Prologue

430 16 0
  • Đã dành riêng cho jonaxx
                                    

Prologue

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Hmmm. Nagkusot kusot ako mata habang nabangon, pero halos atakihin ako sa puso ng nakatingin sa akin ang dalawa kong kuya at ang isa pinsan kong lalaki.

"Ohh! Shit! Bakit kayo nandito sa kwarto ko?!" gulat na tanong ko sa kanila. Pare-pareho silang nakakalumbaba sa akin.

"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Kai. Nakatulog pala ako kagabi sa makaiyak dahil sa pagkamatay ng aso ko. Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko kahapon. Unti-unting may namuong luha sa mata ko at nagsimula na naman akong umiyak. Kaya agad naman nila akong analuhan.

"Shhhh. Princess tahan kana." pag aalo sa akin ni Kuya Charles. Lalo lang akong napaiyak sa ginawa nila.

"Hala. Kuya Charles, lalo mo lang pinaiyak." sabi ng pinsan kong si Mike kay Kuya. Agad akong umiling.

"What do you want Princess?" tanong sa akin ng panganay naming kuya na si kuya Kai. Agad akong umiling sa sinabi nya.

Wala akong ibang gusto kundi si Browny. Browny ang pangalan ng aso ko, simula 5 years old ko ay kasama ko na sya hanggang ngayong 10 nako. Kaya ganito nalang ang pagkalungkot ko sa nangyare.

"Ano na namang iniiyak ng Princess namin?" sabay sabay kaming napalingon kay Papa na pumasok ng kwarto ko. Agad akong tumayo at yumakap kay Papa, niyakap nya din ako at binuhat. Sa kanya ako umiyak tulad ng ginawa ko kahapon.

"Shh, Princess. Wag ka ng umiyak, may regalo ako sayo." tumigil ako sa pag-iyak ng marinig kong may regalo sa akin si Papa. Tumingin ako sa kanya.

"Ano iyon Papa? Can I have it now?" excited na sabi ko. Nakangiti namang tumango sa akin si Papa at ipinakita sa akin ang isang paperbag. Excited ko naman itong kinuha sa kanya at tinignan.

Parang lahat ng sakit ay napawi sa regalo sa akin ni Papa. It's a tablet! Niyapos ko si Papa ng mahigpit bilang pagpapasalamat. Nakita ko ang pag ngiti nila Kuya at Mike sa ginawa ni Papa.

Dahil sa tablet na iyon nahilig ako sa mga games, a online and offline games. Madalas kalaro ko sina Kuya at Mike. Yeah, I'm always with them. I grew up with them. Lumaki ako na puro lalaki ang nakasama ko kaya ganito ang kinalabasan ko. I'm a boyish Princess.

One day, may laro sila Kuya ng basketball ay sumama ako para manuod. Mag-isa lang ako sa bench habang nanunuod nang may isang ka edad kong batang lalaki ang dumaan sa harapan ko. Nagulat ako ng sa paglagpas nya ay nalaglag ang kanyang panyo kaya agad ko itong kinuha at ibibigay sana sa kanya ngunit wala na sya. Simula noon lagi na akong sumasama kina kuya sa laro nila at nagbabasakaling makita ko ulit ang batang lalaki at maisaoli ang kanyang panyo. Hindi nga ako nagkamali at nakita ko syang muli, at tulad ko ay mag isa lang din syang nanunuod ng basketball. Nilapitan ko sya para isaoli ang kanyang panyo.

"Bata, eto nga pala. Nalaglag mo iyan last week." bungad ko agad sa kanya pagkalapit ko. Tinignan nya lang ako sa ginawa ko.

Bakit? Wala ba syang gagawin kundi tignan lang ako? Ano ba yan?

"Bata, kukunin mo ba o hindi?" sabi ko ulit para naman maingli syang kunin ito. Wala namang sabi sabi at kinuha nya ito sa akin at umalis.

Ay? Walaman lang thank you? Tsk. Mas maganda pa atang hindi ko sinaoli ihh!

"Oo, Anne. Thank you!" malakas kong sabi sa sarili ko na medyo pilosopo para naman marinig nya.

Ikaw na nga nag magandang loob hindi pa nagthank you! Tsk! Gwapo ka pa naman sana. Suplado lang! Hmmp.

Simula noong araw na iyon lagi na akong nanunuod ng laro nila kuya para makita ang batang lalaki iyon. And I don't know why. I just want to see him.

Just a Bet (Eleazar Series#1) (COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ