III Pang aakit

202 6 0
                                    

Madaling araw na dumating sina Rea at ang boyfie nitong si Honorio na ngayon ay may tumataginting na asul na buhok at chinika na talaga niya si Rea, paano ayaw pa nyang bumalik sa kabilang bahay. Pagbaba pa nga niya ng hagdan dahil sa kadahilanang itinaboy na siya ni Rea ay nagulat siya sa tanong ni Oreo, kung apparition ba siya. Natawa naman siya dahil si Joshua nga muntik nang atakihin sa puso noong isang araw dahil sa kanyang getup.

Nang makabalik na siya sa kwarto nila ay himbing na himbing parin talaga ang hinayupak niyang asawa.

Humanda ka sa akin! Mas pag iigihan ko pa! Langya ka! Pag ako nakaganti sa pambibitin mo poreber nang sasakit ang puson mo!

Kinabukasan ay hindi talaga niya pinansin si Joshua, manigas siya! Hinding hindi niya ito papansinin dahil binitin siya nito!

"Juno? Why so early dear?" Inismiran lang nya ang asawa niya, hindi nya talaga type ito kausapin, dumiretso lang siya sa banyo at maagang naligo, kahit pa ayaw nya sana dahil malamig ang tubig at sinapian siya ng kambing.

Hanggang magtanghalian ay hindi niya parin ito kinikibo, tse! Pake nya? Nauna nalang siya kesa rito, sumunod agad siya sa mga kaibigan niya sa sapa, panay tukso pa nga siya kay Rea kahit pa mainit ang dugo niya kay Joshua. Nasa may malalim na banda siya nang sapa nang maramdamang naroroon din pala si Joshua, hindi parin niya ito pinapansin.

"Juno, may problema ba tayo?"

"tss." yan ang napapala mo sa pambibitin sa akin!

"Juno.." sinamaan niya ng tingin ang asawa.

"Pwede ba wag mo akong kausapin?!" singhal niya dito, na ikinagulat naman ni Joshua. "Alis ka nga sa dinaraanan ko! Bwisit!" itinulak niya ito kaya tuluyan na itong napahiga sa tubig.

"Fine!" sikmat nito sa kanya nang nakaahon at iniwan siya doon.

"tss. makapal din eh ano? Siya pa talaga ang may ganang magalit? ahitin ko yang makapal niyang kilay nang makita niya!" kausap niya sa sarili. Pinagkaabalahan nalang niya ang paglangoy, hindi niya ma enjoy ang araw na ito dahil inis parin siya sa mundo. Lalo na kay Joshua.

Pag uwi niya ay pansin niya ang panakanakang pagtingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan at agad ring nagbabawi ang mga ito, pero si Joshua? Wala nga talagang balak na pansinin o kaya ay suyuin siya. Di bale pake ba niya?





Its been two days since hindi sila nagpansinan, at umuwi narin ang kanilang mga kaibigan, Pababa na sana si Juno ng kwarto nang makitang nakakunot ang noo ni Joshua na naghihiwa ng sibuyas at panay rin ang singhot nito. Her husband is just wearing nothing but a pink apron at the top and a black boxer shorts that hugs his sexy butt.

Ay shet na malagket! Ene be! Parang hugis peach yung pang upo niya ah, ang sexxeey..

May tugtog rin galing yata sa cellphone nito, namula siya nang nakitang gumiling giling pa ang kanyang asawa.

Alelellelelele! Papatayin yata ako ng lalaking ituu! Ang galing niyang gumiling! Those sexy hips.. that butt.. is to die for!

Kulang nalang ay lagyan niya ng pole doon para mag pole dancing ang lalaking nasa harap niya. Napakagat labi siya habang iniimagine na nag ii-striptease si Joshua habang siya ay ang solo audience nito.

Ah! That would be friggin' hot!!

Pasekreto niyang kinuhanan ng video ang ginagawa ni Joshua habang ang lalaki ay oblivious sa mga bagay na nangyayari sa paligid nito. Hindi niya mapigilan ang ngiti na sumisilay sa kanyang mga labi, gabi-gabi niya sigurong papanoorin yun. Nang makontento siya sa giling ni Joshua ay tumikhim siya. Nagulat naman ang lalaki.

Waking Up Sleeping Beauty (Completed)Where stories live. Discover now