Chapter 67- Attack

2K 39 5
                                    

John POV
Nandito pa din kame sa abandonadong gusali na pinag dalhan samen nila Mrs. Jung.

Nakagapos pa din kame sa inuupuan namen at sobrang daming nakagapos samen kaya imposible talagang makatakas kame dito.

Napalingon ako sa inuupuan ni Vencee na ngayon ay mahimbing na natutulog. May mga bakas pa ng mga luha sa pingi nya.

Kitang kita sa muka nya ang pagod.  Awang awa na ko sakanya. Sa tuwing nakikita ko syang umiiyak.

Araw araw syang umiiyak at tinatanong kung kelan ba dadating si Steph para iligtas kame at lagi ko ding sinasabe sakanya na malapit na kahit hindi ako sigurado kung kelan ba yun mangyayare.

Pero napabalikwas ako ng may marinig akong pag sabog. Pati sila Chris Ann at Vencee ay nagising dahil sa lakas nito.

"P-papa. I-i'm scared." Sabe ni Vencee.

"Ssshhh! Don't be scared baby. Andito lang kame. "Sabe ko sakanya.

"Shane! Asan ka na ba?! "

Third Person POV
Nagulantang ang lahat ng Dark Thunders dahil sa pag sabog na naganap. Napaubo din ang mga ito dahil sa usok.

Nang mawala ang usok na ito ay doon nila nakita ang hindi mabilang na tauhan ni Steph na may hawak na malalakas na kalibre ng baril.

Binalot agad sila ng takot at kaba lalo na ng makita ang babaeng nasa harap ng mga ito na hindi makikitaan ng kahit anong emosyon.

Napalabas naman ang tatlong tao sa isang silid ng marinig ang malakas na pag sabog.

Hindi nila alam pero nakaramdam sila ng takot bigla dahil dito.

Pag labas nila sa gusali ay doon nga nila nakita ang hindi mabilang na kalalakihan at nasa harap nito si Steph katabi si Dwayne, Ashley, Dexter at Hades.

Lalong tumindi ang kabang naramdaman ng mga bagong dating. Hindi nila akalain na susugod sila Steph ngayon kaya naman hindi sila nakapag handa.

Pati mga armas at tauhan ay alam nilang kulang sila kumpara sa mga tauhan ni Steph.

Pero agad itinago ni Shy at ng mga kasama nyang lumabas ang kaba tsaka lumapit sa harapan ni Steph na wala pa ding emosyon.

"Oh! My Childrens! How are you? Your Brother is waiting inside. "Nakangising sabe ni Shy.

Ngumisi din si Steph ng pangdemonyo kaya nabigla sila at napaatras. Pati ang dalawa pang mga kasama ni Shy ay natakot din sa ginawang pag ngisi ng dalaga.

"Shy Jung, Nathalie Garcia and lastly Jheycee Guevara. What a surprise? "Nakangising sabe ng dalaga.

Tinutukan bigla ni Jheycee ng baril si Steph kaya sunod sunod na kasahan ng baril ang narinig mula sa panig ni Steph at ganun din sa kanilang ina.

Ngumisi lang muli si Steph tsaka biglang sinipa si Shy na nakatingin lang sakanya.

Dahil sa ginawang iyon ni Steph ay tuluyan ng nagkagulo ang mag kabilang panig.

Mga putok ng baril at sigawan lamang ang maririnig sa lugar na iyon.

Biglang nawala sila Shy sa paningin ni Steph kaya naman hinanap nya ito at nakita nya ang mga ito na papasok sa lumang gusali.

Tiningnan ni Steph ang dalawang kapatid at nakatingin naman ito sakanya tsaka tumango ang mga ito na senyales na sundan na nito ang ina.

Tumango din sya tsaka nag lakad na papasok sa gusali.

"Let's fvcking end this. "

CvsH2: The Cold DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon