043

602 22 1
                                    

"Hulaan mo kung sino" bigla namang may tumakip ng mata ko kaya hindi ko makita yung sinusulat ko. Kinginang epalogs na kamay to.

"Kingina mo! Eh kung hulaan mo rin kaya yung gagawin ko kapag nalaman ko kung sino ka?!" inis na sigaw ko sakanya. Eh pano nandito kasi ako sa room nag lelecture ng mapayapa hanggang sa dumating to.

"Grabe naman Ji huhu clue gwapo" sabi nya kaya nag ka ideya na ko lol.

"Sarili ko ba yan?" tanong ko kaya ayun nararamdaman kong pumapadyak padyak pa sya.

"Ngina huhu shining gums"

"P*nyeta Seungcheol?!?!?!" bigla namang inalis nya yung kamay nya at lumingon ako so nakita ko sya.

"Hehehe pano mo nahulaan?" tanong nya. Aba talagang nag taka pa sya huh? 😂

"Nag taka ka pa talaga? Ikaw lang naman. Shining gums dito" sabi ko sabay umirap.

"Ji may aaminin nga pala ako sayo" sabi nya sabay kinamot yung ulo nya. May KOUto ba to? (Naks! special mention ka Kou! hehehe)

"Ano ba yun?" tanong ko. Kumunot naman yung noo ko at hinampas sya nung bigla nyang niligpit yung gamit ko.

"Seungcheo- Aaaaah! LECHE KA IBABA MO KO!" tinignan ko naman yung mga kaklase ko na samin lang. nakatingin. Puny*t* 'to! Binuhat ba naman nya ko ng parang sako.

Dumapo yung tingin ko kay Soonyoung. Masama tingin nya, aish! Kagagawan to ni Seungcheol eh! nag pupumiglas ako hanggang sa pumunta sya I mean kami kasi buhat nya ko. So yun andito kami ngayon sa may locker room. Walang tao kundi kami lang.

At sa wakas binaba na nya ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO SEUNGCHEOL?!" sigaw ko sakanya. At ang gago ngumisi lang.

"Ji, yung aaminin ko sayo" sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Tangina ano bang trip nito?!

"Seungcheol kung ang tr-"

"Ako si Oneuh" natigilan ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi nya. Ano daw? Nabingi ba ako?

"A.. ano?" kunot noong tanong ko, kinamot nya uli yung ulo nya. Tangina may KYOUto nga talaga ata to eh! (KOU to KYOU realquick)

"Ako si Oneuh" inulit nya pa kaya nanlaki ang mata ko. Sya si Oneuh? Ano? Akala ko ba si Jun si Oneuh?

"Huh? Si Jun si Oneuh?" this time sya ang nag kunot ng noo.

"Ako si Oneuh?! Balak ko pa nga sanang magbigay pa kaso inisip ko baka nakaka abala na kaya ngayon ako aamin?! Ano nagsisinungaling si Jun. Ji ako si Oneuh!" napapikit nalang ako. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Pero isa lang ang kutob ko...

"Anong pinagsasabi mo Seungcheol hyung?! Ako si Oneuh!" napatingin kami sa sumigaw. Si Jun...

Isa sa kanila ang nagsisinungaling o silang dalawa mismo ang nagsisinungaling.

🌸🌸🌸
hi!!! bitin? huhu I know. Madami pa kasing revelation na magaganap kaya wait lang kayue ha?! Madami pa talaga hihi mahaba haba pa to kasing haba ng ano nya... ng ano hihi... ng paa. :> kayo ha :> ano naisip nyo? :> Be honest

Anyways nawala yung notebook na pinagsulatan ko ng chapters huhu kaya mamaya hahanapin ko pa (ಥ_ಥ) kinginang notebook yan sa kama ko lang naman nilagay biglang nag disappear (ಥ_ಥ)

Nga pala sorry Kouuu! Nagamit ko pangalan mo na KYOUtan lang naman kasi ako. Pero sorry talaga wag kang maooffend sa Kouto at Kyouto hehe

Anyways uli; > how's the book cover? hihi

playing hearts • soonhoonWhere stories live. Discover now