Chapter 2

34 3 0
                                    

-Felicent Daveon-

Ang init init talaga sa impyernong ito. Tama ba naman na parusahan ako ng sarili kong ina. Ikulong ba naman ako sa napakainit na lugar, dito sa kanilang kaharian

"Pwede ba Felicia tumigil kana sa kaka daldal mo dyan. Alam ko yang nasaisip mo", binasa nanaman ni Ina ang aking isip. Wala naba talagang privacy dito sa lugar na ito. Sana pala kina papa na lang ako e!

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka pwedeng pumunta sa lupa at magpakita na kahit kanino", muli nanamang sermon niya saakin.

"Ina ano bang masama roon. Tiningnan ko lang naman kung paano mamuhay ang mga tao", sagot ko sakanya. Nitong mga nakaraang araw ay para bang nawiwili akong magpabalik balik doon sa lupa lalo na ng makita ko yung gwapong lalaki. Tinulungan ko pa nga siya sa mga lalaking sinasaktan siya!

"Matigas talaga ang iyong ulo Felicia. Sa oras na bumalik ka doon ay sisiguraduhin kong hindi kana muli makakabalik sa iyong pinanggalingan", lagi naman sinasabi yan ni Ina. Nakakabalik pa rin naman ako. Antayin ko na nga lang mag hapunan nang makalabas na ako sa kulungang ito.

Nang makalabas ako ay nagmadali agad akong pumunta sa kaharian ni papa.

Magkahiwalay sina Papa at Ina ng kaharian dahil na rin na hindi sila magkatulad ng pinanggalingan. Si papa ay kabilang sa mga God's and Goddesses sa kagubatan at aking Ina naman ay anak ni Haring Franco, ang demonyo kong lolo.

Malaki ang pagkakasala nila lalo na ng mabuo ako lalo na at kalahati ng dugo ni papa at Ina ang nananalaytay saakin, pero ipinaglaban nila ang kanilang pag iibigan at dahil doon ay namatay si Haring Franco, kaya si Ina ang namamahala sa kanilang kaharian na iniwan ni lolo at pansamanta silang naghiwalay ni Papa

"Papa!", sigaw ko ng makita ko siyang inaayos ang mga halaman at puno ng kagubatan. Talagang mas malapit ako sa aking ama dahil palagi niya akong ipinagtatanggol kay Ina.

"Kamusta ang aking Prinsesa", nakangiti niyang bati saakin at agad ay hinalikan niya ako sa aking pisngi

Hindi ko nanaman mapigilan ang aking bibig na magsumbong sakanya na pinarusahan nanaman ako ni Ina.

Nang masabi ko na ang lahat ay inaya na lamang ako ni papa na mamasyal dito sa kanilang kaharian .

Sadyang napakaganda nga ng kagubatang ito. Tahimik at tanging maririnig lamang ay ang agos ng tubig mula sa napakalinis na ilog at mga huni ng mga ibon na tila ba para silang umaawit. Napakasarap ng simoy ng hangin dahil sa mga berdeng berde na mga halaman at malalaking puno. Kung pagmamasdan ay para itong isang napakagandang palasyo.

Hindi katulad sa kaharian ni Ina. Napakainit, napakadilim na tanging mga apoy lamang ang nagsisilbing ilaw. Sa tuwing naroon ako ay para bang palagi akong nakabilanggo, kahit doon ako lumaki  hindi ako komportable sa lugar na yun.

"Papa pwede ba na tumira ako sa lupa kahit pansamantala lang?", bigla ko na lamang natanong sakanya. Ewan ko ba bakit parang lumalapit ang loob ko sa lupa at parang palaging may nagtutulak saakin na pumunta doon.

" Oo naman pero dapat handa ka sa maaaring mangyari at dapat mas maging matapang ka tandaan mo ibang iba doon, hindi katulad dito. Gusto mo ba anak?",

"Opo", walang pag aalinlangan kong sagot. Hindi ko alam pero talagang gustong gusto nang aking kalooban na makisalamuha sa mga tao.

Ilang minuto ay tila ba lumalabo ang imahe ni Papa. Unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang aking paningin at hindi ko na naramdaman ang presensiya ni Papa

His Antagonist WifeWhere stories live. Discover now