Chapter Fifteen: Eight Aurorials

9K 345 15
                                    

ERISHA FROST


I lied.


Totoong tumawag si lola sa'kin pero hindi totoong nasa bahay ko sila. Sinabi ko lang 'yon para hindi na nila ako pasamahin. Umuwi na lang din ako sa bahay at kumain ng hapunan. Nag-stay lang ako ng halos isang oras bago ko napagdesisyunang bumalik na sa Light University.


"Nakabalik na kaya 'yong mga abnormal na 'yon?" tanong ko sa sarili habang sumasakay sa kotse. "Saglit lang naman daw sila eh. Baka nasa university na 'yon."


Pinaandar ko na ang kotse at maingat na nagmaneho. Ano kayang itsura ng forest na 'yon?


"Limang kabataan ang naunang pumasok doon noon, kalagitnaan ng gabi."


Nangunot ang noo ko. Ayon sa pagkakaintindi ko sa kwento nila, gabi pumasok ang mga kabataan kaya gabi sila nawala sa loob ng gubat. Ang mga estudyanteng pangalawang pumasok naman, kung kinabukasan nalaman ng mga magulang nila na hindi na sila nakabalik, ibig sabihin gabi rin sila pumasok sa gubat? After class, so, maaaring gabi nga?


"Ang sabi ng karamihan, may mga demonyo ro'n. Kaya nga 'Perilous Forest' eh. Delikado raw do'n."


Tumingin ako sa labas at napahigpit ang kapit sa manibela.


Madilim na.


"Ang sabi ng karamihan, may mga demonyo ro'n."


Demons? Ayon sa sinabi ni Erine, gabi lang sila nagpapakita. 'Pag umaga, nasa lungga lang nila sila, sa ilalim ng lupa. Hindi sila masiyadong naaapektuhan ng apoy. Takot sila sa liwanag, kuryente, at ayaw nila ng lamig.


Nasa parking area na ako kaya mabilis akong huminto at lumabas ng kotse. Tahimik ang paligid.


"May mga halimaw. Demonyo. Huwag na tayong tumuloy. Mamatay tayo."


"Mga katagang sinigaw ng lalaki."


Napahinto ako sa paglalakad. Nakuyom ko ang kamao ko. Hindi na maganda ang nararamdaman ko.


"May mga halimaw. Demonyo."


"Mamatay tayo."


"Demonyo."


Mabilis akong pumihit patalikod at bumalik sa kotse ko. Shit! Shit! Shit!


Tiningnan ko ang wrist watch ko. Mag-iisang oras na sila ro'n at kanina pa madilim ang paligid. Sana mali lang ako.


"Frost?" Natigil ako sa pagsakay sa kotse nang may tumawag sa pangalan ko.


Cloud!

Majestic World: Battle Between Two Kingdoms (Completed)Where stories live. Discover now