CHAPTER 25: AVOIDANCE/ESCAPE

13 0 0
                                    

Call me coward. Coward! Coward! Coward! Coward! Coward! Coward! Coward! :D Ilang araw kong dinedma ang text ni Lee, hindi sinagot ang mga tawag niya.. Isang gabi.. Kausap ko sa cellphone ko si Mama, nakakapanibago lang kasi sa mga nakaraang araw. Ang lagi kong kausap ay si Lee. Habang kausap ko si Mother Earth ay nag-text si Lee..[May kausap ka na palang iba] Huh? Siguro sinusubukan niya akong tawagan..Yaan ko na nga.. iiwas ako.. iiwas. Kaya yun, pagkatapos namin mag-usap ni Mama ay inalis ko na ang sim card ko. Yung isang sim ko nalang muna ang gagamitin ko..

Hay..Ayoko munang isipin.. kung anong meron kami.. At kung anong maaring magkaroon sa amin.. Dyusko day! Sa dinami-dami ng problema sa mundo, aba hindi ata magandang problemahin ko pa ang isang bagay na ayaw kong harapin..Napag-isip isip ko na wala akong panahon sa mga ganiyan ganiyan, isa pa.. masyado pa akong isip- bata para magjowa.. Lagi lang kaming hindi magkakasundo diba? Hay.. pero.. namimiss ko din naman siya.. kahit papaano.. Yung boses niya, ka-sweetan niya.

At yung mukha niya..Bihira ko na lang din kasi siya makita sa Campus dahil hindi na ako madalas tumatambay doon. Doon sa isang subject naman namin na magka-klase kami.. Hindi ko siya tinitignan at lumalabas ako agad diretso uwi na kaya walang time para mag-usap kaming dalawa. Sadya ko yung ginawa, iwas epek e..

Isang araw.. Hapon nun..Biglang meron kaming make-up class sa History subject namin..Speaking of make-up.. may naknak ako!!! Galing 'to sa kapatid kong six years old :D Ahem.. "Make-up ka ba?"
"Kasi mukha kang blush on" Haha ewan ko ba pero natawa ako dito, ikaw ba hindi? Wahhaha. Okay back to the story na po..

5:00 pm yun at pabalik na ako sa Campus kasama ang mga kaibigan ko. Nagkuwekuwentuhan kami sa daan..Nang bigla.. napahinto ako.. Nakita ko si Lee! Nakasalubong namin siya, galing siya sa Campus..Nung nakita ko siya... At nakita niya ata ako..Nagkatitigan kami saglit..At yumuko siya. Hindi ko gets kung bakit siya napayuko . Pero isa lang ang sigurado ko sa moment na yun..Miss ko na siya..Pagkalagpas niya ay agad akong kinulit ng mga kaibigan ko.."Di ba si lee yon?" sabay-sabay nilang sabi, ^sabayang bigkas te? Haha^ "Oo yata"- ako. Feeling ko naman ang tagal ko siyang hindi nakita no? Yung time kasi na to.. nag-eye to eye contact kami.Saglit lang pero kasi nga yumuko siya..

Habang nasa klase kami ay yun lang ang laman ng isip ko.. hindi ako mapakali na parang kiti-kiti hihi. Tapos etong si Sir naman, masyadong epal..Bigla biglang may recitation! At sa hanay pa namin tumawag! Magaling, magaling! Hindi ko pa man din nabasa yung readings. Well, hindi pala.. Hindi ko talaga binasa yung readings. Hahah. Pag natawag ako dito pahiya na naman ako..60 seconds later...

"Lj, ano ang konteksto ng paghihimagsik ng mga Pilipino sa panahong 1800?" tanong sa akin ni Sir sabay ngiti. Sabi ko na nga ba, matatawag ako..Wala akong masasagot! Kunyari naman tumingin ako sa notes ko, e wala namang kalaman-laman haha. Kaya naman..Nginitian ko nalang si Sir. Malay natin epektib diba? Madala siya sa "cute smile" ko daw. Pero yung ngiti ni Sir biglang napalitan ng ismid. Sumimangot siya, ay.. di na siya cute! To the rescue naman si Ilary..Dahil katabi ko siya, siya na lang ang sumagot..Syempre, masipag magbasa si Ilary kaya nasagot niya ng tama! Pero hindi ko matandaan ang sagot e hehe. Out of this classroom ang utak ko.. Nandoon sa isang lalaki na nakasalubong namin kanina..Kwan ata, nung nakasalubong ko siya, minagnet niya yung utak ko para sumama sakaniya :/ Hahaha. Pwede kaya yun? Hmm..

Nung natapos na ang klase ay nagpaalam na ako at umuwi na ako agad. Pinag-iisipan ko kasi kung ite-text ko na ba siya..Ano ba yan? Pag ginawa ko yun..Para ko na rin niloko ang sarili ko di ba? May paiwas-iwas kuno pa ako..Yun pala bibigay din! Pero kasi.. naman kasi e..Bakit ko pa kasi siya nakasalubong!! Bakit ko ba siya iniisip! E ayos naman ako na walang lalaki sa buhay ko ah,. Hindi naman as if hindi ako mabubuhay ng walang lalaki, that's just so pathetic. Oo inaamin ko, nagpapantasya naman ako sa mga lalaki, pero not to the point na kulang ang araw ko kapag hindi ko sila nakikita. Hay.. What will I do? Eto na naman ako, napapa-english haha.

Ano na? Sige na nga! Itetext ko na! Oo na.. Ako na..Ang baliw, magulo ang isip.. [Ganiyan na pala, walang pansinan] ang sabi ko, kahit na ako pala yung hindi namamansin :D [Galit ako sayo, alam mo ba yun?] Galit.. sa akin? Ay hindi! Siya, siya! Kasasabi lang di ba? [Ano ba ang ginawa ko?] kunwari walang alam.

[Pagkatapos mo akong iwanan ng ganun ganun lang, itatanong mo kung anong ginawa mo?!] [Hindi naman kita iniwanan ah.. busy lang naman ako] –ako, liar. At hindi na siya nag-reply..

Nabother naman ako, kaya tinawagan ko siya..Gamit ang bago kong number.. O diba? Asan na ang purpose ko na magpalit ng number para makaiwas sakaniya?! Wala!! Sa huli, ako rin ang nagpaalam ng numero ko sakaniya. Baliw lang? Kring kring.. Di niya sinasagot, pinapatay niya! Pakipot lang? Pero alam ko namang kasalanan ko kasi hindi ako nagparamdam, hindi ako nagtext ng walang paalam.. Bigla nalang akong nawala, na parang bula..

Sa kabilang banda...Hindi ko naman yata responsibilidad na ipaalam sakaniya lahat ng gagawin ko diba? O kaya yung pagte-text sa kaniya araw-araw! Because at the first, second and third place, hindi naman kami. Kung ganun...Bakit ako nagkakaganito? Bakit feeling ko ang sama kong tao? Bakit feeling ko kailangan kong humingi ng tawad sakaniya? Bakit feeling ko na ...May feelings na ako sakaniya? Teka nga, mamaya ko na yan iisipin..Ang kelangan ko makausap siya ngayon din! Ora mismo!

Ako: Sagutin mo naman, tatawag ako.. Si Lj to..Hanggang sa..Siya na mismo ang tumawag sa akin at nag-usap na kami..Lee: Bakit? Ako: Sorry na. Lee: Ayoko. O diba? Babae ata to e, mahilig magpakipot :P Ako: Sorry na please? Maluha-luha na ako. Teka.. bakit to? Bakit ganito? Ayokong magdrama dito! Never! Ay. Tumulo na luha ko, it's too late.. Lee: Bakit anong akala mo sa akin? Aso? Na basta basta mo nalang iiwanan saka babalikan? Ako: ASO? Hindi.. hindi naman sa ganon.. sorry na oh. Umiiyak na talaga ako, ang sakit sa dibdib. Ohshocks! Ang O.A ko! Lee: Naiinis talaga ako sayo. Ako: (iyak) Lee: O sige na, wag ka nang umiyak. Ako: Galit ka pa ba sa akin? Lee: Hindi na.. ang mahalaga kausap na kita..

Ayiee :) Kiligs naman ako. Hmm. Mareresolba na ba ang problema ni Lj? Ano na ang mangyayari sakanila ni Lee?

Start of a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon