FIRST CHAPTER~

67 1 0
                                    


Inhale, exhale. Ohmigoshes, kinakabahan ako. May graded recitation pala kami ngayon at nakalimutan kong magbasa ng mga readings at mga eklavu na ni-require sa amin. Kaya nga readings para basahin di ba? Pero hindi kasi ganun ang nangyayari, nagpapa-photocopy lang naman kami para masabing may readings. Yes, tama ka diyan sister! Hay, ugali ko talaga, o back to reality na, masyado nang nag-enjoy ang utak ko sa pagliwaliw. "Ms. Dominguez, did you hear me?" (isa pa) "Ms. Dominguez, Ms. Dominguez" Saka lang ako natauhan ng kinurot ako ni Harra, si Harra ang aking seatmate turned friend, naks naman, umikot lang siya friends na kami, korny korny :D. "Ah yes, Sir, Ma'am, ako pala iyon, ano po iyon?" ang sabi ko bigla, nakakahiya naman yun kaya ako ay namula. "I said what can you say about the fast rate of language death? Any ideas how did it happen? And what is your reaction to this phenomenon?" tanong ni Prof. Anadee, sa abroad siya nag-aral pero hindi siya yung tipong with accent magsalita, pinoy na pinoy pa rin. Ano raw, death ni Whitney Houston? Ano ba iyan, bakit kasi hindi ako nagbasa ng readings, badtrip, ayoko kayang mapahiya. "Ahm, it's shocking and sad, Ma'am. It is unexpected and such a great loss" ang sabi ko naman raw (with matching sad face L). "Ah, yes, it is indeed sad. How about you Ms. Maceda, what can you say? How did this happen?"Naku hindi ko pala nasagot yung isang tanong! Buti nalang at iba na iyong tinanong ni Ma'am at hindi siya namamahiya, kaya naman isa siya sa mga peyborit kong Prof eh. Napaka-nonsense pa ng sinabi ko pero medyo related naman kasi sa death, malamang kapag death malungkot diba? Ang safe kaya parang showbiz lang, safe answer. :P

Tiktok. Katagal naman ng oras, may lakad pa ako mamaya, pupunta kasi ako sa mall, hindi para mag-shopping kundi para maglaro sa Quantum. Antagal talaga men, bakit kasi pag hinihintay mo ang oras e matagal, kapag ine-enjoy mo naman ang moment ay mabilis, feeling mo kulang pa ang oras. Sige na nga, kunyari ay makikinig muna ako. Sabi ni Ma'am, "Class, every two weeks, a language dies, it is faster than the extinction of animals, plants." Whatta? Ganun? E may umiiyak rin kaya pag natsutsugi ang language, at may burol din ba? Puro naman kasi kalokohan ang naiisip ko, palibhasa dakilang pilosopo ako, mag-Major in Philosophy nalang kaya ako?Hehe. And now, tapos na ang class, nagsasaya ang aking puso pero bigla ring nalungkot kasi first subject palang pala itey, may apat pa.. Well, ang balon.

Kasama ko si Harra habang kami ay naglalakad papunta sa aming next subject. Nagmamasid ako sa paligid, at nahagip ng tingin ko ang isang guy, mukhang seryoso at mukhang hindi marunong ngumiti. Pero impernes, aminin, ang gwaping ng dating ng boylalu na ito, mukha pang matalino. Kontento na ang beauty ko na masilayan lamang siya from a distance, ayoko kasing makilala pa siya baka may hindi ako magustuhan sa kaniyang ugali. And I believe na kapag crush mo siya, crush na lang teh, wag nang umasa pa na maging close kayo kasi mas may thrill kapag you don't know each other ang drama. Pero hindi ko siya crush ha, inappreciate ko lang ang kaniyang kagwapuhan. Inalis ko na ang tingin ko sakaniya at kinausap nalang si Harra. Eto naman si Harra, sobra problemahin ang lablyp, ke paano raw malaman kung gusto ka ng guy, o sabihin ang iyong feeling. Syempers ay expert ako sa mga bagay na iyan kaya todo advice naman daw ako, iyon nga ang weird e, kasi sarili mong problema hindi mo maayos.

Start of a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon