Chapter Ten: Princess of Light Kingdom

11.7K 371 13
                                    

CRYSTAL RAIN


Nasa room na kami at hinihintay na lang na mag-start ang unang subject. Nilibot ko ang tingin, kumpleto na kaming lahat bukod kay Frost na wala pa rin hanggang ngayon. Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari kahapon. Kahit napalayas kami, nakatutuwa pa rin.


Muli kong binalik ang tingin ko sa harap at pinanood ang ginagawa ng grupo ni Veronica. Nag-seset-up sila ng timba sa taas ng pinto. Hindi ko alam ang laman no'n.


Normal na sa'ming lahat ang gan'tong ginagawa ni Veronica. Kapag kasi ayaw niya sa isang lecturer namin noon, ginagawa niya 'yan at marami pang bagay. Spoiled brat kasi. Wala namang magawa sina Bliss at Cloud sa mga ginagawa niya dahil malakas ang kapit ng bruha.


Ayaw niya siguro sa lecturer namin sa history.


"Ayusin niyo 'yan," maarteng utos ni Veronica sa mga kaklase naming lalaki na hiningian niya ng tulong. Tumango ang mga 'yon saka siya lumabas kasama ang dalawa niyang kaibigan.


---



ERISHA FROST


"Good morning, Princess Frost," bati sa'kin ng isang babaeng estudyante. Napahinto ako sa paglalakad papunta sa room ko at nilingon siya.


"Hindi kasama sa pangalan ko ang princess," nakakunot ang noo kong saad. Tila natigilan ito sa narinig.


"Iyon po kasi ang patakaran at iyon ang kailangan naming itawag sa mga Aurorials," saad niya saka napayuko. Napabuntong hininga na lang ako at iniwan na siya ro'n.


"Ang ganda niya, 'no?" narinig kong bulong ng isang estudyante na nadaanan ko.


Ramdam ko ang tingin ng lahat ng mga estudyante sa paligid ko pero hindi tulad sa mga nagdaang araw na masama ang tingin nila, ngayon ay tila namamangha at natutuwa sila.


"Princess Frost." Napatigil ako sa paglalakad saka hinarap ang tumawag sa'kin mula sa likod. Binigyan ko ang babae sa harap ko ng nagtatanong na tingin. "Salamat po pala sa pagligtas sa'kin kahapon," sinserong saad niya saka ako nginitian.


"Kahit sino naman, gagawin 'yon."


Napatitig siya sa'kin. "Salamat pa rin po." Nahihiya siyang napayuko.


Maya-maya, muli niyang inangat ang tingin sa'kin saka ngumiti nang malapad. Tumango lang ako sa kaniya at tinalikuran na siya saka muling naglakad papunta sa room. Wala naman na akong sasabihin pa.


Tumayo ako sa tapat ng pinto ng room namin at hinawakan ang doorknob. Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa pinto. Pinihit ko ang doorknob at tinulak 'yon nang konti pero hindi ko siya tuluyang binuksan.


"Bakit hindi ka pa pumasok?" Napatingin ako sa gilid ko. Nakataas ang kilay habang nakahalukipkip na naglalakad palapit sa'kin si Veronica. Kasama niya ang dalawa pa niyang kaibigan saka sila huminto sa harap ko. "Hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa mo sa'kin noong isang araw," mataray na sabi niya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Para bang minamaliit ako nito kahit natalo ko naman siya.

Majestic World: Battle Between Two Kingdoms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon