CHAPTER TWO:

8.8K 191 3
                                    

THE PROMISE

Jinky Tomas



Ang natatandaan niya ay bestfriend ng ina niya si Alicia. Mula ng mamatay ang kanyang ina akala mo kung kasintahan na siya ng kanyang Daddy Jeric kung umasta. Kaya hindi siya naniniwala sa kanyang ama na hindi niya kasintahan ang dalaga.

Tutol na tutol ang bata sa dalaga. Kahit pa noong nabubuhay ang kanyang ina, sinasabi na sa kanya dapat silang maging malapit dahil bestfriend sila ng Mommy niya. Pero huindi niya iyun magawa dahil mabigat ang loob niya sa dalaga at masungit sa kanya. Pero hindi naniniwala ang ama nito sa kanya. Mabait naman kasi ang dalaga kapag kaharap nila si Jeric at kapag wala na ito hindi na siya pinapansin. Ayaw daw kasi niya sa bata lalo na kapag makulit. At kung ilang ulit na rin niyang nakita na iniirapan siya kapag naglalambing siya sa kanyang ama. Parang tigre kung makatingin. At dahil minsan natatakot siya, kusa na lamang siyang umiiwas dito. Madalas siyang mgakulong sa kanyang doll room.

“What did you say, Alex?”

“I don’t want Alicia. Don’t marry her Daddy.”

Nanlaki ang mga mata ni Jeric sa narinig.

“She is not my girlfriend. I’m always telling you that.”

“Your are lying Daddy. Basta ayaw ko sa kanya. She is notlike Mommy na mabait.” Pagrereklamo ng bata.

“Ewan ko ba sa iyo kung bakit hindi mo siya kasundo samantalang kinagigiliwan ka naman niya.”

“In my dreams..” mahinang sagot nitio sa ama at tumuloy na sa kanyang kuwarto.
Katulad pa rin ng dati, walang nagtatagal sa mga nag-aalaga sa kanya. Palagi siya ang may kasalanan. Nakasimangot si Alex, at ayaw niyang kumain. Kakaalis lang ng dating yaya niya. Maayos naman noong una, sabi pa nito sa kanyang ama na tiyak na magtatagal siya sa bahay nila dahil magaan lang ang trabaho nito at malaki pa ang suweldo. Dalawang linngo pa lamang ang nakakaraan pero umalis din. Hindi naman sinabi ang tunay na dahilan kung bakit gusto na lamang niyang umalis. Siya tuloy ang pinagalitan ng Daddy niya.

Sa kanyang murang edad, hindi rin niya matukoy kung bakit wala nagtitiyaga sa kanya, mabait naman siyangn bata. Sa umpisa maganda ang pagsasamahan nila ng yaya niya, ilang linggo lang magpapaalam na. Palagi tuloy siyang naiiwan na lang sa ere. At kahit sa kanyang murang edad, iniisip na rin nuiya kung ano ang kanyang mga pagkakamali o ugali na ayaw sa kanya. Pero sabi naman ng ina niya mabait siya. She is a precious girl, a wonderful gift and a jewel to the family.

“Baka naman mas magandang mag-asawa ka na Jeric para naman may tumitingin sa anak mo.” Suwestiyon ni Alicia habang kumakain sila sa pamamagitan na rin ng pamimilit niya sa binatang kumain sila sa labas.

Katatapos lang ikuwento ng lalake ang pag-alis na naman ng yaya ng bata.
Umiling lang ang kausap sa kanyang narinig. Tumingin sa dalaga.
“Sa ngayon, si Alex muna ang kailangan kong harapin. Mula ng namatay ang Mommy niya, naging malungkutin na siya. Gusto kong bumalik ang anak ko sa dati.”

“I know pero mas maganda kapag may kasama ka for her,” sabay subo sa sashimi na nasa chopsticks.

“You know how much I love my wife at isa pa parang ayaw ko na ulit magmahal, Alicia.” Naroon ang lungkot sa kanyang tinig.

Ginanap ni Alicia ang kamay ni Jeric at malagkit ang titig na ipinukol sa binata. Hindi naman iyun pinansin ng binata. Kilala niya si Alicia at masyado itong liberated kaya walang malisya para sa kanya kahit ano pang mga motibo ang ibinibigay nito sa kanya.

“Try again, Jeric. Wno knows she is better than your departed wife.” At ngumiti ito sa kanya.

Binawi niya ang kanyang kamay. Ngumiti rin ito sa kanya.

“Hindi ko pa nakikita ang babaeng katulad ng asawa ko, Alicia.”

Saglit na natigilan angn kaharap sa sinabi nito.

“Of course, we do have individual differences.” At bahagya pang tumaas ang isa nitong kilay. Halatang naiirita sa takbo ng usapan.

“Well, sabagay tama ka.”

“Just look around you, Jeric. You never know she is the one.” At kumindat pa ang dalaga.

Ngumiti lang siya sa reaksiyon ng kaharap. Kahit noong magkasintahan pa sila ni Sayda ay palaging kasama ang dalaga sa kanilang lakad. Matalik kasing
magkaibigan ang mga ito. Naging magkakaibigan silang tatlo ng maging kasintahan niya si Sayda. At siya pa ang ginawa nilang maid of honor ng ikasal sila. At sa maikling pagsasama nila ng kanyang asawa, palaging nasa bahay din nila si Alicia. Pinatigil niya kasi ang asawa na magtrabaho para maalagaan niya ang kanilang anak. Si Alicia na lamang ang namamsyal sa kanilang bahay.

Masunurin ang kanyang asawa. Mula noong ikasal sila ay naging plain housewife na ito. Alagang alaga niya ang kanulang anak at pati na rin siya. Bagamat may mga personal naman silang mga kasambahay, mas pinili niyang hands-on pagdating sa kanilang mag-ama.

Si Alicia ang palagi niyang kasama ng mamatay ang kanyang asawa. Palagi siyang dinadalaw nito at palaging pinapaalala na hindi pa katapusan ng mundo. Mayroon silang anak na dapat niyang pagtuunan ng pansin. Hindi daw niya kailangang maging mahina lalo na at nasa murang edad pa lamang si Alex. Baka daw lalo itong makasama sa bata kung nakikita niya ang ama na palaging bote ang hawak at palaging malungkot. He must need to move on para sa kanyang anak.

At laking pasasalamat niya sa dalaga sa lahat ng naityulong nito sa kanya. Tama si Alicia, kailangan niyang matutong mabuhay na wala ang kanyang asawa. May bagong buhay na si Sayda at siya kailangan niyang magpatuloy sa masiglang buhaypara sa kanyang anak.

Ilang buwan din siyang hindi pumasok sa trabaho dahil sa labis na pagdadalamhati. Kaya ang dalaga na muna mismo ang nagkusang gawin ang kanyang mga responsibilidad. Kilalang kilala siya sa larangan ng negosyo at hindi daw pwedeng mapabayaan ang kanyang malagaong negosyo. Palibhasa siya ang may ari ng pinakasikat na mall ng bansa na pinaglilingkuran ni Alicia bilang isa sa mga executives sa naturang establisyemento.

Kung tutuusin mas maganda si Alicia, kaysa sa kanyang kaibigan. Taglay nito ang kakaibang alindog, maputi ito at matangkad at kahit sinong lalake ay gagawin ang lahat malapitan lang siya. Ang ipinagtataka niya kung bakit wala man lang siyang binabanngit na kasintahan. Ang palaging sinasagot sa kanya ay hinihintay niya ang kanyang secret love na mabaling ang pagtingin sa kanya. He knows exactly who is that man she is telling. Noon pa man ay nararamdaman niyang may pagtingin na sa kanya ang dalaga. Pero si Sayda ang mahal niya at hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ipagkaloob para dito.

Lalo pa niyang nahahalata ang pang-aakit nito sa kanya noong namatay ang kanyang asawa. Pero kahit pa siguro maghubad ito sa harapan niya ay never niyang papatulan ang dalaga. Wala talaga siyang maramdaman kahit paghanga man lang para sa kanya.

“Kumain na po ba si Alex?” salubong na tanong ni Jeric sa kanilang mayordoma.

Malungkot na umiling ito.

“Hinihintay ba niya ako?”

“Hindi, Jeric. Sa palagay ko malaki ang tampo ng anak mo sa iyo dahil sa paninisi mo sa kanya kaninang umaga. Maghapon na nakakaulong sa kuwarto.”

“Po? Hindi siya pumasok sa ballet class niya?”

Kapag Sabado ay may ballet class ang kanyang anak.

Muling umiling ang matanda.

Nangunot ang noo ni Jeric. May tampo nga sa kanya ang anak. Paborito ni Alex ang ballet dancing at siya ang pinakamaagang dumating sa klase dahil natutuwa siyang pag-aralan ito. Kahit masama ang kanyang pakiramdam ay pinipilit ang sarili para lamang huwag lumiban.

Nagtuloy siya sa kuwarto ng kanyang anak. Mahimbing na ang tulog nito. May isang baso ng gatas sa kanyang mesa pero hindi man lang iyun nabawasan. Kung maghapong nagkulong ito sa kuwarto, talagang tiniis na rin niya ang gutom dahil sa kanya. Pinagmasdan niya ang kanyang anak. Walang sawang pinagmasdan nito ang bawat detalye ng kanyang mukha. Ngayon lang niya napansing mas malaki pala ang hawin nito sa kanya. At five, makikita na ang malakas nilang pagkakahawig ng anak. Ang mga mata lang ng kanyang ina ang nakuha niya at ang labi nito kaya naman pareho rin ang mga ngiti nilang dalawa. Pero ngayon ay nakikita niya ang kanyang mukha sa anak habang pinagmamasdan nito. Maamong mukha, matangos na ilong, mahahabang mga pilik-mata at may isa ring biloy. Certified copy of him. Ang kanyang anak na matagal din niyang hindi naipadama ang kanyang pagmamahal dito. Isinubsob niya ang sarili sa kanyang trabaho para hindi niya mamalayan ang mga araw na lilipas na wala angkanyang asawa. How could he forget his angel, ang kanyang precious gem na handog sa kanya ng asawa?

Hinapols niya ang pisngi ng anak. Sa mala anghel nitong mukha ay ramdam niya ang kakaibang kalungkutan ng anak. Labis ang pangungulila niya kay Sayda. Alam niyang sobrang hirap ngayon ng anak dahil wala na ang kanyang ina. Naging mabilis tuloy ang maturity ng bata. At batid niyang ang pagkawala ng kanyang ina ang nagdulot sa bata para mawalan na rin ito ng sigla. At inamin niya rin sa sarili na siya rin ay may pagkukulang sa anak. Ginugol niya ang sarili sa trabaho. Maaga siyang umaalis at gabi na kung dumarating. Tanging mga kasambahay na lamang ang nakaksalo ng anak. Madalas natatagpuan na lamang niyang ang sarili na umiiyak mag-isa dahil sa sobrang kalungkutan sa pagkawala ng asawa.

Kung tutuusin nga ay kinakausap lang ang anak kapag naglalayas ang yaya niya. Ni hindi siya nagtatanong, agad niyang sinisisi ang anak.

“I’m sorry, my angel. Sleep tight. I love you so much, sweetie.” At hinalikan niya ang anak saka nagtuloy sa sarili niyang kuwarto.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon