Nagmahal Muli

11 1 0
                                    

Nagmahal Muli

Sabi nila masarap daw ang magmahal
Ngunit kakambal nito ang masaktan.
Ngunit papano kung gusto mo ulit magmahal?
Handa ka bang masaktan MULI?

Nasaktan na ako noon
At sinabi ko sa sarili ko na hindi n muli ako magmamahal
Ngunit sa isang iglap lang nahulog muli ako
Sa lalakeng d ko na namn ina asahan.

Magkaibigan tayo, oo
At ang sabi ko hanggang dun na lng
Ngunit bakit nahulog ako?
Nahulog ako sa mga matatamis mong salita

Sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na wag akong mahulog sayo.
Dahil baka masaktan mo lang ako
Ngunit pano ko pa mapipigilan?
Kung ang puso ko ay pangalan mo na ang sinisigaw.

Ngunit si tadhana na ang gumalaw.
Pinaglapit tayo lalo
At mas lalo akong nahulog sayo
Sayo na di ko akalain na sasaluhin ako.

Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now