2

92 6 0
                                    


Dumating ang Sabado, nagpapalit ako para sa get together ng mga magulang namin. Pati kaming mga anak nila ay kasama.

Excited na ako! Waaahhh! Makikita ko na naman si Jaevy na anak nina Tita Caevy at Tito Jasen. Ang aking dakilang crush. Ang gwapo gwapo niya, nakakakilig! May pagkasuplado siya minsan, sinasamaan nga niya ako palagi ng tingin eh.

"Baklush, bumaba ka na diyan!"

"Pababa na mudrakels!"

Sinulyapan ko muna ang kadiyosahan ko sa salamin bago bumaba nang pakembot-kembot. Dahan-dahan akong bumaba sa staircase habang ini-imagine na may naghihintay sa 'king Prince Charming.

Natigil lang ito nang makita ko ang wicked witch at tinangay ang Prince Charming ko.

"NOOOOOO!"

"Hoy bakla, tumigil ka na sa kaka-daydream mo."

And speaking of the wicked witch, nakita ko lang naman siya sa sofa habang nakadekwatro at nakahalukipkip na nakataas ang kilay sa 'kin.

"And what are you doing here, witch?"

"Pinapahintay ka sa 'kin ni tita. Ang bagal mo raw, mas mabagal ka pa sa babae."

"Karapatdapat lang naman sa isang diyosang kagaya ko ang pinaghihintay ang isang hampaslupang kagaya mo."

"Tumigil ka na nga sa kabalbalan mo, halika na."

Hinila niya ang kamay ko palabas, napadaing nga ako dahil sa higpit ng hawak niya. Ang lakas talaga ng babaitang ito.

"Arouchki naman, dahan-dahan lang naman Daezen."

"Ang lamya mo kasi, bagal-bagal."

Hinila ko kaagad yung kamay ko pagkalapit namin sa SUV, nakakaderder hawakan ang kamay niya. Nandoon na ang mga magulang namin, kami na lang ata ang hinihintay. Nakita ko rin ang gwapong-gwapo na kapatid ni Daezen na si Denrich, ang cute-cute talaga ng batang 'to hindi gaya ng kapatid niyang bruha.

"Bakit mo ba kasi pinalaking ganyan ang anak mo, Almina?" tanong ni Tita Dane kay mudrakels. Alam kong nagbibiro lang siya dahil palagi niya iyong tinatanong kay mudra.

At ang dakila ko namang ina ay sumabay naman, "Gusto ko kasi ng babaeng anak kaya dinamitan ko siya ng mga pambabaeng damit. Tapos ayan na nga ang kinalabasan. Nagsisisi na nga ako eh," nakangusong sagot ni Mommy.

"Ouch naman mudra," angal ko na tinawanan lang nila. Ako palagi ang pinagtitripan eh. Parang wala naman ako dito para pag-usapan ng ganyan ah. Hmp.

I'm an only child kasi. Hindi na ako nasundan pa dahil nagkaroon ng komplikasyon noong ipinapanganak ako ni mudra. Natakot naman si pudra na maulit ulit ang nangyari kaya lonely tuloy ako ngayon, wala akong kapatid.

Pagpasok namin sa SUV, as usual, katabi ko na naman ang babaita. Palagi na lang kasi nila kaming pinagtatabi, nakakainis. At ang walangya, pinatong pa talaga ang ulo sa balikat ko.

Tinulak ko nga palayo, "Huwag ka ngang sumandal babaita, baka mahawaan pa ako ng germs mo."

Hindi niya ako pinansin at sumandal ulit sa 'kin habang nagfe-Facebook. Aba ang kulit naman ng butsi nito ah, iniinis na naman siguro ako. Ginalaw-galaw ko yung balikat ko para tanggalin na niya yung ulo niya pero hindi naman umepekto. Nangangalay na rin ako kaya itinigil ko na ang paggalaw dito at hinayaan na lang siyang sumandal sa 'kin. Haay. Tumingin na lang ako sa dinadaanan ng sasakyan namin sa labas.

Nakarating kami sa isang beach resort mga bandang tanghali na. Isang beses sa tatlong buwan kaming pumupunta sa iba't ibang lugar para sa get together ng mga magulang namin. Magkakalayo kasi silang magkakaibigan kaya pinagkasunduan nilang mag-bonding kada-tatlong buwan.

Beauty and the BekiOnde histórias criam vida. Descubra agora