5

50 5 0
                                    


Bumalik na ako sa restaurant ng resort at nakita kong nando'n na ang mga magulang namin. Umupo ako sa upuan ko kanina na katabi ni Daezen babaita, ito na lang kasi ang bakante.

"Oh, sa'n ka galing?" tanong sa 'kin ng aking mudra.

"Dyan lang sa dagat," maikli kong tugon at kumuha ng saging.

"Pagkatapos nating kumain, mag-jet ski tayo!" Palagi talagang hyper 'tong si Tito Jasen, kabaliktaran ng asawa niyang si Tita Caevy.

Tumungo kaming lahat sa tabing dagat. By partner kaming lahat pwera lang sa mga bata. And as usual, alam niyo na, partner ko na naman ang babaita.

"Hoy! Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan? Halika na," tawag sa 'kin ng babaita. Aba! Nauna nang sumakay, ako dapat ang mada-drive eh.

"Chupi! Ako ang magmamaneho."

Tinaasan niya ako ng kilay, "Ako ang nauna kaya wala ka nang magagawa."

Lumunok na lang ako at nag-sign of the cross. Kapag siya kasi ay masyadong extreme eh. Whooh. Huwag sanang ito ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Madami pa akong pangarap, magiging Miss Universe pa ako eh.

"Oy, babaita, dahan-dahan lang ah—KYAAAAAHHH!"

Jusmiyo marimar! Mamamatay na ata ako! Bigla ba namang pinaandar!

"WALANGYA KA BABAITA! MAKITA MO LANG, SASABUNUTAN TALAGA KITA NG BONGGA!"

Narinig kong tumatawa siya ngayon. Walangya talaga, nakakagigil! Nakayakap pa ako ng mahigpit sa kanya.

"HOY! CHANSING KA NA AH!" sigaw din niya dahil hindi kami masyadong magkakarinigan kapag hindi kami sumigaw.

"YAK! HINDI 'NO! EPAL MO!"

"PARA-PARAAN KA LANG EH! BAKLA!"

"WIT! BAKLA NGA AKO 'DI BA?!" Kung anu-anong sinasabi, kita na ngang bakla ako, manananching pa sa kanya? Eww lang ah, wit ko siya type. Mas type ko si Jaevyloves, haaay, why so gwapo talaga.

Nanahimik na lang siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Haay, buti naman, inilagay ko na rin sa likod ko ang mga kamay ko para hindi na siya magreklamo pa. In-enjoy ko na lang ang view at ang malakas na hanging tumatama sa mukha ko. Medyo napapa-arouch pa nga ako kasi tumatama sa mukha ko yung buhok ni babaita, pati yung mata ko natatamaan!

"Babaita, ayusin mo nga yung buhok mo," sabi ko. Hindi niya itinigil, siguro hindi niya lang narinig. Haay, ako na nga lang. Hindi rin naman niya maaayos dahil nagmamaneho siya. Shunga mo talaga Albie.

Hinawakan ko ang buhok niya pero sa gulat ata eh napapreno siya bigla. At ako namang walang kamuwang-muwang eh nauntog ang ilong sa likod ng ulo niya.

"Aray koooo! Ang matongos kong ilooong, napango naaaa!"

"'Wag ka ngang oa. Ikaw din naman ang may kasalanan eh, ginulat mo ako."

"Wala namang nakakagulat do'n ah. Dahan-dahan ko namang hinawakan ang buhok mo."

"Ah basta, ako na nga ang magtatali."

Inikot ko lang ang mata ko at hinayaan na siya. Oa daw ako eh pati rin naman siya, hindi ko naman siya ginulat ah.

"Waaaaahhh!" Napatili na naman ako sa gulat nang may bumangga sa sinasakyan namin. "Bleizer! Tigil-tigilan mo nga kami!"

"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga." Sinamaan ko siya ng tingin pero natatawa lang itong umalis. Hindi man lang magdahan-dahan ang lalaking yun, sakay pa naman niya si Keindy.

"Bakla, yung kamay mo."

"Oh?"

"Yung kamay mo sabi."

Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa bewang niya. Omygosh, I touched her bare skin! Bumitaw ako agad na parang napapaso. Nakakadiri.

"Sorry naman daw."

Beauty and the BekiWhere stories live. Discover now