CHAPTER FIVE:

7.2K 174 3
                                    

THE PROMISE

Jinky Tomas

Totoo yata ang sinabi ni Kibing kanina tungkol sa babaeng ito. Hindi niya mapagmasdang maigi ang katabi ng anak dahil natakpan ang kanyang mukha ng kanyang buhok. Maingat niyang hinalikan sa noo ang anak para hindi magising ang mga ito.

Panatag siyang natulog. Malaki ang pasasalamat niya kay Ann at inusal pa niyang sana magtagal ito.

Alas otso na ng magising ang dalawa. Sabagay linggo naman ngayon at isa pa walang pasok ang bata. ito pa ang maganda sa kanyang trabaho dahil kapag walang pasok ang bata, maari niyang sabayan ito sa paggising kahit na anong oras.

Katatapos lang ng agahan nilang dalawa ng magyaya ang bata. gusto daw niyang maligo swimming pool. Ayaw naman niyang biguin ang munti niyang jkaibigan lalo pa at paborito rin niya ang tubig. Hindi siya ganoong kahusay lumangoy pero tiyak naman niyang hindi siya mapapahiya kapag may ibang nagmamasid kapag nag-unpisa na siyang sumabay sa agos ng tubig.

Patakbo silang dalawa pabalik ng silid para magpalit ng damit panligo. Hindi niya tuloy namalayan ang lalakeng makakasalubong nito. Huli na para umiwas si Jeric dahil biglang nabundol siya ng dalaga. Sa laki ng pangangatawan nito ay nawalan ng panimbang si Anala, pumikit siya pero bago sumayad ang kanyang katawan sa marmol ng sahig ay naramdaman niya ang bulto ng katawan na sumalo sa kanya.

Nagmulat ng mata ang dalaga. Natatandaan niya ang mukhang nakatitig ngayon sa kanya. Si Jeric! Langhap nito ang mabangong amoy na nagmumula sa katawan ng binata.

“Daddy your home!”

Biglang bumalik ang dalaga sa realidad at agad na tumayo at humakbang papalayo sa katawang nagdulot sa kanya ng libo libong boltahe ng kuryante.

Lumapit si Jeric sa anak nito at niyakap. At tumingin sa kanya ang binata. Naramdaman tuloy niya ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. She cannot believe na mas guwapo pala ito sa personal. If only there is only word more than attractive, he is exactly how to describe him.

Parang namamalik mata ang binata sa magandang babaeng nasa harapan niya ngayon. Aminin man niya hindi, siya ang tipong nagtataglay ng karismang hindi nakakasawang pagmasdan. Ang makinis nitong balat at mga matang mapupungay na tila palaging naghahatid ang mga titig niya ng magandang balita.

“Dad, siya ang bago kong yaya.”

“H-Hi po. Magandang umaga.” At umiwas siya ng tingin. Hindi niya matagalan ang mga mapang akit na titig sa kanya ng binata.

Lihim pa niyang pinagalitan ang sarili, dahil para siyang teenager kung makapag-react. Paano naman kasi mas guwapo naman kasi talaga ito sa personal. Kahit halatang bagong gising at medyo magulo pa ang buhok nito ay napakasarap pa ring pagmasdan.

“Same. Huwag mo na akong pinopo. Drop the formalities and call me by my name.” At ngumiti ito sa kanya.para tuloy gusto niyang himatayin ng lumabas ang mga mapuputi at pantay pantay nitong ngipin lalo na ang paglitaw ng dimple nito.

“Masaya ako at magkasundo kayo ng anak ko.”

“W-well,mabait siya.” Tipid niyang ngiti.

“Sabi ko naman sa iyo Daddy, good girl talaga ako.” Sabad ng bata. At muli niyang hinila ang dalaga para makapagbihis na angmga ito at magbabad sa tubig.

Sinundan ni Jeric ang dalawa habang papalayo sa kanya. Nangunot ang kanyang noo. Hindi niya lang kasi inakala na may ganoong kagandang magsisilbi bilang mag-alagaa ng bata. Sabagay, balita ssa kanya ni Kibing na dati na daw siyang nag-aalaga ng bata.kaya siguro madali niyang nakuha ang loob ng anak.

Nagkaroon siguro ng problema sa trabahoo baka kulang ang sahod para sa pangangailangan. Ginulo niya ang kanyang buhok. Kung bakit ang aga aga ay nakikialam na siya sa problema ng iba at kung anong pumapasok sa isip niya. Hindi niya kailangang pagtuunan ng pansin kung bakit siya namasukan sa kanila. Ang mahalaga may titingin sa kanyang anak. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at alam niyang makakatulong ito para muling masiglahin ang anak tulad ng napapansin niya sa anak.

Gusto niyang muling bumalik sa pagtulog at saka na lang bababa kapag oras na ng pananghalian ng agawin ang kanyang atensiyon ng malakas na tawanan sa may swimming pool.

Si Anala habang tuwang tuwa sa pagtuturo kay Alex kung paano ang paglangoy. Bagamat nakasuot ng maluwang na t shirt ang dalaga at leggings ay hindi maipagkakailang maganda ito. Mahaba ang maitim niyang buhok. Matangkad ito. Sa tantiya niya naglalaro ang taas ng dalaga sa 5’4’’.

Ayan ka na naman bro! Pakialamero!

Tuwang tuwa ang bata pagkataposng swimming nilang dalawa. Nakaupo sila kaharap ang dalawang basong juice.

Napansin ni Anala ang biglang pananahimik ng bata.

“What is wrong Alex?”

“Dumating na si Daddy…” at yumuko ito.

“Bakit ka sad? Diba dapat masaya ka?”

…parang ako, gusto niyang idagdag pero baka magtanong ang bata kung bakit.

“Masaya naman po ako. Pero kapag nandito kasi si Daddy, palaging walang time sa akin. Sa trabaho palagi. Kapag nandito naman sa house, palaging dumadalaw si Tita Alicia.”

Para siyang kinurot ng marinig ang pangalan ng babae.

“Alicia who?”

Nagkibit balikat ang bata.

“Girlfriend ba siya ng daddy mo?” pati sa sarili niyang tanong ay nasaktan din siya. Ano bang nangyayari sa iyo Anala? You’re always imbalance pagdating sa lalakeng iyun. Engot!

“Hindi daw sabi ni Daddy. Pero madalas tanungin ni Tita kapag gusto ko daw siyang maging Mommy.”

Ako na lang kaya ang susunod mong Mommy, Alex? Parang gusto na niyang sabunutan ang sarili sa mga naiisip niya.

“What did you answer her?”

“Sinabi kong ayaw ko. Para kasing masungit siya. Natatakot po ako sa kanya minsan.”

Tiningnan siya ng bata ng hindi na siya sumagot sa sinabi nito.

“Kaya, promise mo po ha? Huwag mo akong iiwan. Pakiramdam ko kasi masaya ako palagi dahil kasama kita Miss Ann.”

Sinuklian niya ng ngiti ang bata. “Pangako, Alex.” At niyakap niya ang bata.

Lalong nagkaroon ng espesyal na parte ng pagkatao ni Jeric ang dalaga ng makita niya ang tagpong iyun. Nakayakap ang dalaga sa kanyang anak. Hinahaplos pa nito ang kanyang buhok. Saka muling masayang nagtampisaw sa tubig.

Parang nakikita niya ang asawa sa katauhan ng dalaga. Kung paano niya ito pinakikisamahan ang anak. Magkatabi sa pagtulog tulad noon ni Sayda. Gusto niyang samahan ang anak bago makatulog ito. Hanggang madalas doon na rin nakakatulog ang asawa niya. Pupuntahan na lamang niya ang kuwarto ng bata. Kapag nakikita niyang mahimbing na ang asawa ay napapangiti na lamang ito. Papangkuin niya ito at dadalhin sa kanilang silid, para sila naman ang mgakatabi at matulog na magkayakap hanggang sa darating na bukas. Pero ngayong wala na ang asawa, tanging siya na lamang ang natutulog sa malaki nilang kuwarto. Tanging mga larawan na lamang ng asawa ang kasama.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon