Chapter 1: Opening Party

3.9K 61 29
                                    

Chapter 1: Opening Party

=LUCIA=

Sa kasagsagan ako  ng pagsusulat ng report ko nang sumulpot ang alalay kong si Minerva. Tarantang-taranta ang mukha niya. She keep on mumbling her words. Hindi ko siya maintindihan. Pasalamat siya dahil mabait ako. Pagpapasensiyahan ko na lang muna ito.

"Ano'ng problema, mahal kong alalay?"tinitigan ko siya. Bumakat ang pag-aalala sa makinis kong mukha.

"Patawarin niyo po ako, head chief Lucia."nakayuko niyang sambit. Hindi siya makapakali sa kinatatayuan niya. Ganito ang ugali ni Minerva kapag may nagawang kasalanan. At mukhang malaki ang nagawa niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa balahibong ginamit kong pangsulat sa papel. Umarko ang kilay ko. At nasa ilalim ng pakiramdam ko na may kinalaman ito sa isang bilanggo na kasalukuyang binabantayan ngayon ng mahigpit. Siya lang naman si Lucifer. Ang unang heneral ni Satan. Ipapaliwanag ko yan mamaya.

"Isa pong masamang balita. Nakatakas siya."Lalong bumaba ang pagkayuko niya.

"Na naman? Tumayo ka ng maayos Minerva. Hindi mo ito kasalanan. Pangatlong beses na ito at siguradong may tumutulong sa kanya." Tinutukoy ko si Lucifer. Tumayo ako sa kinuupuan ko. Inayos ko ang mga papeles ko at hinanda ang sandata ko. Isang puting espada yon na sinabit ko sa beywang ko. Tinali ko ang mahaba kong itim na buhok. Sinabit ko pa ang iilang hibla ng buhok ko sa tenga ko bago umaktong lumakad.

Tumayo siya nang matuwid.

"Ipaalam agad ito sa ibang bumabantay. Ihanda ang sandatahan. Marami-raming pwersa ang kakailanganin natin."Paalam ko sa kanya. "Saka siraduhin ang mga labasan bago mahuli ang lahat."

Matapos kong sabihin yon ay tumakbo na ako kaagad. Ako si Lucia, chief of demon prison. Ang anghel na kasalukuyang in-charge sa pagbabantay kay Lucifer. Isa sa mga heneral ni Satan. Na tinatawag ang sarili na grand duke of Lower Utopia, Chief steward of demon at may anim napu't anim na hukbo ng mga demonyo. Nasa Utopia kami. Ang lugar kung saan nakatira ang lahat ng mga ekstra-ordinaryong nilalang na di madaling makita ng mga tao. Kung baga ito yong lugar o dimensyon na tinitirhan ng lahat ng mythical creatures. Yong diyos,diyosa, engkanto, diwata, dwende, anghel, demonyo  at iba-iba pa. Hindi na kasi kami pinapansin sa mundo kaya gumawa kami ng sariling mundo namin. Isa akong sa anghel dito. Maalamat na anghel. Dahil siguro may pakpak ako. Liwanag ang kapangyarihan ko. At isa akong sa mga umaayos ng kapayapaan sa Utopia.

Nakahati sa tatlong bahagi ang Utopia. Ito ang mga sumusunod: Upper Utopia o kilala sa tawag na Kaluwalhatian. Nakatira dito ang mga diyos, diyosa, mga anghel at iba pang mababait na nilalang na pwedeng tawaging banal. Middle Utopia o Kalagitnaan. Dito lahat nakatira ang lahat ng engkanto. Mapa-tubig, hangin o lupa na engkanto. Saka mga ability users, magicians, iba't ibang royal families na naghari-harian sa pitong kontinente. At Lower Utopia o Kasamaan. Dito nakatira ang mga masasamang loob, mga engkantong sumasamba sa dilim. Pero hindi dyan nakalagak ang Purgatoryo ng mga namatay na mga Utopian. May espesyal na lugar yon na inaalagaan ni Kamatayan.

Kapag nalaman ito ni  Mikael Archanghel, mananagot ako. Ito ang pinaka-pinuno ng mga anghel. Si Kataas-taasan. Kung baga mahahalintulad din ito sa isang duke o kanang kamay ng hari. Meron din naman kaming hari sa Utopia at nakatira sila sa Middle Utopia. Ito ang namamalakad ng  kaayusan, kaginhawaan at pagiging malayo sa paligro ang mga Utopian.

Into the Dark SideWo Geschichten leben. Entdecke jetzt