Chapter Two

13 0 0
                                    

Zico Ganzo Aragon is one of the most dangerous guy on earth, my sister once said.

"Don't let your guard down or else, he'd ruin you..." mapait na banggit niya habang nag iimpake ng mga gamit niya.

Pity and sheer dismay were all over my mind as I watched her cry gathering her things in that small baggage. Making sure everything will fit in.

Pero, hindi ko rin naman mapigilang sisihin siya sa kinahinatnan niya. Why would she involve herself with that kind of guy anyway?

Alam na ngang hindi maganda ang reputasyon sa nakararami, tagapagmana pa ng kalabang kumpanya namin. She should've known better than anyone else what's behind that guy.

I wasn't completely sure what really happened pero isa lang ang malinaw sa'kin. Nasaktan talaga siya nito ng sobra sobra.

At ito rin ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis ng bansa. Kung bakit kailangan niyang lumayo sa lahat ng nakagisnan niya.

I can only wonder why...

Wala naman na kasing makakapagpaliwanag sa akin kung ano talaga ang nangyari. 

Sa sobrang bilis kasi ng mga ito ay ni hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ni Ate ng maayos. Hanggang sa mawala siya ay naging misteryo lang sa'kin ang lahat.

Kahit nakaalis na siya ay ni walang bumanggit no'n sa bahay. Ni ang kahit anong tungkol kay Ate ay ayaw na pag-usapan ng mga magulang ko. Walang nagbawal pero malinaw na 'yon ang gusto nila Mom at Dad. Ang mabura na lang ng tuluyan si Ate sa pamilya.

Hindi ko naman tatangkaing magtanong tungkol do'n lalo na't alam ko ang mga ugali ng mga magulang ko.

I just can't help but think, ano kaya talaga ang nangyari at umabot pa sa puntong halos itakwil na nila ang sarili nilang anak?

Matagal pa lang ay natanto ko na kung gaano kadelikado si Zico at kung gaano ko dapat siya iwasan.

Kampante naman ako na hindi ako magkakamali tulad ng pagkakamali ni Ate Ashera.

Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na hahayaan kong pumasok sa sistema ko ang lalaking 'yon. Hindi ako tanga, at mas lalong hindi mahina.

Ang kaso lang, habang patagal ng patagal... unti unting lumiliit ang mundo naming dalawa.

Biglang naging bilog ang mundo at sa isang iglap lang, hindi ko na alam kung paano ako tatakbo papalayo sa kaniya.

"Shit! They're here! Oh my God!" nagpipigil ng tiling anunsyo ni Katleya matapos lumingon sa entrance ng cafeteria.

Matapos lumingon sa amin ay binalikan niya muli ng sulyap iyon. Awtomatiko namang lumipad ang tingin ko do'n.

"I can't believe this! Nandito sila Zico!" halos maghyperventilate na aniya.

Zico and his squad is just right after the entrance. Pinagmasdan ko kung paano siya pumasok habang nakipagtawanan sa mga kasama niya.

They've become the center of attraction by just entering the place.

With Zico, Teddy, Cyrus and all the other famous varsity players of Seniors... everyone in the room seems to be both shocked and fascinated by their appearance.

Bakit sila napadpad sa Junior's Building?

Hindi 'yon tanong na bunga ng interes ko.

I'm seriously not curious at all. Ni gatiting na hiblang pakialam sa kanila ay wala.

Produkto ng iritasyon ko ang tanong na 'yon, without a doubt.

Bakit kailangan pa nilang pumunta dito?

May sirili silang cafeteria and I'm pretty sure parehas lang ng laman ang dalawa. Mas malaki pa nga ang kanila kaya bakit pumupunta pa sila dito?

Maybe, nag eenjoy sila sa atensyon na binibigay ng mga mas nakababata sa kanila. Mga pasikat. Acting like they're the kings of this school porket kinatatakutan at hinahangaan sila ng majority.

Porket mayayaman at galing sa mga prominenteng pamilya sa bansa ay mga kung makaasta, sila na ang pinakamatataas.

Kitang kita sa mga tindig nila ang nag uumapaw nilang kumpyansa sa sarili. They are all wearing their cocky faces and smirks like they're ready to cause some trouble, eyeing off everyone with their boastful gazes.

Damn, it irritates the shit out of me.

Lalo na ang lalaking nasa gitna at pinaka nangunguna sa kanila. Zico Aragon is the worst of them all. Kahit wala pa siyang ginagawa.

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang kamuhian siya pero sa tingin ko ay unti unti lamang 'yong umusbong sa pagitan ng mga panahong lagi ko siyang nakikita.

I don't know why pero, lumilitaw talaga ang lahat ng kinaiinisan ko sa tuwing nakikita ko siya.

Agad kong iniwas ang tingin nang makita ko ang mga mata niyang napadpad sa direksyon namin.

Damn, did I stared too much?

"Zico!" Marielle who's beside me excitedly called him. Siguradong napansin din ang mga mata niya.

I almost glared at Marielle. This girl is too much. Alam niyang malaking bagay sa reputasyon niya na kilala siya ng Zico na 'yan kaya halatang pinapakita niya ito sa lahat. Too starved for attention, huh?

Naagapan ko lang ang masamang tingin ko sa kaniya dahil naalala kong wala nga palang alam ang mga kasama ko sa sikretong inis ko sa lalaking 'yan. At sa sikretong inis ko sa kanila.

Wala silang alam na kahit ano tungkol sa akin. Lalo na sa tunay kong nararamdaman.

Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Zico only to find him looking at me. A small smile started to form on his lips when our eyes met.

I'm pretty sure that his eyes are on me but, maaari ding nagkakamali lang talaga ako. Baka kay Marielle talaga 'yon.

Umiwas agad ako ng tingin. I kept a straught face even though I still feel his obvious stare.

Pakiramdam ko sa porma ng tayo niya bago ako umiwas ng tingin ay may balak siyang lumapit sa amin.

That's clearly not good. I need to get out of here fast. Nararamdaman ko na iyon.

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa at nagpanggap na abala do'n. Pagkatapos ay natural kong kinuha ang atensyon nila habang hawak pa ang phone.

Sinukbit ko na sa kanang balikat ang bag bago nagsalita.

"Guys, I need to go. Susunduin nga pala ako ni Manong ngayon, muntik ko nang makalimutan." kaswal na paalam ko.

Chesca frowned. "Bakit na naman? Ang Aga pa Amira!" asik niya.

"Sorry! May event nga pala kaming pupuntahan mamaya. Pinapasundo talaga ako ng maaga nila Mom. Sorry talaga!" umamba na agad ako ng pagtayo para wala na silang magawa.

"Ang KJ..." kantyaw pa ni Chesca.

"Bawi ako next time, nagmamadali na'ko e." sabi ko.

Munting kaway ang binigay sa'kin ni Katleya dahil busy na rin sa pagtutuon ng pansin sa grupo nila Zico. Si Marielle ay tinanguan lang ako saglit at bumalik agad ang atensyon kay Zico na gaya ng hinala ko, palapit na nga.

Saglit na nagtama muli ang paningin namin ni Zico bago ako mabilis na tumulak paalis.

Hindi ko tiyak kung anong klaseng reaksyon ang nasa mukha niya pero sa dahil sa napaawang na labi niya, sa tingin ko ay hindi niya inaasahan ang pag alis ko.
I can see amusement in his face and I don't think it's a good sign. I don't like it.

Halos patakbo kong tinahak ang labasan at dahil sa dami ng tao sa direksyon ko ay nalunod na lang ako sa mga yon.

Damn that Zico! Pinapagod ako!

Pwede bang gumraduate na lang siya at mawala na lang ng tuluyan sa paningin ko?

Ayoko na talaga siyang makita kahit kailan!


Crooked Love Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu