                    

Second chapter:

1 week passed and nakalabas na ako sa hospital. Ang dami kong nalaman tungkol sa buhay namin. Kinabukasan kasi nung gumising ako ay kwinento sakin ni Legend ung mga bagay bagay na dapat kong malaman. Ang totoo niyan ay wala pa din akong maalala na kahit ano.

Merichelle Tang ang name ko. 20 years old at graduating student ako. Dean lister din ako, Matalino pala ako? LOL. Ang kinukuha ko namang course ay Major in Music and Arts. Parehas kami ni Legend ng course. Tatlo na lang kami sa pamilya namin na magkakasama sa bahay. Ang ikinamatay pala ng parents ko ay nagcrashed ung eroplano nila nung papunta sila sa Greece para sa isang business meeting and that was 5 years ago.

Pinakita sa akin ni Legend ang picture ng parents namin at naiyak ako. Kahit nagka-amnesia ako ay may isang bagay ang hindi pwedeng makalimutan ako at iyon ang pagmamahal ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Kamukha ni Legend si Daddy at kamukha ko naman si Mommy. Si Lola Queensley naman ay namatay dahil sa heart attack. Ang ganda ganda din ni Lola Queensley.

Ang ganda pala ng lahi naming mga Tang, Hindi ako mahangin ah, Totoo lang ang sinasabi ko. Nalaman ko din na ang aming company ay ang Top 2 na pinakalamaki at pinakasuccessful na music company, Ang dream team entertainment. At ang isa pa naming business ay ang school na pinag-aaralan namin, Ang dream team academy at ito naman ang top 1 music school sa bansa.

Sinabi ni Lolo Kingsley sa akin na babalik ako sa pag-aaral this year. Hindi pa din ako makapaniwala na dahil lang sa nahulog ako sa puno ay nangyari ang lahat ng ito. Ganun ba ako katanga at nahulog ako sa puno? At ano ba ang ginagawa ko dun sa taas ng puno? Hindi ko naman naitanong na.

3 days na lang ay pasukan na ulit. Isang semester na lang ang tatapusin ko at graduate na ako and guess what? Ako pala ang magmamanage ng Dream Team Entertainment, Like what the heck?! Kinakabahan ako! Paano kung dahil sa akin ay bumagsak ang company namin na kina-iingatan ng Lolo ko? Ugh. Hindi pwede! Dapat kayanin ko tutal naman ay 4 months na lang ay gagraduate na ako. Kaya mo yan, Merichelle. Isa kang Tang, Matalino ang angkan niyo!

/Tok! Tok! Tok!/

“Pasok po!” sigaw ko at pumasok si Legend na nakangiti.

“Ate! Punta tayong DTE (Dream Team Entertainment)!” masaya niyang sabi. Alam niyo ba, Simula nung makalabas ako sa hospital ay lagi niya akong inaaya na pumunta sa DTE. Nasesense ko na nga na dahil gusto niya pumunta doon ay may crush ang dear brother ko dun.

“Nako, Legend. Kakagaling lang natin dun nung isang araw ah tapos gusto mo ulit pumunta ngayon? Be honest with me, May gusto ka sigurado sa isa mga tao na nasa DTE noh?” pang-inis ko sa kanya at napahawak siya sa batok niya. Wahhh, Ang cute ng kapatid ko magblush. Confirmed! Meron nga!

“Who’s the soon-to-be- Mrs. Legend Graysen Tang, then?” excited kong tanong.

“Ay grabe ka, Ate. Basta, Sama ka sakin tapos ituturo ko sa’yo kung sino.” Nakangiti niyang sabi. Hayyy. Para sa lovelife ng kapatid ko, Sasama ako.

“Okay. I’ll just get myself ready. Wait for me outside.” Sabi ko at palabas na siya ng pinto ng may maalala ako. “Hey, I’ll drive—“ he cut me off…AGAIN.

“NO! Ako na ang magdadrive, Ate.” Lagi na lang siya ang nagdadrive pag pupunta kami kung saan. Tsk tsk. Nagvovolunteer na nga ako eh.

“No, Let me.” Pagkontra ko.

“Nuh, Key’s with me already. Pati ako dapat ang magdrive kasi ako ang lalaki. Ang pangit kaya tignan pag babae ang nagdadrive---“ pinutol ko na siya kasi lagi na lang yun ang dahilan niya. Kesyo ganyan, ganun.

“/sigh/ Fine. Wait for me a little.” Wala akong nagagawa pag sa ganyan eh. Ang totoo niyan eh lahat ng susi ng sasakyan namin ay nakatago at ayaw nila ako bigyan L Nakakalungkot lang kasi alam mo ung feeling na may sasakyan ka pero hindi mo maidrive kasi walang susi. Tsk. Wala lang din. Kung wala si Legend, Driver namin ang uutusan niyang ipagdrive ako. Sinabi ko na ako na lang pero ayaw talaga eh kaya wala na akong nagawa. Nakakamiss din magdrive eh. /pouts/

Loving Him Was Wrong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon