PART 3

1.9K 61 4
                                    

Habang tumatagal ay lalong nagiging malalim ang pagkakaibigan naming tatlo. At kayong dalawa ni Haxxle, mukhang tuluyan ng nagbago. Nagkasiraan kayong dalawa maging si Tuff ay nagalit rin sa inyo ngunit maspinili nitong sumama sa 'yo.

Ang Lyon na kinikilala ko bilang isang dakilang bully dito sa campus ay hindi na tulad ng dati.

Bakit nga ba nagbago ka? Kayo ni Haxxle? Bakit nagkasiraan kayong dalawa?

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway ng second floor patungong room nang makita ko kayong dalawa ni Tuff kaya kaagad akong nagmadali. Ngunit nanatili kayong nakasunod sa akin. Kitang-kita ko sa pheriperal view ko ang anino niyo.

Dahil nga sa naiinis ako sa ginagawa ninyo ay mabilis ko kayong nilingon. Pasinghal na sinumbatan.

"Ano naman ba ang kailangan ninyo? Ikaw?" Tanong ko sa 'yo ngunit nag-iwas ka lamang ng tingin. "May atraso na naman ba ako sa 'yo?"

"Hmmm... Meron nga ba?" Parang tangang tanong ni Tuff. "Meron nga, ikaw. Ha-ha-ha! Ikaw ang kailangan namin." Kinulang ba iyang kasama mo sa buwan o sadyang ipinanganak na may sayad sa utak?

"Tigilin na ninyo ako. Wala naman ako ginagawa sa inyo ah!"

"Ipinatatawag ka sa office. May ipapagawa sa 'yo." Kaagad mong sambit.

"You better go now. Ha-ha-ha! Akala mo, may gagawin kami sa 'yo? Nah! Next time na lang." Natatawang sambit ni Tuff at tinalikuran na ako. Ngunit ikaw, nanatili kang nakatingin sa akin. May nais ka sabihin na hindi mo mabigkas. I just snickered at you then tinalikdan ka na.

"Max---" magsasalita ka na sana ng tawagin ka na ni Tuff.

"Lyon!" Bago ka sumunod kay Tuff ay may sinabi ka.

"Pumunta ka na kaagad sa office." Dapat ko bang pagkatiwalaan ang sinabi mo? Sa palagay ko, hindi. Hindi naman talaga dapat pagkatiwalaan ang katulad mo.

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko nang makarating kaagad sa classroom.

Hindi na ako nagtungo sa office. Nakabukas ang pinto niyon kaya kitang-kita ang dumadaan sa hallway. Kung ipinatatawag nga ako, sana ay tinawag na ako ng nasa loob niyon.

Pinagloloko nga lamang ninyo ako. Hindi ka pa rin pala tuluyang nagbabago.

Nang bababa na ako ng hagdanan patungong unang palapag ng makasalubong ko sina Yvee na galing sa ika-tatlong palapag nitong gusali.

"Maxien. Sabay-sabay na tayo. Let's eat somewhere." Ngumiti na lamang ako at pumayag sa suhestiyon ni Mouselyn.

"Sure." Maikling sagot ko. Minsan lamang naman kasi itong mangyari.

Kimaumagahan, pagkapasok ko sa classroom ay kaagad akong ipinatawag sa office. Galit na galit si Professor Albert sa akin.

Hindi ko akalain na totoo pala ang sinabi ninyo ni Tuff kahapon.

Pagkalabas ko sa opisina ay nag-aalalang mukha mo ang sumalubong sa akin na labis ko na namang ikinataka.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pagsusungit ko sa 'yo. Sa halip sagutin ay tinanong mo ako.

"What did he said to you?" Hindi kita ko sinagot ang tanong mo, bagkus ay lumakad na ako. Mabilis mo akong hinawakan sa kamay.

"Sanadali! Answer my question, Maxien." Napabuntong hininga na lamang ako bago hinarap kang muli.

"Nothing."

"What do you mean nothing?"

"Hindi niya ako papapasukin ng tatlong beses sa klase niya. Wala ka namang paki ro'n, kaya bakit kailangan mo pang alamin?" Sagot ko. Nag-iwas ka ng tingin sa akin.

WHEN MR.BULLY MEETS MS.NERDY ((MAXIEN))On viuen les histories. Descobreix ara