Chapter 2- ganti ganti din pag may time :D

10 0 0
                                    

SEAN’s POV

Nasaan na kaya si Corn? Nag-aalala na ko dun sa bestfriend ko ah. Hayyy.

Ako nga pala si Sean Emmanuel Jose, totoo ang sabi ni Corn kanina na bestfriend since birth kami. Minsan nagkakatampuhan pero ginagawan padin naming yun ng paraan ganun kami e, kahit na girl ang bestfriend ko, ayos lang, gusto ko din kasi magkaroon ng kapatid na babae. Puro lalaki kasi kami e.

Mahilig ako sa Basketball, captain ball ako sa school na pinapasukan ko kaya may scholarship ako, pero hindi ko naman naha-handle yung grades ko dahil sa puyat ko, tinutulungan ko kasi si mama sa karinderya namin, si ermat ko at si motherearth ni corn ang may ari noon.

“Oh? Corn? Saan ka galing nag-alala ako sayo ha” nandito ako ngayon sa canteen, kasama niya si Jaquilene, kaklase din naming, pero bakit niya kilala ni Corn?

Bigla nalang ako niyakap ni Corn at umiyak, ano bang nangyari dito? Alam kong may hindi magandang nangyari eh, pero ano ba yun?

“May nagkulong sakanya sa CR buong umaga. Iyak siya ng iyak, buti nga at naabutan ko siya” sabi ni jaquilene, tuloy pa din sa pag iyak ang bestfriend ko.

“Sino ang nagkulong sayo doon?” sabi ko sakanya, napaka walang puso ang nagkulong sakanya non,

“S-si M-mar-ia-nelle a-ang nagkulong s-sakin s-sa c-cr” humihikbi na si corn kaya pinaupo ko na siya at pina-inom ng tubig.

“bakit niya naman ginawa sayo yun?” taking-taka pa din ako, pero pagbabayadan talaga ni marianelle ang ginawa niya, dadagdagan ko ang harina sa mukha niya.

Pinunasan ni corn yung luha niya sa mata, at uminom ng tubig, ng mahimasmasan ay nagkwento na siya.

..

.

“at yun na nga, siguro gumanti siya saakin, ang sama niya. Kung gaano kaputi yung mukha niya ganun kaitim ang ugali niya.” Tama ka jan corn, wag kang mag-alala ipaghihiganti kita sa marianelle na yun. Maghanda ka na girl harina.

Kumain na kami nila jaquilene at ni corn, maganda pala kasama si jaqui, oo jaqui nalang daw ang tawag ko sakanya medyo mahaba daw kasi pag jaquilene eh, napaka-friendly niya, mabait pa,plus, super ganda pa niya.

“uyy, si Marianelle oh.” Tinuro ni Jaqui yung table nila marianelle. Kung siniswerte ka nga naman,

“pabayaan niyo na siya.” Sabi naman ni corn. Hindi naman ako papaya dun.

“hindi, ayokong may mangyari sayo, bestfriend kita kaya may karapatan akong ipagtanggol ka, whether you like it or not.” Sorry corn, para sayo din to.

MARIANELLE’s POV

Akala niyo wala akong POV no? siyempre meron no. ako pa. hahaha. Ano na kayang nangyari kay Cornelia? Hahaha, sana na-suffocate nay un, para hindi ko na Makita dito, ang yabang yabang niya, ang ganda ganda ko kaya, inggit lang siya e.

“Girl” sabi ni Bianca sabay turo sa table nila cornelia, at si jaquilene ang tumulong kay cornelia?! Sinabihan ko na nga na bawal siyang tulungan, tinulungan padin. Humanda ka sakin jaquilene mamaya.

“what the- bakit siya tinulungan?! Ughhhh!!!!!!” pasugod na sana ako kila cornelia pero may humawak sa braso ko.

“subukan mo lang na hawakan o lapitan si cornelia at jaquilene, ako makakaharap mo.” Si Sean Michael pala, crush ko siya, ang gwapo at ang yummy niya kasi, pero bakit niya pinagtatanggol si jaquilene at lalo na si Cornelia?

“bakit? Ano mo ba kayo ni Cornelia?” pasigaw kong sabi kay Sean Michael, kahit crush ko siya wala akong pakialam, bakit niya kasi pinagtatanggol si Cornelia.

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon