Chapter 1

50 3 0
                                    

-Dwayne Mendez-


Nang makita ko ang kanyang kamao na malapit ng tumama sa aking muka ay agad akong tumungo para maiwasan ito at sunod sunod na suntok ang pinakawalan ko dahilan para siya ay mawalan ng malay.

Malaking ngisi ang pinakawalan ko matapos kong talunin ang tatlong lalaking nagbadyang harangan ang daanan ko.

"Hindi pa tayo tapos Dwayne Mendez", sigaw ni Michael ang kanilang leader ng grupo. Natawa ako ng bahagya ng sabihin niya iyon habang tumatakbo. Mga duwag!

"Sige lang tol", sigaw ko pabalik habang pinapakita ang gitnang daliri ko. Kitang kita ko ang labis na inis sa kanyang pangit na muka dahil sa ginawa ko.

Pasipol sipol akong umalis sa likod ng Code University at pumunta na lamang kay Regan ang aking girlfriend sa loob ng tatlong araw.

"Hi babe", bati ko sakanya at agad ko siyang hinalikan sa kanyang labi. Agad naman siyang humalik saakin pabalik

"Where have you been babe? Di mo man lang ako tinawagan", nakanguso at maarte niyang tanong. Yuck!

"Break na tayo!",

"But kanina lang naging tayo diba? Nag promise ka three days right?",

Iniwan ko na siya baka mamaya masapak ko lang yun. Pasensya siya nasakal agad ako sakanya. Ang ayoko talaga sa lahat yung tinuturing akong pag aari nila. Sayang ang sexy pa man din ni Regan. Hayae na nga hanap nalang ako mamaya ng mas maganda at mas sexy

Tinawagan ko na lamang si Ryan para mag bar mamaya. Pero ang gag* may ka sex nanamang babae. Di na ako mag tataka mga isang araw may AIDS na yan gag*ng yan. Hmm! Ako na nga lang sigurado naman akong lalapitan ng mga babae. Ang gwapo ko ba naman!

Dumaan na lamang ako sa short cut para walang traffic at tahimik ang daan.

Habang nagmamaneho ay may humarang saaking dalawang kotse. Sh*t si Michael nanaman wala talagang kadala dala ang tang*nang ito e. Nagsama pa ng marami. Duwag talaga!

Bumaba ako ng sasakyan pero agad na may pumukpok sa aking likudan. Nanlabo ang aking paningin dahil sa lakas ng pagkaka palo saakin dahilan kaya ako ay napaupo. Ilang segundo pa ay itinayo ako ni Michael at agad na sinuntok sa aking sikmura

"Ano Dwayne sinong duwag. Wala ka pala e tarant*do ka",

Muli ay sunod sunod na suntok ang kanyang pinakawalan sa aking sikmura. Nanghina agad ako sa ginawa niyang iyon, napaupo ako dahil labis ang sakit na naramdaman ko.

Ngayon ay mahigit limang lalaki ang sumisipa at sumsuntok saakin pero wala na akong lakas para lumaban pa dahilan na rin siguro sa malakas na pag kakapalo saakin kanina

Ramdam ko dugong dumadaloy mula saaking ulo. Kahit nahihirapan ay pilit akong tumatayo para sana lumaban pero nagulat ako ng may hawak ng tubo si Michael at agad akong hinampas sa aking likod. Nang tumama sa akin ang tubo ay napahiga na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman. Talagang nanlalabo na ang aking paningin dahil patuloy pa rin akong sinisipa at sinusuntok ng kanyang mga kasamahan.

Nang mumulat ako ay kitang kita ko ang pag pwersa ni Michael habang hawak hawak ang tubo na balak niyang ipalo sa aking ulo ngunit nakita ko ang pagkagulat at takot sa kanyang mukha para bang naka kita ng multo ang gag* .

Bigla ay nabitawan niya ang tubo at tumakbo habang nagmumura. Ilang segundo pa ay kita ko ang dalawang sasakyan na tumatakbo palayo kung saan ako naroon.

Nagtaka ako kung bakit bigla na lamang silang umalis na parang nakakita ng kung ano

Tiningnan ko ang direksyo kung saan nakatingin kanina sina Michael

Nagulat ako ng makakita ako ng isang napakagandang babae na para bang isang anghel na bumaba mula sa langit, nakakulay puti siyang damit at mayroon siyang itim na korona. Nakangiti siya saakin pero sa ngiting iyon ay para bang may kakaiba na nakapag pataas ng aking mga balahibo

Habang lumalabo ang paningin ko ay unti unti ding nawawala ang kanyang imahe.

Ilang minuto pa ay bigla na lamang nagdilim ang aking paningin at tuluyan akong nawalan ng malay.

His Antagonist WifeWhere stories live. Discover now