IX Pang aakit

154 4 0
                                    

"Nakuuu! Nabababaliw ka na talaga Juuno!" Patiling turan ni Vergel sa kanya. Sinabi lang naman niya ang kabaliwan niya noong nakaraang araw.

"Wala namang baliw doon Vergel! Ginagamit ko lang talaga ang alindog ko para naman maakit ang asawa ko! At ano ba ang mali doon? Asawa ko siya, so malamang may karapatan siyang makita na itong sexy body ko ano!" Iminuwestra pa niya ang kanyang katawan sa pinsan.

"Ay ewan! Napaka agressive mo Juno! Jusme! Hinay hinay lang teh! Virgin pa si Joshua!" Tinaasan niya ng kilay si Vergel. Bakit? Si Joshua lang ba ang virgin? Siya rin naman ah!

"Alam mo ikaw Vergel kung makapag salita ka eh para namang di ka na birhen!" Sabay kurot sa tagiliran ng pinsan kaya napapiksi ito at natampal siya.

"Ee! Yun nga eh! Mas dalagang pilipina pa ako kesa sa iyo!" She rolled her eyes at her cousin.

"O siya, sya, nakakapagod makipag debate sa iyo! Letse!"

"Hi! You are Juno right?" Sabay silang napalingon sa nagsalita. Isang lalaki. Pamilyar sa kaniya ang gwapong mukha nito

"Who you?" Tinaasan niya ito ng kilay. She is not exactly friendly kahit pa siguro napakagwapo ng kaharap mas lamang parin ng isandaang paligo ang asawa niya.

"Ah, ako nga pala yung kabusiness partner ni Joshua! I'm Cole by the way!" Inilahad nito ang palad sa kanya. Pero nuncang tatanggapin niya yun.

"A.. okay." Mukhang napahiya naman ang lalaki kaya ibinaba nalang. She is rude alright but she does not like his air! Pake niya kung business partner ito ng asawa niya? Mukha palang ng lalaking ito alam na niya ang hilatsa ng bituka nito. Amoy na amoy niya ang alingasaw ng kahanginan nito at kapreskohan!

"Junooo!" Nagpasalamat talaga siya nang dumating na ang pinakahihintay niyang si Chrome.

"Chromita! Late ka! Its a miracle!" Inismiran siya ng kaibigan na ikinatawa niya.

"Heh! May jetlag pa akong bruha ka! Who's that pokemon?" Turo naman nito kay Cole.

"Ay, si Cole nga pala business partner ng asawa ko. Cole si Chrome nga pala." Nagkamay ang dalawa.

"Juno, I smell something fishy jan kay Cole ha? Para bang he likes you.." bulong sa kanya ni Vergel.

" hindi lang ikaw ang nakakapansin. Kaya nga hindi ko siya gusto he knows that I am married already and its bullshit if he will like me." Naiinis kasi siya kay Cole, alam naman sana ng lalaki na ikinasal na siya sa partner nito. Masyadong obvious ang lalaki eh!

"Cole, maiwan maiwan kana muna namin, we have to go na kasi. Bye!" Hinila na niya ang dalawang kasama. Leaving Cole behind kahit hindi pa ito nakakasagot.

"That was rude..." komento ni Chrome.

"Mas rude siya gurl! Obvious ang paglalandi ng otokong yun sa maldita kong pinsan!" Si Vergel ang sumagot kay Chrome.

"Ay hindi ko napansin.." nakalimutan niyang napaka manhid nga pala talaga ni Chrome.












"Oh my Gosh! Pinili mo talaga yang damit na yan!?" Bulalas ni Vergel, minsan talaga gusto niyang tahiin ang bibig ng pinsan niya.

"Damit pa ba yan?! For pete' sake!" Inismiran niya si Chrome at Vergel, nagsisisi siya kung bakit niya pa sinama ang dalawang ito sa pagsa shopping. Gusto kang naman talaga nitang bumili ng sexy lingerie.

"Ang sabi ko sa inyo lingerie ang gusto kong bilhin! Hindi baro't saya! Malamang at sa malamang ganyan talaga itsura niyan!"

"But Juno! Halos luwa na ang katawan mo niyan eh!" Reklamo na naman ni Chrome.

Waking Up Sleeping Beauty (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن