Chapter 3: Let's Meet Very Soon

905 35 7
                                    

Chapter 3: Let’s Meet Very Soon

=LUCIFER=

Ang huling natatandaan ko ay tumakas kami gamit ang portal. Kami? Meron akong kasama si Menesis. Ang anghel na tumulong sa kanya. Pero mukhang may palpak iyon kasi imbes na sa Lower Utopia kami mapunta ay lumipat yata sa ibang dimensyon. Tumatangis ang galit ko ngayon habang nakatayo kami sa gitna ng daan. Maliwanag ang gabi dahil sa bilog ang buwan.

"Bakit nangyayari ito?"Tanong ko kay Menesis. Natagpuan kong matamlay siyang nakaupo sa pavement. Tinitigan ko siya. At bigla akong nagulat...kasi parang ligaw na kaluluwa si Menesis.

"Sabihin mo Menisis nasaan ba tayo?"tanong ko ulit.

Inangat niya ang tingin sa akin, "Master kasalukuyang nasa mundo tayo ng mga tao."

"Ano?"

"Nasa mundo tayo ng mga tao."

"Oo huwag mo ng ulitin,"inangat ko ang isang kamay at marahas na napabuntong hininga. "Teka paanong nangyari to. Diba dapat sa Lower Utopia ang punta natin?"

"Opo master pero mayroong sumabutahi ng plano natin. Pinalitan niya ang portal ng Lower Utopia sa mundo ng mga tao."Tumayo siya. "Ngayon ko lang po nalaman. Patawad kung hindi ko kaagad nasabi sa inyo."

"This is insane, you know."Malamig kong tinitigan si Menesis. "Sino naman ang sumabutahe? Wag mo ng sagutin. Alam kung wala kang maisasagot. Ano na'ng gagawin natin?"

"Kailangan natin humiram ng katawan Master."Pinatong niya ang siko sa balikat ko. Para itong malanding babae.

"Humiram?"

"Tignan niyo ang mga kamay niyo."

Sinunod ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko matapos makita na transparent ang kamay ko at malamang tumatagos ako o di kaya hindi ako nakikita ng mga tao.

"Hindi tayo makaka-survive sa mundo kung hindi tayo hihiram ng katawan,"bulong niya sa tenga ko.

"Mukhang marami kang alam sa mundo. Nakapunta ka na ba rito minsan?"

"Hindi pa. Nababasa ko lang yon sa mga libro mula sa Great Library of Upper Utopia."kumindat siya.

"Ano pa ba ang gagawin natin? Maghanap na tayo ng katawan!"winaksi ko ang kamay niya at nagsimula na sa paglilibot . Huminto ako matapos makaramdam ng hindi maganda. Hanggang sa nakita ko ang kotseng nabangga sa puno. Wala itong lamang dreyber o pasahero. Umiling ako at iniwan iyon.

"Menesis, naamoy ko ang maka-demonyong aura sa paligid na ito. Anong ibig sabihin non?"nilingon ko si Menesis na kasalukuyang sumasayaw sa ere.

"Master tignan niyo ang batang nakahandusay sa gilid ng daan. Wala na siyang malay. At ang sitwasyong ito, maka-demonyo ito. Binundol ng nakita mong kotse ang batang iyon. Tulungan mo siya master. Ikaw lang ang kakaligtas sa kanya."

"If you say so. I would."Kumibot ang labi ko nang matagpuan ang bata este  ang binatilyong nakahandusay sa daan. Lumapit ako doon at hinawakan ang dibdib ko. Tumitig muna ako kay Menesis bago tuluyang gawin ang binabalak ko. Ngumiti lang siya at nanatiling lumulutang sa ere.

====

=LUCIA=

Si Red na ang mag-isang nakatayo sa labas ng department store.At ako iyon. Tulala sa mga malaking flat screen television na may paulit-ulit na video’ng pinapalabas. Hindi naman ako ignorante sa bagay na to. May pinapanood lang ako. Baka lumabas sa t.v. si Lucifer. Wala akong magawa sa araw na ito kaya naglakad-lakad siya pauwi ng bahay. Hindi ko na tinawagan si Manong. Masasayang lang oras nito sa pag-sundo sa'kin. Gusto ko kasi gumala ngayon dahil may hinahanap ako na tao. Nakalimutan ko hindi pala tao ang hinahanap ko kundi demonyong heneral ni Satan. Saan na kaya ang demonyong iyon? Hindi akk mapapakali kung hindi ko pa siya makikita. Nararamdaman kong nandidirito lang ito.

Nandito lang si Lucifer. Hinawakan niya ang DSLRkong camera. Naglakad-lakad pa. Nililibot ang paningin. Uwian ngayon kaya maraming tao. Magandang oras para maghanap ng demonyo.Huli na ng nalaman kk na nakaapak na pala ako sa isang park sa lugar na ito.  Sa oras na ito, may mga magkasintahang namamasyal, may mga kabataang naghahabulan at naglalaro ng kung ano-ano, at may mga pamilya na nagsisidaan. Bata, matanda at kahit sino. Inangat ko ang camera. Nilagay sa mga mata ko ang lense at nagumpisa na sa pagkuha ng litrato.

Kahit sinong makita na maikakatuwa ko ay kinukunan ko. Lumilibot-libot pa ako sa paligid. Hanggang huminto ako sa lugar kung saan nagpapa-bubbles ang mga bata. Ang saya nilang tignan kaya kinunan ko ito pero may lalaking dumaan sa harap ko. Pahamak talaga. Tumitig pa ito sa akin kaya mukha niya ang nakuha ko. Sumimangot ako. Sisitahin ko sana pero mabilis itong nakalayo sa akin. Mukha akong talunan na iniwan dito. Namumula ang pisngi ko sa di ko malaman ang dahilan.

Tinitigan niya ang preview sa camera. Natigilan siya nang makita ang mukha nito. Kahit mukha itong tanga rito. Gwapo  pa rin ito tignan. Nasa background pa nito ang bubbles. Hindi natanggal ang simangot niya nang maramdaman niyang pamilyar ito. Ngayon niya lamang nakita ang mukha nito pero parang kilala niya ito. Nagkainteres yata siya na makilala ito. Ngumiwi siya at umiling. Mabuti pa uuwi na lamang siya. Mukhang wala dito ang hinahanap niya.

Kinabukasana, binigay niya kay Ailee ang mga litratong na-ipa-develop niya kahapon para may ipakita sa meeting mamaya. Sapat na siguro iyon para sa school paper.  Mag-a-apoligize sana sa kakulangan ng mga litraro nang bigla itong ngumiti.

"Ang galing mo talaga kumuha! Ang swerte ko dahil may kaibigan akong cute at talented,"kinikilig na puri ni Ailee. Bigla siyang sinakop ng hiya at wala sa oras na mamula ang pisngi. Maputi ang balat niya kaya madaling mahalata na nagbu-blush siya.

Napakamot niya ang batok, "nakakahiya naman. Pasensya."

****

Umuulan ngayong hapon. Uwian na naman at pinili ni Red na mag-commute pauwi sa bahay. Naiintindihan na siya ni Manong. Sinabihan niya ito kanina bago siya pumuntang school. Gusto niya lang maranasang makisabay sa mga tao kung umuuwi sila. Sasakay sa tren. Oobserbahan ang ginagawa nila. Busy talaga palagi ang bayang to. Mistula siyang batang nagpipintero sa daan. Sinisikap niyang huwag mabasa o matalsikan man lang ang sapatos at damit niya. Dikit na dikit siya sa tabi na may makitid na daanan. Sige na, kahit anong gawin siya mababasa pa rin siya. Mabuti’t pakunti ng pakunti ang ulan. Nakarating na siya sa pedestrian lane. Wala siyang payong kaya unti-unti siyang nababasa. Okay lang. Papauwi naman siya.

Huminto siya sa gitna ng may humarurot na sasakyan sa harap ko. Kita na ngang may tao at pedestrian ay mang-aantala pa. Paano na lang kung nabundol siya nito. Pambihirang mga taong to. Ang hindi niya lang maintindihan ay may lalaking huminto sa tabi niya. May hawak na payong pero hindi sa rito nakapayong.

Huli na niya nang nalaman na nakasukob pala sa kanya ang transparent nitong payong. Nalaglag tuloy ang panga niya. Sino naman siya para payongan ng isang cute na lalaki? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Parang may sampung kabayong dumaan sa dibdib niya. Tigidig. Tigidig. Kalokohan. Ano ba ito? Bakit ito nararamdaman niya? Aba kay Red ang puso na ito. Pero siya na ngayon ang may hawak nito.

“Sayo na miss. Basing-basa ka na,”anas nito sa kanya. She saw his lips moving slowly. At biglang nasa kwarto sila na soundproof. Wala na siyang narinig na ibang ingay. Boses lamang nito at ang mahinang pintig ng puso niya ang naririnig niya. Malamig pero brusko ang boses nito. Masama to. Lumukso siya palayo sa dito.

“Ah no no no. No need. Okay lang,”agarang tanggi niya rito. Umatras na nga siya pero pinasunod pa rin nito ang payong sa kanya.

“Bahala ka,”ngumiwi ito. Nainis yata ito. Nagpapa-gentleman nga tao tapos sinisira niya naman ang moment nito. Bad angel. Sige na nga. Kinuha niya ang payong dito. Ngumisi siya, iyong tipong inosente ba.

“Salamat sa concern,”sabi niya rito at mabilis niyang tinalikuran. Tumawid na siya at tinuloy-tuloy ang paglakad. Walang lingon-lingon. Nakakahiya yong ginawa niya. Ano ba ito? Bigla kasing uminit ang pisngi niya.

Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Teka. Kahina-hinala ang mukha ng lalaking yon. Nakita na niya ito minsan eh. Saan nga ba yon? Ito yong nakunan niya ng litrato kahapon. Ganito rin ang oras. Natigilan ulit siya. Iniisip niya ulit ang... His eyes, his nose, his lips…it seems familiar. She saw him once but she didn’t know where, when, why and how it happened. Except sa kahapon. Yong lalaking yon! Malaki talaga ang impact nito sa kanya. Lalo na sa puso niya. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin non.

Into the Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon