Chapter 2: Let's dwell with people

939 37 9
                                    

Chapter 2: Let's dwell with people

=LUCIA=

Ito ang kapalaran ko sa pagsunod sa demonyong iyon. Napunta ako sa Earth. Sa mundo ng mga tao. Kung saan wala akong kapangyarihan, normal ako at mga baliw tong mga kasama ko! Saka nakapagtataka ko lang, bakit wala akong kapangyarihan at parang may pumipigil sa akin na palabasin yon?

"One shot!"

"One shot!"

"One shot!"

Patuloy nilang sa pagsigaw ng one shot. Ibig sabihin non ay hinahamon ka pa nilang uminom pa. Naglalaro kasi sila, paunahan sa pagiging lasing. Nasa bar kami, maingay at magulo. Umismid ako. Bawal ito. Tanging wine lang nga ang pwedeng inimun ko. Ngumiwi ako bago nilagok ang brandy. Ito ang pinakamatapang na alak na nainom ko sa buhay ko sa Earth. Nilapag ko ang baso at tinaas ang kamay.

Nagsisimula na rin ang pag-ikot ng paningin ko. Ikailan na bang inom ko ito? Sampung beses na yata. Pero kaya ko pa namang tumayo. Pero nahihilo ako. Humagalpak ang mga to sa pagtawa.

Sumisipol at kung ano-ano pang ginagawa ng mga to na hindi  ko maintindihan. Lima sila at ako lang ang walang lalaking nakaakbay. Ang apat na yon ay mga kaibigan ko sa school. Ewan kung totoong kaibigan ko ito. Parang hindi naman totoo kasi parang bina-bribe ako. Limang libo na ang nagasta ko sa ininum ng apat.

Andito lang yan dahil marami akong pera at nililibre ko sila. Napunta ako sa mundong to para maging estudyante at napunta ako sa pamilya na may malaking negosyo sa bansa. Teenager ako rito. Masamang anak at Red Villanueva ang pangalan ako. Nasa ibang katauhan yata ako pero replacement lang si kay Red. Patay na si Red ng dumating ako sa Earth. Na car accident ang sasakyan at may nabangga itong batang lalaking naka-bisikleta. Kinuha ko kaagad ang katawan niya matapos mawalan ng buhay. Ang totoo niyan, espirito siya at ginamit niya ang katawan ni Red para makagala sa mundo ng mga tao. Isa akong parasite at host siya. May posibilidad din na pwede kong angkinin habambuhay ang katawan niya pero hindi ako tatanda/mamatay bilang tao.

Halos dalawang linggo na ako sa Manila at paborito kong sakyan ang MRT pero hindi ko pa rin mahanap si Lucifer at Menesis. Baka sa ibang mundo sila napunta? Ako lang ang naligaw. Kapag nangyari iyon... Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalong lalaki ang kasalanan ko kay Chief. Anghel siya. Malinis ang budhi ko at ayaw kongmadungisan yon dahil lang sa katangahang to. Menesis bakit mo ako trinayidor? Kung naririnig mo sana ako, pwede bang sabihin mo kung naiinggit ka sa akin? Nakahanda naman akong isuko ang titulo para sa kasiyahan mo.

Mukha akong kaawa-awa. Hopeless na rin dahil wala akong kapangyarihan at walang portal na mahanap. Saka hindi ko alam kung paano ko pababalikin ang kapangyarihan ko. People here in the Philippines didn't really believe that  angels and demons dwell among them. Kaya nga sila gumawa ng sarili nilang mundo. Mga realist na ang mga tao sa panahon ngayon. Naging abala ang mga ito sa makabagong teknolohiya. Kailangan niyang magsikap para makapagipon ng iilang magical energy para makagawa ng portal. Hahanap ako ng mga mabuting gawain.

Nasa katawan ako ng normal na tao na rulebreaker at spoiled bratt. Halang ang kululuwa ng may-ari nito kaya pinarusahan ni Chief. Bakit ba siya napunta sa katawang ito? Paano ko nalaman yon? Pumunta sa akin ang lahat ng memories niya matapos kong pumasok sa katawan niya pero hindi iyon malinaw. Kailangan pa ng eksplinasyon. Sisikapin kong maging mabait si Red. At kalimutan ang masamang nangyari noong nakaraan.

Into the Dark SideTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang