Cassy's Past

9.5K 179 2
                                    

(This happens 6 years ago.)

Cassy's POV

Nandito kami sa school canteen. Ah btw ako pala si Cassy,14.

Well ya know typical teenagers mahilig sa gala at pasaway pa.

I am the Light Princess so my mother, usually reminds me to be prim and proper always, so people will respect me as their high majesty.

But hindi ko gusto ang masyadong formal. Nakaka-bored minsan ang pagiging masunurin😁.

"Cass naman please lang, samahan mo na ako sa bayan!" Sambit ni Emerald. Sya ang Princesa ng Panggagamot at ang bestfriend ko.

"Nako naman, Blue! Sakit mo sa ulo! Sinabe na ngang magagalit si Mommy at Daddy e. Sabi nila na hindi ako pwede ligawan!" Inis na sabi ni Airene na ginugulo nanaman ni Kuya Blue dahil nga gusto ni Kuya Blue na ligawan si Airene.

"Bro, gwapo ko talaga no? Napasagot ko si Jess." Pagmamayabang ni Lawrence

"Nako bro! Pipikutin ka non hala ka! Wala ka talagang patutungohan." Sabi ni Venth

"Yucks, kambal. Anong sagot? Nagpaturo ka sakanya ng test natin sa History?!" Naiinis na sambit ni Terrence kakambal ni Lawrence

"Wag ka na ngang magsalita dyan, Terrence. Ang sakit mo sa gilagid!" Sabi ni Emerald

"Ano ba ang ginawa ko sa gilagid mo? Wala naman ah." Inosenteng sabi ni Terrence kaya napatawa kami at naiinis naman na binatukan ni Emerald ang huli.

"Ay guys. May bago dawng student." Sabi ni Aqua na halatang galing sa Student Council dahil hinihingal pa ito.

Oo, si Aqua ay sobrang chismosa at kapatid nya si Kuya Blue.

"Talaga?! Ano gwapo ba?" Singit ni Emerald.

Nanaman talaga tong babaeng to e.

"Aba oo naman." Sabi pa ni Aqua

"Talaga? Asan galing?" Tanong ni Airene na dahilan upang mapasimangot si Kuya Blue dahil sa binigyan pansin pa ni Airene ang sinabe ng kapatid nya at binalewala sya.

"Ewan, pero narinig ko mukhang mapapasali sya sa groupo natin." Sabi pa ni Aqua

"Ha? Ganon sya kalakas? O may dugong bughaw sya?"Tanong ko

"Bessy!!!!!!!!!! Nakita ko na ang man of my dreams!" Biglang tili ng baliw na si Emerald sabay hampas saakin.

Ang brutal no? Nagiging battered bestfriend ako pag-kasama ko'to e.

Tilian ng mga studyante ang sunod-sunod na narinig ko.

Nag-ningning ang mga mata ni Aqua.

"Gosh! Yan yung sinasabe ko!" Tili niya.

Dahil sa na-curious ako ay napalingon ako sa nilingunan ng mga studyante at doon ko nakita ang isang napaka--gwapong lalaki sa mundo.

Napatulala ako sa ka-gwapohan nya kung hindi sana ako kinablit ni Emerald na may ngisi sa mukha ay talagang tutulo na ang laway ko dito.

Napabaling naman ang tingin namin sa taong tumikhim.

"Superiors, I hereby to announce that from this day Mr. Zenn Ctristan Alquizar is now officially be one of you. Hope you can get along." Sabi ni HM saka nagpaalam na.

Bigla naman akong na-baliw ng marinig ang pangalan niya.

Gosh! Zenn Ctristan Alquizar, You are awesome. Langya lang! Lakas ng tibok ng puso ko. Ito na yata ang sinasabe nilang Love at First Sight.

Mystiqua Royale: The Legendary Goddess (Old Version) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now