contract

5 0 0
                                    

“Goodmorning! Ready ka na ba?” at nakangiti pa ang mokong. Si Jack yun, haaayyy. Kung ganito lang to, maiinlove talaga ako sakanya, kaso hindi eh.

“Ano ba kasi yun?” sabi ko sakanya habang napakamot pa ng ulo, nasa kalagitnaan pala kami ng court kaya naglakad kami papuntang hallway, at umupo siyempre sa upuan. Haha.

“bro, alis ka muna dito. Shoo” aba aba, pinagtabuyan pa ang bespren ko.

“sige, alis muna ako erp” tumango lang ako, at saka na siya umalis.

“ano ba kasi yun ha? At kaylangan pang wala si Sean?” naka ngiti parin siya, pero yung mata niya mukhang may masamang binabalak, kaya bigla akong kinabahan.

“Here, pirmahan mo.” Nagulat naman ako at may inabot siya saaking papel, coupon band pala.

“ano to?” sabay kuha dun sa papel.

“bato yan, aish, C S naman, malamang Coupon band yan. Tinuringan ka pa namang section B di mo alam ang tawag diyan.”  Haay nako.

“what I mean is, anong ibig sabihin neto.” Yan ha, specific na.

“pirmahan mo, ikaw lang naman ang magiging slave ko sa buong school year na to.” Weeeehhhh, pero totoo nga, nakita ko kasi dito na magiging alalay daw niya ako for this school year, ang kapalit niyan is siya na ang gagastos ng tuition fee ko, buti naman at bawas gastos, pero, ayoko namang maging alalay no! inside and outside the school campus pa. tsk.

“hindi ako papaya dito. Grabe naman yan, inside and outside the school campus pa, wag ganun.” Nakatingin lang sakin si Jack, hay. -_-

Pinagpatuloy ko pa yung pagbabasa.

Basa…

Basa….

Basa…..

“ANO?!!” napasigaw ako, kasi naman sa baba may nakasulat na WHETHER YOU LIKE IT OR NOT pa. hayyy.

“pinapirma mo pa ko kung wala na akong choice!” sabi ko sakanya tsaka binabalik yung kontrata.

“pipirmahan mo lang yan, para may prove na pumayag ka sa deal. Matalino yata ako no. hm. Hahaha” asar ka talaga!!!!!!! -___________-

“asar! Hindi ako papayag! Ba-bye!” paalis nako pero, kinuha niya yung bag ko sabay haggis sa open field katabi lang kasi yun ng hallway namin. Tapos may naglalaro at may nanunuod pa. naku naman!

“pulutin mo yung bag ko.” Na-aasar na ko pero siya nakangiti pa.

“pirmahan mo muna to.” Sabi niya sakin.

“Isa.” –ako.

“Dalawa, tatlo, apat, lima hahahaha, gusto mo tapusin ko pa hanggang ten? Sayang naman ang libreng tuition fee” nangonsensya pa eh, buti nalang at medyo maaga pa, kaya hindi pa nag bell.

“fine! Pipirmahan ko na basta pulutin mo yung bag ko” sabi ko sakanya, nagsi-alisan na din yung players, may tournament yata eh, tsaka hindi naman taga school.

“sige.” Yun lang ang sabi ni Jack tsaka binigay yung papel.

Viola! may problema akong pinasukan! Napirmahan ko na kasi yung kontrata eh, sabi niya dapat wala daw makakaalam nun, kundi siya at ang Jaguars basketball team nila.

“Oh, eto na yung bag mo” sabi niya na medyo hingal pa. pero teka? Bakit parang ang gaan ng bag ko? Mabigat to kanina ah. Chi-neck ko yung bag ko. At.

“JACK! ASAAN NA YUNG MGA GAMIT KO NA NANDITO SA BAG!?!!!!!” asar talaga yun!

“sabi mo kasi bag lang eh, edi ayan na, yung BAG mo.” Diniinan niya pa talaga yung pagkakasabi ng BAG. Hay!

“Nakaka-asar kaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!” sabay takbo ni Jack, pupulutin ko na nga lang yung mga gamit ko.

“Asar ka talaga si jaaaack!” pagdating ko ng classroom yan ang sinabi ko, buti nga at wala masyadong nakakita ng mga gamit ko eh. Asar kasi.

“Oh, kalma lang girl” sabi sakin ni Jaq habang nasa likuran ko. huminga ako ng malalim tsaka ko humarap sakanya.

“Jaq, mapagkakatiwalaan ka naman diba?” tapos hinawakan ko yung mga kamay niya.

“oo naman, ano kaba.” Sabi niya saakin.  Buti naman, sakanya ko lang to dapat sabihin, wag na kay Sean baka masuntok pa nun si Jack.

“kasi ganito to yun.” Binulong ko nalang sakanya lahat, natawa siya dun sa nangyaring kahihiyan sakin dahil doon sa bag pero nagulat siya doon sa-

“Ano? Magiging asdfghjkl” tinakpan ko na yung bibig niya, ang ingay eh,

“sabing bawal ipagsabi e, sinigaw mo pa. ako malalagot sayo niyan eh, may big punishment daw kasi kapag pinagsabi ko sa iba yung tungkol sa ALALAY thingy na yan.

“Oh, Erp! Andyan ka na pala! Anong pinag-usapan niyo ng mokong na yun? Inaway ka ba ha? Sinaktan ka ba?” sabi niya sakin sabay tingin sa buong katawan ko kung may galos ba.

“ano ka ba? Wala, nakikipag bati lang siya.” Dito ako magaling, sa paga-aliby.

“Pumayag ka naman?” sabi niya sakin na naka cross-arms pa.

“Oo naman no, everybody deserves a second chance, tsaka SINCERE naman siya e” diniinan ko talaga yung word na “sincere” medyo nasuka na nga ko dun e, like duh? Magugunaw muna ang mundo bago yun maging sincere.

“ikaw talaga oh, basta pag inaway na niya, sumbong lang ha!” sabi niya. Atsaka tumabi na sakin.

Dumating na din si Mahal na Hari, hay. Katabi ko pa naman siya. Buti nakasulat din doon na NO CHEATING kasi matalino na daw siya para mangopya, ang yabang eh.

“Goodmorning again” sabi niya saamin ni Sean.

“Goodmorning din.” Sabi ni Sean

“ikaw ba kinakausap ko? si Cornelia yun no. Goodmorning Cornelia.” Ay ako lang pala, akala ko kasama si Sean.

“Goodmorning din” ang cold ko talaga pagdating sakanya, ineeees kasi eh. Ngumiti lang siya after niya akong binati.

A/N: ito muna this time ha, medyo busy, hahaha. fiesta namin dito eh, bukas hanggang sunday (Apr. 19 - Apr. 20) mga sa apr.21 na ako mag-uupdate. sarreh! :) comment slash vote lang kayo ha! :)))

hugs and kisses :*

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon