FINALE:

12.9K 312 37
                                    

THE PROMISE

Jinky Tomas

“Ayos lang ba brod? Pasensiya na at kailangan ko rin talagang ihatid si Andrea dahil may emergency rin sa kanilang bahay. Hindi ko naman siya basta pabayaan. Pupuntahan ko na lamang si Anala sa inyo. Alam kong maiintindihan niya ako. Magpapaliwanag na laman ako sa kanya.”

Kumuyom ang mga palad ng binata. Ang lakas ng loob niyang iwan na lamang ang dalaga dahil lamang sa ibang babae.

“Andrea..iyung kahalikan mo kanina?”

Namula naman ang binata. Nakita pala niya ang paghalik niya sa kanyang kasintahan. Kinamot niya ang kanyang batok at tipid na ngumiti.

“Sige, salamat talaga sa iyo. Mauna na ako.”

“Sandali lang Emman. Isama mo na si Alicia.”

“But Jeric…” reklamo ng dalaga.

“Alicia hindi ko alam kung anong oras na mahanap ko si Anala.”

“Ayos lang kahit maghintay ako.”

“Alicia,please…”

Sumimangot ang dalaga at padabog na tinungo ang sasakyan ng iba nilang kasama. Hindi sila close ni Emman kaya ayaw niyang makisakay dito.

Mahigit dalawang oras na siyang palakad lakad pero kahit anino ng dalaga ay hindi niya nakita. Sobrang kaba na ang akanyang nararamdaman. Lalo lamang niyang napatunayan sa kanyang sarili na mahal na mahal niya ang dalaga at hindi niya alam ang gagawin kapag may masamang nangyari sa dalaga. Panay ang usal niyang ligtas ang dalaga.

Pagod na pagod na siya pero hindi niya kailangang magpahinga. Pabalik siya sa cottage ng makita ang isang anino malapit sa malaking bato. Lumapit siya rito. Sabagay maliwanag pa kaya makikilala niya kung kanino ang aninong iyun.

Malayo pa siya pero biglang sumaya ang kanyang mukha. Kilala niya ang sandong pagmamay-ari niya. Isinuot nga pala talaga ito ni Anala. Nakatulog pala ang dalaga. Mabuti na lamang at sa likod ng bato ito kahit papaano hindi basta basta nakikita.

Gigisingin na sana niya ang dalaga ng mapansin nitong basa ng luha ang kanyang mukha. Halatang napagod sa kaiiyak ito kaya nakatulog. Hindi kaya nakita niya rin ang nakita niyang pakikipaghalikan ni Emman sa iba kaya ito umiyak? Damn you, Emman. You don’t deserve her!

Sa pamamagitan ng haplos nito sa kanyang mukha ay nagkamalay ang dalaga.

“J-jeric?” at tumayo ang dalaga. Inalalayan nito ng binata.

Bigla ang naging reaksiyon ng binata. Niyakap niya ito ng mahigpit. Parang matagal silang hindi nagkita. Hindi naman makaimik ang dalaga sa kabiglaan at isa pa gustong gusto naman niyang makulong sa mga bisig ng binata.

“I’m too worried, sweetheart. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa iyo.”

Mahina lamang ang mga salitang iyun pero tama ba ang narinig niyang tawag sa kanya ng binata na pag ulit ng sweetheart sa kanya o baka dahil kalahating anatok pa siya kaya kung anaong naririnig niya.

“Halika na kanina pa umuwi ang mga kasama natin.”

“Ha? Si ku..err..si Emman?”

“Umuwi na rin.”

Lihim siyang napangiti, masaya pala ang kuya niya dahil sinagot na siya ni Andrea. She is happy for him. Natitiyak niyang pagdalaw nito sa kanya ay kantiyaw agad ang itatapat sa kanya.

Tahimik ang dalawa habang lulan sila ng sasakyan. Naamoy pa ng dalaga ang amoy alak na hininga ng binata. Pero para sa kanya lalong nakakadagdag ng pagiging masculine nito. Napatingin siya sa sout niyang sando na pagmamay-ari ng binata. Naamoy tuloy niya ang pabango nito. Pakiramdam tulioy niya ay yakap yakap pa rin siya ng binata.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon