078

952 47 9
                                    

*flashback*

Jennie's POV

"Jennie, gising na si Yoongi!" dali dali akong nag-ayos ng sarili ko nang matanggap ko yung balita ni Alissa. Nasa canteen kasi ako ng hospital para bilhan ng makakain sila tita nang biglang napatawag si bessy para nga sabihin sa akin iyon.

Pagbukas na pagbukas ko sa pintuan ay nakita kong nagtatawanan sila. Hindi ko pa makita si Yoongi pero parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Naeexcite ako na kinakabahan na nasisiyahan para sa mga nangyayari.

"Ayan na pala si Jennie eh." napalingon silang lahat sa akin ng biglang sinambit ito ni tito. Nakangiti silang nakatingin lahat sa akin. Pinunasan ko ang luha ko na hindi ko mapigilang huwag tumulo at ngumiti.

Sumilip siya mula sa likod ni tito at tinignan lang ako na para bang walang kaemosyon emosyon sa mukha niya. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mabilis.

"Namiss kita. Thank you! Thank you! Thank you! Thank you—"

"Miss? Wrong room ka ba?" napatigil silang lahat sa sinabi niya. Maski ako napatigil sa kaka thank you dahil sa sinabi niya. Napabitaw ako at tinignan siya.

"Yoongi naman, alam kong may kasalanan ako sayo pero huwag naman sana ngayon. Sorry na.."

"Sorry saan?"

"Gummy naman eh.. huwag ka ngang ganyan." ngumiti ako pero feeling ko iba talaga ang nararamdaman ko. Feeling ko hindi niya ako maalala.

"Ah eh, excuse me ah? Anak, siya si Jennie." pagsingit ni tita sa usapan namin.

"Ah okay ma." sabi niya lang at ngumiti na kila Nixon.

"Girlfriend mo.." pahabol pa nito at ito na ang naging dahilan kung bakit napakanuot ng noo si Yoongi.

"Girlfriend? Wala akong girlfriend ma. Hindi ko siya girlfriend, haha. Kailan nga pala tayo uuwi sa states ma?"

"U-Uuwi? Aalis ka Yoongi?" tanong ko.

"Oo, bakit?" Parang nanlumo ata ako sa sinabi niya.

"Tita, uuwi kayo?"

"Nagtataka nga rin ako sa bata na 'to eh. Sabi niya noon ayaw daw niya bumalik doon dahil ayaw ka niyang maiwan pero ayan siya, nagyayaya dahil daw gusto niyang makita ang lola niya."

"Bakit ka ba nageexplain sa kanya ma?"

"Ayaw mo ba kay Jennie anak? Girlfriend mo siya."

"Hindi ko alam ma pero hindi maganda ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya."

Nabalot ng katahimikan sa kwarto at ni isa ay walang nagbalak umimik dahil sa sinabi niya. Lumabas na ako agad para huwag nilang makita ang mga maiinit na luhang magsisipatakan sa pisngi ko.

awake || m.ygWhere stories live. Discover now