7

46 5 0
                                    


Don't get me wrong mga beks ha. I respect gays, lesbians, bisexuals and all. Pero it's somewhat bizarre lang siguro sa 'kin ang ganoong scenario.

May mga gay acquaintances din naman akong may jowang lalaki pero hindi ko pa sila nakikitang nag-kiss. First time ko lang kanina nung pinakita sa 'kin ni Steward ang video. I'm so OA lang mag-react talaga.

At siguro dahil na rin sa kauhawan ko sa kiss kaya gano'n. Kahit naman na isa akong diyosa sa ibabaw ng lupa, hindi pa ako nakakatikim ng halik. I'm waiting for the right time, right moment, right ambiance, and all rights for my first kiss.

Pero wala pa akong jowa. Haist.

Makailang beses na akong nagdo-doorbell sa bahay nila pero wala pa ring lumalabas para pagbuksan ako. Bakit ang tagal? Wala bang tao? Pero kakauwi pa lang namin ni Daezen ah, siguradong nandito lang siya.

Ilang sandali pa ang lumipas at narinig ko na rin ang kalansing ng pagbukas ng gate. Sa wakas naman.

Bumungad sa 'kin ang isa nilang kasambahay, si Manang Eva. "Pasensya na Albrent ha, nagluluto kasi ako eh."

"Wala bang ibang tao rito, manang?" tanong ko at sumilip sa loob ng gate. Kumunot pa ang noo ko nang mamataan ang babaita sa kanilang porch. Chill siyang nakaupo sa may rocking chair habang nagse-cellphone.

"Ako lang ang kasambahay na nandito ngayon, day-off ng iba eh. Sila ma'am naman ay may trabaho pa." Tumingin sa 'kin si Manang Eva nang pang-asar at mas lumapit, "Sabihin mo Albrent, si Daezen ba ang pakay mo?"

"Opo." Napangiwi ako sa nakikitang kislap sa mata ni manang. Hanggang ngayon siguro ay hindi pa rin namamatay ang Albrent-Daezen ship niya. Nakakaloka ang tanders na 'to.

"Sige, sige, pasok ka. Maiwan ko na muna kayo at baka masunog pa ang niluluto ko."

Pumanhik na si manang sa loob kaya lumapit na lang ako kay Daezen babaita. Hindi man lang nag-angat ng tingin ang gaga nang nasa tapat na niya ako.

Kanina pa siguro siya nandito pero hindi man lang ako pinagbuksan. Ilang beses pa akong nag-doorbell ah. Imbyerna. Kung wala lang akong kailangan ay sinabunutan ko na siya ngayon.

Umupo ako sa katapat niyang upuan at tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Daezen," tawag ko at sinipa nang marahan ang paa niya. Sa pagkakataong ito ay tumingin na siya dahil siguro sa kaseryosohan ko.

Nagtitigan kami hanggang sa kumunot ang noo niya nang makitang ngumuso ako.

"I need your help," I said with pleading eyes. Oh my gosh, nakakasuka.

Kapag kasi may kailangan kami sa isa't isa ay mahirap talagang babaan ang pride. Sa halos araw-araw ba naman naming pagbabangayan, hindi sure kung matutulungan namin ang isa't isa dahil nga sa enemies kami.

Pero ewan ko ba, kahit na magkaaway kami ay nagtutulungan pa rin kami sa ilang bagay. Hindi ko nga alam kung paano nagsimula, basta naging ganito na lang kami bigla. Weird ng relationship namin 'no? Pero we're used to it na.

"Ano bang problema mo ha?" Sa wakas ay focus na siya sa 'kin ngayon dahil ibinaba na nito ang phone sa mesa.

Sinabi ko naman na ang problema ko. Na hindi ko matanggal sa isip ko ang mga pogi. Sayang kasi, sa 'kin na lang sana sila.

Beauty and the BekiWhere stories live. Discover now