Chapter 3

33 1 0
                                    

-Felicent Daveon-


Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad akong nabigo dahil sa pagdilat ko ay nasa kaharian na ako ni Ina

Sinasabi ko na nga ba at ginamitan nanaman ako ni Ina ng kapangyarihan . Akala ko ay makakabalik ng muli ako sa lupa at doon ay maninirahan. Nakakainis!

"Ano Felicia at balak mo pa ata na tumira sa lupa. Talagang pumunta ka pa sa iyong ama. Akala mo ay hindi ko malalaman ang iyong mga balak", nakakainis talaga siya. Bakit kaya pinagbabawalan ako. Samantalang siya ay pabalik balik lamang sa lupa para kumuha ng mga nagkasalang kaluluwa.

"Ina gusto ko lang naman na maranasan kung papano ang mga tao roon sa lupa", agad na katuwiran ko sakanya, at sa halip na sagutin niya ako, muli ay ikinulong nanaman niya ako sa mainit at sobrang dilim na kwarto. Tinawag ko na lamang ang kwartong ito na Filicia's punishment room, palagi rin naman akong ikinukulong ni Ina dito kaya aangknin ko nalang.

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang aking pinakawalan. Sigurado akong mas tatagal pa ang pag kakapirmi ko dito dahil nagalit ko nanaman ata ng sobra si Ina.

"Sabi ng iyong ama ay kukumbinsihin daw niya si Madam Alicent na payagan ka na pumunta roon sa lupa", nagulat ako ng bigla na lamang magpakita sa harapan ko si Keki ang matalik na kaibigan ko sa kaharian ni Papa, isa siyang duwende na may mahabang tainga at payat na pangangatawan, pula ang kanyang kasuootan at ang ang sombrero naman niya ay kulay berde.

"Talaga? Sana mapapayag niya si Ina. Kapag nangyari iyon ay ako na siguro ang pinakamasayang nilalang dito sa kaharian", sobra akong naging masaya sa ibinalitang iyon ni Keki sana nga ay mapapayag ni papa si Ina.

"Oo Felicent, kaya lang ang gusto ni Haring Zen ay kailangan may makakasama ka na isang nilalang dito saatin", ano ba yan akala ko naman magiging malaya na ako roon sa lupa. Labing siyam na ako bakit kaya kailangan may magbantay pa.

"Wag kang mangamba Felicent. Ako ang makakasama mo sa lupa kung sakali", sa labis na tuwa ko ay bigla ko siyang binuhat at inilagay sa aking palad. Mabuti na lamang at si Keki ang kasama ko hindi na ako mahihirapan makisama

Matapos muli ang isang buong araw ay nakawala na ulit ako sa mainit at madilim na kwarto

"Papa ano napapayag mo ba si Ina?", bungad ko sakanya nang pumunta ako sa kaharian.

Mapait na ngiti ang ibinigay niya saakin. Nakakainis naman e! Kelan ko kaya mapapayag si Ina na makapunta ako sa lupa.

Nagmasyal na lang ako rito, balak ko sanang maligo sa ilog pero isang malaking puno ng narra ang naka pukaw ng aking atensiyon.

"Kakaiba naman ang narra na ito. Napakalaki", bulong ko sa aking sarili ng lumapit ako sa puno.

Humiga ako at pinagmasdan ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan. Nakakatuwa sila, napakalaya nilang tingnan.

Hindi ko maintindihan bakit pakiramdam ko ay nakakulong ako rito sa kaharian. Kahit saan ako magpunta ay pakiramdam ko hindi ako malaya.

"Hays gusto ko talagang pumunta sa lupa", muling sabi ko sa aking sarili

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagyanig sa aking kinahihigaan. Hindi ko alam kung bakit parang umiingay ang paligid. Nagaamoy usok at panay ang malalakas na tunog. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga iyon.

Sa labis na irita sa mga tunog na naririnig ay tinakpan ko ang magkabilang tenga at ipinikit aking mga mata.

Ilang minuto rin nanahimik ang paligid. Ngunit saaking pagmulat ay hindi ko inaasahan na may sasalubong saaking isang sasakyan at malakas na busina ng pinakawalang tunog

Pinikit kong muli ang aking mata at iniharap ang dalawa kong kamay bilang panangga kung sakaling matatamaan ako ng sasakyan

"Hahahahaa! Miss tumigil ako o para kang tanga dyan, mulat na"

Iminulat at iginala ko ang aking mata sa buong paligid. Salamat at buhay pa ako.

Pero nasan ako? Ang pagkakaalala ko nakahiga lang ako sa ilalim nung malaking puno ng narra.

"Asan ako?"

"Hahahaha tanga talaga. Nasa manila tayo miss o. Manila"napakunot an g noo ko dahil hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi

"Manila? Nasa lupa ako?"

"Ang ganda nga tanga naman. Miss anong trip mo? Hahhaha bakit ganyan ang suot mo pumunta ka ba ng costume party?", Ako pa raw ang tanga e. Siya nga itong hindi ko maintindihan ang sinasabi. Pati ano bang mali sa suot ko. Puting mahabang damit at itim na korona. Ganito naman talaga ako manamit a.

"Ano ba yan! Sumama kana nga lang sakin. Sakay na nakakahiya yang suot mo pang Manang", bigla niya akong hinila at pinasok sa kanyang sasakyan

"Teka san moko dadalhin?", tanong ko sakanya dahil hindi ko naman siya kakilala pero bakit niya ako sinasakay sa kanyang sasakyan

"Sumama ka nga lang muna sakin. Punta tayong ospital dadalawin ko si Dwayne yung kaibigan ko. Nakakakonsensiya kasi pag hinayaan kita. Mukang maluwag pa naman ang tornilyo mo?"

"Ha?"

"Wala. Sumama kana lang"

Hinayaan ko na lamang siya na sumama ako. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta

Pinagtataka ko lang kung bakit ako napunta sa lupa at nakikita ng tao. Hindi naman ako nagpakita sa kanya a.

Ang ibig sabihin kaya nito pumayag na si Ina na manatili muna ako rito?. Pero asan si Keki haaaays masyado na akong naguguluhan. Bahala na nga!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Antagonist WifeWhere stories live. Discover now