Chapter 3

5 0 0
                                    

Grade 11 senior high ako nang gumraduate ang batch nila Zico. Akala ko ay magiging masaya na kahit papaano sa school dahil hindi ko na siya makikita pero akala ko lang pala 'yon.

Habang naglalakad palabas ng gate ay litaw na litaw ang magaling na Zico Aragon na nakatayo doon at naghihintay. Sa araw na ito ay mag-isa lang siya pero kahit na gano'n ay parehas lamang ang epekto niya sa mga tao.

Kasama niya man o hindi ang mga kaibigan niya, agaw pansin pa rin.

Narinig ko ang napasinghap na si Marielle sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit sa araw araw na sinusundo siya ng lalaking 'yan ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon niya.

Para bang palagi pa rin siyang nabibigla at hindi makapaniwala.

Napatingin na kaming tatlo sa kaniya nang lumingon siya sa'min. Abot abot tainga ang ngiti niya sa labi. 

"Guys, sorry!" matamis na sambit ni Marielle. "Mukhang hindi na naman ako makakasabay sa inyo... babawi na lang ako sa susunod." paalam niya kahit wala pa namang sumasagot sa kaniya.

Isang tipid na ngiti ang iginanti ni Katleya sabay sulyap kay Zico na mukhang hindi pa kami namamalayan ang presensya namin.

Napangisi ako sa utak ko nang makita ang pamilyar na dismaya sa tingin niya. Lagi ko talagang inaabangan 'yang ekspresyon niyang 'yan tuwing nakikita namin si Zico.

Hindi ko alam kung bakit may kakaibang tuwang naidudulot sa'kin 'yon.

Well, everybody knows that she likes Zico even way back before. Even Marielle knows that.

Di lang siguro talaga uso sa mga babaeng ito ang mga salitang loyalty at sincere na pagkakaibigan.

Puro yabangan lang. Pataasan at palamangan.

"Sige, okay lang sa'min. Mauna ka na Marielle..." I happily said. 70% kaplastikan, 30% sincere dahil gusto ko na talagang puntahan niya si Zico at umalis na sila.

Kung sana ay huwag nang babalik.

She nodded before running to him. Tinawag ni Marielle si Zico nang malapit na siya rito. Mula sa phone ay inangat niya ang tingin kay Marielle. He smiled, may sinabing kung ano rito pero hindi ko 'yon narinig dahil malayo layo pa sila sa'min.

Then he turned to us, na parang may hinahanap pa kagaya ng kadalasan.

Hindi ko napigilang mapairap. Siguro ay tinitignan kung sino ang kasama ni Marielle... or  baka kung may kasama bang lalaki 'to

Nang makita ko ang mata niya sa'kin ay agad akong umayos. Nagkaroon ng munting ngisi sa labi niya pero hindi ko na alam kung anong sumunod dahil iniwas ko na agad ang tingin ko.

Shit! He saw me looking at him, again. 

I was so determined to go another way but because of the girls with me, I just can't. Si Chesca ay nakatuon sa phone niya, probably browsing on her social media account. Si Katleya naman ay pasimpleng nakatanaw pa rin kila Marielle (She looks stupid actually).

Mukhang walang balak magmadali ng mga kasama ko samantalang ako, gusto ko nang tumakbo.

Papalapit na kami sa kung nasaana ng dalawa at mukhang wala pang balak ang mga itong umalis do'n.

It's not like iniisip kong hinihintay nila kami pero, ayoko lang talaga mapalapit sa lalaking 'yon sa kahit anong paraan. Kahit mapadaan lang sa harap niya ay ayoko.

"Guys!" malakas na tawag ni Marielle na nagpalingon samin lahat sa kaniya. Nasa tabi niya si Zico na mukhang sa amin din nakatingin pero hindi ko masigurado dahil pinilit kong kay Marielle lang ituon ang pansin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crooked Love Where stories live. Discover now