077

936 46 7
                                    

*flashback*

Jennie's POV

"Gummy please, gumising ka. Please, please, please, please please. Sabi mo hindi mo ko iiwan diba?" pinagpapalo ko ng mahina yung pisngi niya habang pinagmamasdan siyang nakapikit. Hindi matigil ang mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon.

"Jennie, ilang araw ka nang hindi umuuwi sa inyo baka nag-aalala na sayo ang mama mo." hindi ko nilingon si tita. Hinawakan ko ang kamay ni Yoongi at pinagmasdan pa rin siya.

"Hihintayin ko po si Yoongi magising tita.."

"Aba eh kumain ka naman.. hindi matutuwa ang anak ko kapag nakita ka niyang ganyan Jennie. Kilala mo si Yoongi."

Sinabi ng doctor na comatose pa daw si Yoongi dahil sa nangyaring aksidente. Hindi nila alam kung kailan daw gigising 'to pero nasa pasyente na daw yun kung anong gusto nito. Pwede rin daw na hindi makaalala si Yoongi ng ibang tao dahil sa kalagayan niya.

"Gummy sorry.." napabuntong hininga na lang ako sa nararamdaman ko ngayon. Kasalanan ko 'to. "Mali ang iniisip mo.. magpinsan kami ni Neil.. nalaman lang namin yun noong araw na magdedate sana tayo.. Yoongi, nadala kami ng emosyon namin kaya nagyakapan kami. Yoongi naman! Sana hinayaan mo akong magpaliwanag.." nagsimula na namang bumalik lahat ng pangyayari.

"Jennie, stop blaming yourself. Hindi mo ginusto 'to." napalingon ako kay Lisa at nginitian niya naman ako.

"Ewan ko na bessy.. hindi ko na alam.."

awake || m.ygWhere stories live. Discover now