Chapter 15

109 4 2
                                    

Sebastian's POV

I'm preparing all the things needed sa panganganak niya. Kanina pang madaling araw nag li-labor si Sheena and I need to go to the Hospital to make sure that they are safe.

"Anak sasama ako sa'yo. I want to make sure that you're okay and your son." Tumango na lang ako pagkasabi ni Tita Ana na sasama siya. Nagmadali na kaming ilagay lahat ng kailangan sa loob ng kotse para makaalis na. Kinakabahan ako, sobra. Parang malalaglag ang puso ko kapag naiisip ko silang dalawa.

"Halika na, hijo wala ng natira sa loob. H'wag kang masyadong mataranta, I'm sure okay lang ang mag ina roon." pumasok agad ako sa driver seat pagka pasok ni Tita sa passenger seat. Pakiramdam ko namamanhid ang katawan ko sa sobrang kaba. Panginoon ikaw na ang bahala sa kanila.

Habang nagdadrive ako, hindi ko maalis sa isip ko kung ano bang nangyayari sa kanila. Okay ba ang bata, wala bang masamang nangyayari o baka nahihirapan siyang manganak.

"Tita, hindi ba sila mapapahamak, do you think they are okay? Hindi ba delikado ang panganganak baka mamaya hindi niya kayanin kasi may mga gano'ng case?" natataranta kong tanong.

"Hijo, hindi mo kailangan matakot. The Doctor will take care of them you don't have to worry, okay? Just relax and pray. Sheena is a strong woman she will make it." Binilisan ko nang bahagya ang takbo ng kotse para makarating agad sa Saint Lourdes Medical Hospital. Hindi maalis sa isip ko na baka mamaya sadyain ni Sheena na hindi mabuhay ang bata ngunit pinipilit ko rin ang sarili ko na hindi niya 'yon magagawa.

Pagdating namin, sinalubong kami ni Daddy at ng parents ni Sheena.

"Hijo, nandiyan ka na pala. Sheena is under observation 7 cm palang kaya hindi pa siya makapanganak." tugon ng Mommy ni Sheena. Bakit hindi sila kinakabahan?

Magsasalita pa lang sana ako nang may lumapit sa aming nurse,

"Ma'am and sir kayo po ang relatives ni Sheena Anagracia, right? Nasa delivery room na po siya and as of now baka po nanganganak na siya. Pwede na po kayong maghintay sa loob ng Room 204 salamat po." Hinatid kami ng nurse sa Room 204 at umalis din pagkatapos. Nahmadali kaming ayusin ang mga dala kong gamit.

Hindi ako mapakali; lakad ako nang lakad, back and forth. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Hijo, ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba napapagod? kanina ka pa lakad nang lakad." saway sa'kin ni Daddy.

"Dad, I can't help myself being worried. Lalo na hindi pa natin alam..."

"Ayan na pala si Sheena." napatingin lang ako sa pagpasok ni Sheena. Bakit wala pa ang baby?

Binuhat namin siya para makahiga sa higaan niya.

"Sheena!" Napatingin kami lahat sa hingal na hingal na lalaking pumasok sa kwarto.

"Angelo," lumapit si Angelo sa nakahigang si Sheena at nag-usap sila na hindi namin naririnig. Sheena was very happy seeing her boyfriend rather than seeing our son. Hindi man lang niya tinanong kung nasaan ang bata. Namaramdam ako ng inis pero mas pinili ko siyang intindihin.

"Tao po, the baby is here." binuksan ko ang pinto at bumungad sa amin ang nakangiting nurse. Agad kong ibinigay ang aking bisi para kunin ang bata. As I carry him, he streched his body and I find it very cute. He look likes Sheena. Mata lang ang nakuha sa'kin and everything came from his mother.

"The baby is healthy, he do not need incubator. Sige po I have to go." umalis na ang Doctor na nagdala ng bata. Para akong natulala habang nakatitig sa anak ko.

This was my favorite day; in my 25 years of existence I never felt this kind of happiness. Tumulo ang luha ko habang buhat ko ang bata at napapangiti na lang bigla. Hindi ako makapaniwala na dadarating siya sa hindi inaasahang pangyayari.

"Hijo, umiiyak na ang bata he need his Mommy." Napatigil ako sa pag iisip nang tapikin ako ni Tita Ana. Lumapit ako kay Sheena para padedehin ang bata.

"Ayoko! Ilayo niyo 'yan sa'kin." lahat kami nahinto sa sinabi niya.

"Hija! Ano bang pinagsasabi mo? Nagugutom ang anak mo he needs you!" pagsesermon ng Mommy niya. Lumuhod ako sa harapan niya dahil iyak na nang iyak ang sanggol na hawak ko hindi na siya tumatahimik at mukhang nagugutom na nga.

"I'm begging you kahit ngayon lang. Nagmamakaawa ako sa'yo." halos kainin ko na ang lahat ng pride sa katawan ko para lang matugunan ang pangagailangan ng sanggol na hawak ko ngayon.

"Ayoko nga sabi! Tapos na ang paghihirap ko sa bata na yan! Huwag kang parang kawawa na hindi mo naintindihan ang usapan natin!" I saw tears fell from her eyes habang sumisigaw siya. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo  ako mula sa pagkakaluhod.

"This is the last time na manlilimos ako ng awa sa'yo! Ito na ang huling pagkakataon na luluha ako para lang pagbigyan na sana mahalin mo ang bata! Wala kang kwentang tao!" lumabas ako ng kwarto at nagahahanap ng nagpapabreast feed.

"Buddy, daddy will find a milk for you h'wag ka nang umiyak." Hindi ko na alam ang gagawin kung paano ko ba mapapakain ang bata. Tinanggal ko ang hiya sa katawan ko at pumasok ako sa isang kwarto na may anak at nagpapa breast feed.

"Ma'am, pasensya na po sa istorbo baka po pwedeng maki amot ng gatas ang anak ko, eh hindi pa kasi kaya ng asawa ko?" Gusto kong kainin ako ng lupa sa sobrang hiya, iniisip ko na lang na anak ko 'to. Ang hirap kaawaan ng sarili sa ganitong sitwasyon para akong pinapatay.

"Pasensya na po dumede pa kasi ang anak ko." Humingi ako ng pasensya at naghanap ulit. Buti naman kahit papaano tumigil ang anak ko sa pag-iyak pero ramdam ko na may iba siyang pangangailangan.

Pumasok nanaman ako sa isang kwarto nagbabaka sakali na may maawa. Pag pasok ko, I saw my former classmate during College na si Johnny. Nanganak din ang aswa niya kahapon.

"Pare long time no see why are you here? At sino 'yang batang dala mo? Wala kanv pasabi daddy ka na rin pala." Masigla niyang tanong.

"Pare, kakapalan ko na ang mukha ko. Baka pwede namang maki-amot ng gatas para sa bata. Hindi pa kasi kaya ni misis at bawal pa rin pala ng milk formula." He smiled at me while tapping my shoulder.

"Akina ang Baby mo mukhang gutom na gutom na." Lumapit sa'min ang misis niya at kinuha ang anak ko. Tumulo nanaman ang luha ko nangg nakita kong sa ibang tao nakiki amot ang anak ko. Pinunasan ko agad ang luha ko para hindi ako mahalata.

"Kawawa naman ang little chaba na yan gutom na gutom. Ang taba taba mo pa naman. Walang gatas si Mommy mo?" Kinakausap ng misis ni Johnny ang anak ko habang ako nakatayo sa gilid ng pintuan at nakamasid, ang anak naman nila natutulog sa gilid.

"Wala kasing gatas ang Misis ko kaya kailangan maghanap muna." ngumiti ako nang pilit to hide the truth. Pagkatapos dumude ng anak ko, inayos niya ang kumot at binalot ang bata.

"Babalik na kita kay Daddy mo ah, bye little Chaba balik ka, ah." kinuha ko na siya at hinele. Natutuwa ako kasi mahimbing na siyang natutulog at tahimik na siya.

"Salamat, pare. Salamat sa inyo, ah. I owe you a lot." Lumabas ako ng kwarto nila na hiyang hiya. Kaso kailangan kong gawin to para sa anak ko.

Habang naglalakad ako sa lobby nakasalubomg namin si Sheena na naka wheel chair at tinutulak ni Angelo. Hindi ko sila pinansin as if they are ghost who doesnt deserve attention from others.

Pumunta ako sa Doctor na nagpaanak kay Sheena at nagsabi na kailangan pa namin ng isang kwarto and I am willing to pay. Binigyan naman kami at doon ako pumunta kasama ang anak ko.

Hindi ko na kailanman ipipilit na ipagsisikan ang anak ko sa taong hindi siya kayang mahalin. I will take care of him as much as I can and I will love him unconditionally.

To be continued...

UnwantedWhere stories live. Discover now