PART 1

3.5K 79 4
                                    

NANG una tayong nagkatagpo, nakabanggaan kita, dahilan upang matapunan ng sauce ang polong suot mo, sa tapat pa ng dibdib. Sa hallway pa iyon nangyari sa ikalawang palapag nitong gusali.

Mabilis kong pinunasan ang polo mo at dali-dali ko ring pinulot ang mga gamit kong nagsipaglagpakan sa sahig.

Para nga akong tanga na tarantang-taranta at nang mapulot ko na ang mga gamit ko ay kaagad akong humingi sa 'yo ng pasensya.

"P-pasensya na, hindi ko naman sinasadya". Nakayuko kong sambit. Akmang aalis na ay mabilis mo akong kinapitan sa braso at hinila pabalik sa kinatatayuan ko kanina, sa harapan mo. Mabuti na nga lamang at tayong dalawa lang ang naririto dahil...

Dahil ang iba ay nakauwi na. Kung hindi ay mapagti-trip-an na naman ako ng mga babaeng nag kakandarapa sa 'yo.

"At satingin mo'y sapat lang ang sorry?". Mahahalata sa tono ng boses mo ang pag kaininis at pagkairita.

"H-hindi ko naman talaga sina---". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang isa-isa mong tinatangal sa pagkakabotones ang polo mo. Namuo ang agam-agam sa utak ko at nangamba sa balak mong gawin sa akin. Mabilis kong iniiwas ang tingin at yumuko.

"Labhan mo!". Mabilis kong inangat ang ulo ko at kasabay niyon ang paghagis ng hinubad mong polo na direktang tumama sa mukha ko. Alam kong mali ang pumasok sa isip ko kanina. Pero dahil nga sa kilala ka bilang isang bully, sino ba naman ang hindi matatakot hindi ba?

Mabilis kang umalis matapos mong ihagis sa akin ang polo mo.

Pinagmasdan ko ang polo mong nasa sahig ng ilang segundo bago iyon ginawang basahan. Matapos ay mabilis ko iyong pinulot. Kinausap ko iyon at pinag-initan na tila ba ikaw talaga mismo ang sinasabihan ko.

"Ang sama-sama talaga ng ugali mo! Kailan mo kaya iyon mapapansin? Hindi porque kilala ka lamang sa buong campus at may hitsura ka lang ay gagawan mo na ng masama ang kapwa mo! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Humihingi ako sa 'yo ng pasensiya ngunit binalewala mo lang iyon! Sabagay, sino ba naman ako upang pakinggan ng tulad mo?"

Nais kong itapon sa basurahan ang polo mo ngunit mas pinili ko na lamang na labhan iyon kaysa lalo ka lamang mainis sa akin.

Labag sa kalooban kong tiniklop ang polo mo at matapos ay isinampit iyon sa braso.

NANG sumapit ang ika-tatlong araw ay hinanap kita. Wala ka sa loob ng room ninyo, wala ka rin sa canteen at maging sa gymnasium ay wala ka rin. Sinubukan pa rin kitang hanap-hanapin sa kung saan-saan ng dahil lamang sa polong pinalabhan mo.

Malas nga lamang dahil nasunog ang may bandang laylayan niyon nang pinalantsa ko iyon.

Labis nga ang kabang bumalot sa dibdib ko sa takot na mapag-initan mo na naman ako sa pagkakamaling nagawa ko.

Nagmadali akong umalis ng bahay no'n. Hindi ko na matandaan kung nabunot ko sa pagkakasaksak yung plantsa. Basta ang nasa-isip ko lang ng mga sandaling iyon ay kinakailangan kong mapalitan ang polo mo. Binilhan kita ng bago.

Nasaan ka na ba? Para na akong tanga rito na naghahanap sa kawalan.

Halos mapuno ng halakhak ang paligid ko nang matisod ako sa malaking bato na nakaharang pala sa daan. Pinagtawanan ako ng mga kapwa ko estudyante. This is all your fault! Mabilis akong tumayo at kaagad pinagpagan ang uniporme.

"Gaga na nga eh ang tanga-tanga pa! Iba talaga kapag mukhang palaka! Ha-ha-ha!" Panlalait ng isang babae na siyang lalong nagpalakas ng mga boses ng ibang estudyante. Napansin ko rin na unti-unti nang dumarami ang mga nakikiusyoso. Hindi na bago sa akin ang mapahiya. Hindi na rin bago sa akin ang mga tingin at ang ngising ipinakikita nila sa akin.

WHEN MR.BULLY MEETS MS.NERDY ((MAXIEN))Donde viven las historias. Descúbrelo ahora