Chapter 6 (LHWW)

1.8K 47 1
                                    

Sixth chapter:

30 minutes na lang ay magsisimula na ang concert. Lahat ng artists ay complete na at nasa backstage na din. Ako ang magbibigay ng hudyat kung magpeperform na ba ang artist na susunod. Si Legend ay nasa sound department. Si Princeton ay nasa lights and stage department. Naggoodluck sa akin kanina si Princeton at hinalikan niya ako ng matagal sa labi bago kami magready.

15 minutes na lang ay magsstart na. Nagcacountdown na din ang mga nanunuod. Lumapit sa akin ang isang staff at may sinabi.

“Merichelle, We have a problem. The host can’t come on time. Substitute ka daw muna.” Nagprocess muna sa utak ko ang sinabi nung staff.

“What?! Nasaan na ba si NicxSujuELF?” tanong ko.

“Natraffic daw eh. Mga 40 minutes pa bago siya makarating. Ikaw muna sa unang remarks hanggang dumating si NicxSujuELF.” Jusko po, NicxSujuELF! Nakakaloka ka!

“But.. I don’t know what to do.” Sabi ko. Wala akong ka-alam alam sa paghohost.

“Simple lang, Merichelle. Pati may copy ka naman ng mga sasabihin mo. Promise, It is easy.” Sabi nung staff. Wahhh. May choice pa ba ako? Nagbihis ako ng sobrang mabilis. White pants, Black Combat boots and a loose sweater ang outfit ko at syempre in courtesy of Yellow Hilton. Hindi ko muna tinanong sa kanya ung narinig ko.

“10..9..8..7..6..” pagkacountdown ng tao. Pumwesto na ako sa lugar ko dahil ako ang unang lalabas after the countdown. Nagsign of the cross muna ako. Grabe! Kinakabahan ako. Kaya mo to, Merichelle. Kung nung naging representative ka ng entertainment niyo ay nakaya mo, Eto pang paghohost? Magsasalita ka lang! Aja!

“5..4..3..2..1..0!” sigaw ng mga tao at sumabog ang fireworks sa stage at naghiyawan ang mga tao. Tumugtog ang isang instrumental song na para sa opening remarks.

“Go.” Sabi nung staff at naglakad na ako palabas at mas lumakas ang hiyawan nila. Punong puno ang Araneta Coliseum pero mas madami ang audience nung Channel 100 Music Awards. Nasa pinakataas ang lights and stage department pero wala doon si Princeton. Bakit kaya? Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Princeton sa may gilid ng audience. Literal na nakanganga siya at bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Bakit ganun ang reaksyon niya? Masyado ba siyang nagandahan sa akin at natulala siya? Hahaha. Ang cute niya talaga.

“Good Evening! I am Merichelle Tang, The host for today’s event, The concert for a cause: Mason Foundation.” Una kong sabi at binasa ko ang nasa papel. Tumingin ako sa lugar ni Princeton kanina at wala siya. Imbes ay nakita ko siyang tumatakbo papunta sa taas, Specifically sa may department niya. Ang layo layo kaya nun.

“Now. Let’s get this started--- Ah!” nagulat ako ng biglang sumabog ang isang light sa itaas. Napatingin ako dito at nanlaki ang mga mata ko. Sunod sunod na pumutok ang light na nasa taas. Lahat ng audience ay sumisigaw. Nasa tapat ako ng isang metal bar sa itaas. Aalis na sana ako pero nagulat ako ng may tumama sa ulo ko na isang bubog kaya napahawak ako dito. Narinig ko ang pagkatanggal ng support sa itaas sa metal bar. Hindi ako makalakad dahil sumakit ang ulo ko. Napatingin na lang ako sa itaas at bago ako tuluyang makaalis ay bumagsak na ang metal bar at tinamaan ako sa ulo.

“Merichelle!!!” narinig kong sigaw ng kung sino at tuluyan na akong nawalan ng malay.

►►►

“Legend, Isuot mo ung seatbelt mo.” 

“I hate seatbelts.” 

“Suot mo na kasi. Bibilisan ko ung takbo kasi malelate na kaya tayo.” 

“Bulok naman tong sasakyan mo, Ate eh. Ayaw mahila nung seatbelt.” 

“Kaasar naman tong seatbelt oh.” 

Loving Him Was Wrong (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon