Akin ka na

3 0 0
                                    

Maaari ko na bang sabihin na "akin ka na"?
Sandali, kinakailangan ko pa bang tanongin yan sayo?
Kasi akin ka naman na.
Akin ka na simula noong araw na iyon at wala nang bawian.

Nakakatuwang isipin na akin ka na
Na akin na yung taong hinahangaan ko
Mula sa paghanga hanggang sa naging magkasintahan.
Akin ka na wala nang bawian

Oo alam ko ilang araw pa lang tayo nagkausap
Ngunit sabi mo nga
Wala kang magagawa kung ang puso mo na ang gumalaw
At wala nga akong nagawa. Hinayaan ko ang puso ko na mahulog sayo.

Napakabilis hindi ba
Minahal na kita kahit na alam kong meron pa ring puwang dyan sa puso mo ang dati mong kasintahan
Masakit sa puso iyun
Na kahit di mo sabihin alam kong meron ka p ring nararamdaman sa kanya

Pero ano pa bang dinadrama ko?
Akin ka n nmn na eh
Wala nmn akong balak na ibigay ka sa iba
Akin ka na at hindi kita papakawalan.

Masyado kitang mahal para ibigay sa iba
At Masyado kitang mahal para mag hanap nang iba.
Kasi ikaw lang naman ang taong mahal ko
At wala akong balak na sirain kung anong meron tayo

Hindi ba nga't ikaw si "KD_oppa" ko
At ako namn si "AB_senpai" mo
Dalawang karakter sa istoryang binabasa natin
Dalawang tauhan sa istoryang d naman sila ang nagkatuluyan

Pero bakit ko nga ba ikinukumpara ang kwento natin sa kwento nila
Eh ikaw namn si Klyde at ako si Anne
Dalawang karakter sa kwento na tayo ang bida
Na tayo ang manunulat sa sarili nating kwento

Hindi man tayo legal ngayon
Alam kong darating ang araw na matatanggap nila na may tayo, na akin ka.
Kaya simula noong araw na sinagot mo ako
Sinabi ko sa sarili ko na akin na ito, akin na sya, akin ka na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon