X Pang aakit

138 5 1
                                    

Days went by wuth a blur and its Ace’s and Evan’s engagement day, walang kaalam alam ang kaibigan nila sa mangyayari. Naka recover na rin si Rea mula sa kidnap adventure niya sa Tawi-tawi, at ngayong araw sila ang naatasan para bumili ng susuotin ng bride to be, alam kasi ng mama ni Ace na magkakasya lamang ang kanilang kaibigan sa pantalon at t-shirt. Once in a blue moon lang yan sasapian ng pagiging girly at dahil sa kanilang dalawa ni Rea siya ang mas kikay aba! Siya na ang mamimili.

"Por dios por santo Juno! Ang mamahal rito!" Isa pa itong kuripot na ito.

"Ano bang pinagpuputok ng butsi mo Rea? Eh hindi naman ikaw ang may hawak ng budget? Eh sa dito gusto ni Evan na bilhin yung susuotin ni Anastasya!" Minsan kasi nakakalimutan ng kaibigan niya ang salitang quality basta ba makamura ay gora agad.

"Eh kasi naman tingnan mo yung presyo day! Four thousand for this green halter top dress! Makakabili na ako ng dalawang sakong bigas nito."  She gave Rea a death glare.

"Minsan lang ito mangyari okay? Kaya tumigil ka jan sa pagrereklamo! Hindi ikaw ang magsusuot and Tita specifically asked for a dress na magiging tao ang kaibigan natin even just for tonight!" Nakukunsumi siya sa mga kaibigan niya puro kasi ipinanganak na boyish!

"Ay! Basta labas ako pag nag wala yun ha?"

"Hindi yun. Takot lang no’n mapingot ni Tita." Bale walang turan niya. May pagka OA lang talaga si Ace pagdating sa mga dress.

Ang napili niyang dress para kay Ace ay isang white  off shoulder dress na talagang babagay sa kaibigan.

"Isn’t that too much?" Heto na naman siya sa pakikipagpaliwanagan kay Rea.

"Nope. Its just right. Now kung may mahanap ka pang ibang kulay nito or better design then go, ipakita mo sa akin at nang masintensyahan na." Napakamot ng ulo si Rea at padaskol na tumalikod, looks like she will win again.

Hinihintay niya si Rea matapos nang magtext sa kanya ang asawa niya.

From: Mister Joshuey

Hi Misis! See you later sa party, dress well, I’ll take you somewhere after. Love ya <3

Ps. I miss you!

Alelelelelele! Lumalandi ang asawa niya sa kanya! Parang sasabog ang dibdib ni Juno sa nabasa niya, she doesn’t know why she feels like this pero parang kinikiliti ang bawat himaymay ng katawan niya. Is this what you call kilig? Nah... maybe not.. or so she thinks..

To: Mister Joshuey

I’ll seduce you again later mister, I’ll see to it you’ll have a HARD time. Hahahaha

Pinipigilan niyang bumunghalit ng tawa dahil sa reply ni Joshua sa kanya. He sure is cute!

From: Mister Joshuey

I’m already having a hard time Misis. Humanda ka sa akin later. Grrrrr. Lalandiin din kita.

To: Mister Joshuey

Lookin’ forward for your hard time hun! Rawr. :p

"Yan, deny ka ng deny na wala ka pang feelings jan sa asawa mo! Pero muka ka nang tanga!" Napatalon siya sa gulat.

"Rean naman! Wag ka ngang maggugulat!" Tinaasan siya ng kaibigan ng kilay at inabot ang dress na napili nito.

"Wag mong ibahin ang usapan. Why are you denying your feelings for your husband?" Seryosong saad nito at siya? She’s checking the dresses.

"I don’t like these. Hindi babagay kay Ace. And I’m not denying okay? Wala naman talaga ah!" Rea gave her a stern look.

"What does it take to wake you up?" Teyka, ano raw?

Waking Up Sleeping Beauty (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang