Patawad

13 2 0
                                    


"Patawad"

Patawad,
Salitang gusto kong iparating sa iyo.
Salitang nais ko na matanggap mo.
Salitang alam kong maglalayo sa atin.

Inaamin ko na ako'y may pagkukulang
Na ako'y sakit ng ulo
Na dumagdag pa ako sa mga pasanin mo
Na ako'y isang pabigat sa iyo.

Ikaw ay isang natatanging tao n nakilala ko
Nagbibigay saya sa bawat araw ko
Ngunit  bakit?
Bakit kailangang dumating ang araw na iyon.

Nagalit ka,
Nagalit ka at alam kong ako ang may sala.
Patawad sa nagawa ko,
Na alam kong mahirap nang ibalik ang tiwala mo.

Patawad , patawad.
Sana tanggapin mo ang paghingi ko ng tawad.
Sana maibalik pa natin ang DATI
Sana ikaw at ako pa rin.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon