51 - 60

830 4 1
                                    

51. Gintong binalot sa pilak; pilak na binalot sa balat.
- itlog

52. May alaga akong hayop, malaki pa ang mata kaysa sa tuhod.
- tutubi (dragonfly)

53. Lumalakad ang bangka, ang piloto'y nakahiga.
- kabaong na may patay

54. Matanda na ang ninuno, hindi os nililigo.
- pusa

55. Ako'y may tapad na irog, saan man paroo'y kasunud-sunod; mapaapoy ay di nasusunog.
- anino

56. Naupo si Itim, sinundot ni Pula, heto na si Puti, bubuga-buga.
- sinaing

57. Tubig na binalot sa papel, papel na binalot sa bato, batong binalot sa balahibo.
- buko

58. Nasaing si Hudas, itinapon ang bigas, kinuha ang hugas.
- paggata ng niyog

59. Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
- manok

60. Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto.
- itlog

BUGTONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon