Chapter One

11 0 0
                                    

We met that day... at the most miserable situation and the most unfortunate place. Both wasted, drunk and hopeless.

Dysfunctional and ruined.

Clearly, kailangan namin ang isa't isa sa magulong lugar na 'yon. Or, maybe ako lang talaga. Baka kailangan ko lang talaga siya no'ng oras na 'yon.

"Wanna have fun?" he whispered.

He's smiling from ear to ear while watching what I've been watching from afar.

Hindi ko alam kung anong klaseng fun ang tinutukoy niya. Basta napatitig na lang ako sa mukhang niyang napakalapit sa'kin. I wasn't sure if it's the music or my heart that is loudly beating.

Ayoko na ring alamin dahil baka pag nakumpirma ko kung ano nga 'yon ay magsisi lang ako.

His face is shining just like the skies whenever the sun starts to appear. Dapat malinaw na sa akin kung gaano ka-delikado ang liwanag na 'yon pero hindi ko napigilang mabighani do'n.

He's dangerous, Amira. He clearly is. Don't you forget that.

Nagulat ako nang hindi niya na hintayin ang sagot ko at agarang kinuha ang kamay ko ng walang pag-aalinlangan. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakapagreact.

Para bang bumagal ang lahat ng nasa paligid habang hinihila niya na 'ko palabas ng club na 'yon.

Bumangga na kami sa lahat ng babanggaan pero ni hindi siya huminto. Akala ko nga ay mapapaaway pa siya dahil sa malaking lalaking napaupo dahil sa pagkakabangga niya pero wala, diretso pa rin siya.

Tuloy tuloy lang ang pagtakbo namin na para bang may humahabol sa amin. Tawa lang siya ng tawa at hindi ko naman mapigilang mahawa sa kaniya. Maliliit na ngiti ang sumilay sa labi ko.

He's clearly enjoying what he's doing.

Ano kayang binabalak nito?

Malakas ang sigaw sa utak ko na kailangan ko nang magpumiglas pero, siguro ay dahil sa dala ng alak ay nagpatianod na lang ako sa kaniya.

Since it would be the first and last, hahayaan ko na lang kung saan man niya 'ko dalhin.

Sigurado naman akong hindi siya magkakamaling gawan ako ng masama. I mastered taekwondo and jujitsu very well, actually its been my sport eversince. Alam kong alam niya 'yon. And, he should know better what not to do.

Akala ko ay kung saang makamundong lugar niya ako dadalhin pero nagulat ako nang tumawid lang kami sa kabilang kalsada. Sumiksik sa dami ng taong namamasyal sa napaka-abalang street na iyon.

Lalong ikinagulat ko nang pumasok kami sa isang convenience store hindi kalayuan sa club na pinagmulan namin. 24/7 open 'yon.

Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan doon at agad namang bumagsak ang mukha ko sa table.

Narinig ko ang tawa niya sa gilid ko. Hindi ko naramdaman ang pag-upo niya at unti unting namatay ang tawa niya. Ni hindi ko na narinig kung nagsalita siya.

Wala akong lakas na lingunin pa siya, lalo na't ibang antok ang naidulot sa'kin ng lamig na dala ng aircon.

I'm damn dizzy. And, sleepy at the same time. Parang gusto kong masuka pero parang wala naman akong maisusuka.

Ngayon lang yata umaapekto ang iba't ibang alak na ininom ko kanina. I shouldn't have drank that much. That was a very stupid move from a first-timer.

But, whatever! Fuck everything! Wala na'kong pakialam!

Simula pa lang ng pagmulat ko sa mundong ito, nakasunod na ang mga paa ko sa lahat ng taling ikinibit nila rito.

Crooked Love Where stories live. Discover now